9RealityCheck

33 4 3
                                    

OMG! Queli grabe! super kinikilig ako! Biruin mo tinanong niya ako kung kumain na ako tapos pinaalalahanan pa ako na kumain daw ako. He cares for me!!! Waaaahhhhhh


grabe J! yugyog na yugyog na ako sayo! This is harassment!


Eto naman! minsan lang mangyari yon! sinusulit ko lang yung kilig!


Anjan na si mam!!!!!! sigaw ni Nonito. Tapos na pala lunch break.


bumalik na kami ni Queli sa upuan namin pero nakaplaster pa din ang oh so lawak na ngiti sa mukha ko. Haaaaaay grabe! alam nyo yung feeling na parang nafullfill mo yung long time goal mo na super saya mo and parang sasabog yung dibdib sa sobrang pagkabog nito? ganun! ganun yun! hindi ko maexplain pero sobrang saya ko.


Habang nagsusulat si Devron sa board ng kokopyahin namin, sinilip ko si Jupiter.


Nagulat ako.


Kasi nakita ko siyang malungkot, parang paiyak. medyo sumisinghot singhot pa.


Lahat ng saya na nararamdaman ko kanina, nawala.


Bakit kaya malungkot si Jupiter? tinignan ko si Micha, parang ok lang naman siya?


Halaaa....


Ang jupiter ko! Sana naman ok lang siya! Sana sinisipon lang siya.


Dumaan na ang mga subject pero halos wala na akong naintindihan. Inaalala ko kasi si Jupiter. Kung ok lang siya.


Uwian na! Lumapit ako kay Piter, pakapalan na to!


Jupiter, ok ka lang?


Ahh oo. Sige alis na ako.


weird. di sila sabay ni Micha ngayon.


Pssst! may sumisitsit


Lumingon lingon ako at nakita ko si Adrian sumesenyas sa akin na lumapit ako sa kanya.


Alam mo na ba? tanong niya


Ang alin?


So hindi mo pa alam?


Ang alin nga? Magtatanong pa ba ako kung alam ko na?


Wala na sila.


Ha? Sila? Sinong sila?


Si Piter at Micha. Wala na sila! Magdiwang ka na!


natahimik ako. nasasaktan si Piter ngayon tapos magdidiwang ako? hahaha you wish! Natameme ako. Kinuha ko yun bag ko at naglakad na pauwi.


Dumaan ako sa locker ko para iwan yung ibang libro, pero napatigil ako nang nakita ko sina Tara, Ciella, Treese at Elize na nag-uusap.


Yaaaann Tara! hiwalay na si Jupiter at Micha!! Pwede na kayo! -Treese


Oh em Geee diba lagi kayong nag-aasaran? baka kaya sila naghiwalay kasi gusto ka na niya!-Elize


Tapos maglalaway yung iba kasi bagay na bagay kayo! -Ciella


Oo nga no? hahahaha maiinlove sa akin si Jupiter ko! OMG! -Tara


Tangna! di na ako tumuloy!


Tumakbo ako palabas ng school para di nila mahalata na narinig ko sila.


HOY!!!


Ay! Tangke ng! Jeron ano ba?!


Eh ang seryoso mo kase! anong gumugulo sa isip mo sister? sabi niya sabay akbay sa akin.


Nagtataka lang kasi ako.


Saan naman?


Kasi diba wala na si Piter at Micha tapos nagpunta ako sa locker kanina and narinig ko yung barkadahan nila Tara na nag uusap tungkol break up nila Micha at Piter na parang tuwang tuwa pa si Tara pero ako ang lungkot ko, kasi nag aalala ako kay Jupiter baka nasasaktan siya. Bakit hindi ko magawang magdiwang ngayong alam kong di siya masaya. Natutuwa din dapat ako diba? na kahit papaano baka pwedeng maging kame?


Eh kase mahal mo na!


Mahal agad? Parang ambabaw naman.


Di Jerina, sa case mo iba kase. Ganto ha, ikukumpara ko. Ang babaeng may crush, nagagalit sa jowa ng crush nila, ikaw, kinaibigan mo at pinupuri mo pa. Yung may crush, lumalapit ng todo sa crush nila, ikaw lumalayo bilang respeto sa girlfriend niya. Yung taong may crush, pag nagsplit yung crush niya at ang jowa nito, natutuwa, ikaw inalala mo si Jupiter kasi baka nasasaktan siya. Jerina, hindi ko masasabi kung malalim o mababaw pero sa tingin ko, mahal mo na siya.


Mahal ko na siya? Mahal? Love?


Hanggang sa umuwi kami, kumain at ngayon patulog na, nalilito pa din ako kung mahal ko na ba talaga siya as in yung totoo na. Hindi yung 'OMG! I love Jupiter talaga!' kundi 'mahal ko si Jupiter kahit sino o ano pa siya'


Pumikit na ako at nagdasal.


Papa God, sana po ibigay niyo na sa akin lahat ng sakit na nararamdaman ni Jupiter. Alam ko pong di niya malalaman na mapapapunta sa akin yun pero mas gugustuhin ko pong ako na lang yung mahirapan kesa mawala po yung ngiti niya. Siguro nga po mahal ko na si Jupiter. Kung mahal ko nga po talaga siya, sana po pagbigyan Niyo po ako ng pagkakataon na mahalin siya at akuin ang sakit na dapat ay sa kanya. Thank you po. Amen.


____________________________________


#MartyrNaJerina





Reality CheckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon