18RealityCheck

24 2 0
                                    

Masaya akong naglalakad papasok ngayon. Sheeet Good Vibes kagabi. Wa akong pake kung may crush si jupiter na mahaharot na babae as long as he appreciates my effort, MASAYA AKO.

Ano kayang mangyayari later?

A: papasok ako sa room pero wala pa si Piter tapos biglang may yayakap sa likod ko tapos bubulong ng thank you... Ayieeeeee kakilig yun! OR!

B:may makikita akong thank you letter sa upuan ko... AYieeeeehhh anshwit naman

C: OMG! JERINA CLARISSE MAGHUNOS DILI KA NGA! ANG TABA NG UTAK MO! DAMI MONG ALAM

Andito na ako sa gate, OMG kinakabahan ako...

Annong magiging approach ni Jupiter sa akin? Mapapansin na ba niya ako finally, if yes OMG!!! if no, if yes OMG!!!

Lakad lang Jerina... wag tatakbo! baka madapa sa haba ng hair mo! Hahahahahaha I'm just so happy...

Ito na. andito na ako sa room eto na yon.

BASAG.

PWEDE BA MAGBACK OUT?

UUWI NA LANG AKO

MASAKIT

Akala ko na appreciate niya. Baka oo kaso hindi mahalaga, hindi ako mahalaga sa kanya.

Andito lang naman ako sa may pinto at si Jupiter at Tara, magkatitigan sila habang nakangiti tapos may hawak sila na papel. Parang nanonood ako ng Forevermore nito ehhh. alam mo yung sparks? oo korni, pero meron ehhh

Ang sakit naman.

Umupo na lang ako saka nagbasa ng libro ko. Ano to? bakit nababasa yung libro ko?

"je." narinig kong sabi ni jeron sabay hila niya sa akin palabas ng room.

yakap lang ako ni jeron habang naiyak ako. ang sakit sakit.

"ano bang nangyari?"-jeron

"kahapon, nalaman kong may sakit siya kaya akong si tanga, ibinili siya ng gamot, saka pagkain. Ako uling si tanga ehhh umasa na pagpasok ko ngayon ehhh may magbabago na, na maiiba yung trato niya sa akin, na mapapansin niya na ang effort ko pero ako uli na si tanga ehhh mali. maling mali kasi masyado akong umasa. kaya eto masakit..."

"Jerina hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sayo. Pag sinabi ko kasing mag move on ka na, iisipin mo yung ilang taon na sakripisyo mo para kay Jupiter, pag sinabi kong ituloy mo, aasa ka na may pagbabago pa sa inyo pero sa nakikita ko, Jerina mukhang kailangan mo na talaga siyang kalimutan. Isipin mo na muna yung sarili mo."

"Pero Jeron hindi ko maintindihan. Kahihiwalay lang nila tapos may tara na agad... bakit si tara pwedebakit ako hindi?? bakit di niya makita yung effort ko?"

"Kasi hindi ka niya type!"

*toink

"ARAY JERON HA!"
"ikaw pa umaray ehh ikaw ang nambatok. Tigas mo rin ehh no? Nagsasabi lang naman ako ng totoo."

*Batoink

"Ano ba Jerina! Mas matanda ako sayo ha!"

"ng twelve minutes" bulong ko

"Pero Jerina seryoso, magmove on ka na kasi, kahit wala kang i momove kasi hindi naman naging kayo hahaha"

"Alam mo Jeron ang gwapo mo sana, kung di ka lang naging panget. Bwiset. di ko alam kung pinapalakas mo loob ko oh gusto mong lalo akong magkanda iyak dito eh"

"pero tumahan kana, ayan tignan mo oras. cutting na tayo. Lagot tayo kay mamsi at papsi, baka ipatawag yun sila."

---------------

So yun nagcutting kami ng dalawang subject na pag minamalas ka nga naman ay nagquiz pareho.Buti hndi pinatawag sila mamsi, nagdahilan si Jeron na sumakit yung paa ko at ang hirap kong patahanin kaya natagalan kami.

At pinagmukha pa niya akong iyakin. pero keri lang.

Ang saya ng mga kaklase ko. Nagtatawanan, nagkukulitan, naglalaro, lahat masaya maliban sa isa.
Nakatingin lang ako sa labas ng room. I cant think straight.
Ang daming tanong sa utak ko kung bakit nangyayari to

Mukha kang tanga! Bakit? Naging kayo ba? Chaka mo umayos ka nga!
Tong konsensya ko abnormal parang si Jeron, laging nang aaway

Gaga ka kasi. Tagain kita jan eh.

Hmp!

Akala ko magpapasalamat siya.
Akala ko maappreciate niya.
Akala ko may magbabago sa trato niya sa akin.

Sabi na sayo girl ehh gising sa katotohanan. Walang kayo! at walang magiging kayo! saka may nagbago naman ahh, yun nga lanh, lalo ka niyang inisnob.

K.

Hay salamat uwian na...

Sinukbit kona yung bag ko at dire diretso na akong lumabas ng room.

"Jerina!"

*shooooook

"Nakabukas bag mo"

sabi ni Jupiter

"Sige una na ako." ani ko at tumalikod na

ano ulit konsensya?

bahala ka nga. Tanga!

at naglakad na ako pauwi habang nakangiti

*********************

Hi guys! Sorry sa napakatagal na walang update. salamat sa nagbabasa nito at di nalilimutang magccomment! I appreciate it a lot.

Lovelots
-katnixx

#sinukuanngkonsensya
#tangangjerina


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reality CheckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon