Medyo hinahaching ako. Naulanan kasi ako kagahapon eh! Haisst! Bakit kasi wala akong payong? Ahh kasi nabibigatan ka kaya ayaw mo magdala? Sagot ng konsensya ko. Edi wow?
Since kaya ko namang pumasok at hindi ako papatalo sa simpleng bahing, naghanda na ako para pumasok.
Bumaba na ako para mag agahan.
''Mamsi, si Jeron po?''
''Naku pinuntahan yung pinopormahan nyang bago kaya maagang umalis! Kapatid mo, di mapirmi na walang chicks!''
"True ka jan mamsi! Hahaha tapos na po ako! Bye po!"
At naglakad na ako papuntang school... mag isa ako huhuhu wawang jerina... wala bang Jupiter na biglang susulpot jan? Hahaha mga iniisip ko!
Pagdating ko sa room... teka? Mag ta time na ah? Bakit ang onti namin? Mga 2/3 lang ng kaklase ko ang andito... asan yung iba? Late? Oh well!
Naupo na ako sa upuan ko at binuksan ko yung wattpad ko sa phone... ahuhu matatapos ko na ang Begging For Love at wala pa din akong lovelife...
"Bomba!""ANAK NI ZUES! Jaqueline! Ano ba?!"
"Hahaha masyado kang seryoso eh! Ano ba yang binabasa mo?"
"Bfl"
"Ayy tapos ko na yan! Alam mo ba ending?? Si Me-- "
"Alam mo yung bwiset? Ikaw yun! Epal na to! Spoiler! Che!"
"Pms? Hay nako, wag ka na mainis sa akin sis! Tayong dalawa lang today.Kasi si Angela, may seminar ang dakilang leader. Tapos si Yesha naman, umalis daw family nila.''
"Ahh okay..."
Maya maya, dumating na si ma'am at nagstart ng homeroom.
Nilibot ko yung tingin ko at napansin kong wala si Piter sa tabi ni Jeron. Aba, andito na pala yang kakambal kong kire. Pero wala si pete? Nyek...
"Adri, si Jupiter?" Tanong ko kay Adrian
"Yiee hinahanap!"
"Tsk. Asan nga kasi?"
"Yung gagong yun, hinabol yung crush nyang walang payong eh nagkataon bumaliktad payong nya sa lakas ng ulan tapos yun naulanan. Eh payatot, mahina resistensya, ayun nilagnat"
"Haba ng speech! Okay"
At nakinig na ako nang wala akong nagegets... si piter may sakit? pero wait. Crush nyang walang payong? Wala akong payon-- omg!
Ako?
PERO MAY SAKIT PA DIN SYA! MAMAYA KA NA KUMIRE!
.................
"Jerina! Hoy Jerina!" -Jeremy
"Ha?"
"Naku kanina pa lutang yan emong! Mukhang nag aalala sa taong may sakit..." - queli
"Hoy hindi ah!"
"Wushu deny pa more" - emong and queli
"Hindi, ano nga yon?"
"Wala wala." Sinabi nya yon ng may ngiting nakakaloko. Shacks!
………………………
Sa wakas! Uwian na! Tae sobrang lutang ako. Naka one out of ten lang ako sa english... nawawala talaga ako sa sarili. Paano ba naman eh may sakit si pete! Eh paano kung malala? Kung ma confine yun? Kung mamata-- no! What am I even saying? Argh!
"Jerina wait!"
Sigaw ni queli. Patakbo na kasi ako paalis
"Queli! Mamaya na ako papaliwanag babay!"
At iniwan ko na siya.
Ahhh!! Kailangan ko magmabilis! Baka kung ano nang nangyayari kay piter!
Pumunta ako sa Olympus Mini Grocery
Bumili ako ng dalawang gatorade, sky flakes at ubas. Sinamahan ko na din ng gamot. Tae parang asawa nya ako! Hahaha keleg mats!
Nagbayad na ako. Kairita pa yung cashier. Anak ng pusa! Pabebe tapos yung nasa unahan ko eh lalaking maputi! Naku nagpapacute pa tapos nung ako na yung magbabayad, sumimangot ba naman. Tss
Well anyways, idc basta ang importante ngayon eh mapuntahan ko si pete.
Nanakbo ako papunta sa kanila. Medyo malayo pero keri lang. basta para kay pete.
Pagdating ko sa may gate nila, hingal na hingal na ako! Wohoo! Grabe. Malayo pala natakbo ko.
Ok lang andito ka na.
Teka... andito na ako?
Oh my goodness!
Andito ako?
Paano ko to ibibigay?
Bakit ko sya bibigyan nito eh hindi naman kami?
Ayy tanga mo Jerina! Di mo muna iniisip yung gagawin mo bago ka umaksyon!
Hashtag MedyoBoboHaisst! Ano Jerina, uupo ka na lang jan sa labas ng bahay nila? Para kang timawa jan! Kilos na!
Wait nag iisip ako ng plano!
Hmmm
Plan A: kumatok at pag binuksan, pumasok ng walang usap usap at puntahan si piter
Bobo ka J! Magmumukha kang tanga at weird!
Ayy oo nga! Erase erase!
Plan B: iwanan sa labas at lagyan na note
Tanga nanaman! Eh kung may ibang kumuha nyan?
Ay oo nga!Erase uli!
Plan C: ihagis sa bakuran nila
Tanga talaga oh! Edi nadurog? Sumabog? Sayang pera!
Argh! Ano ba tong mga naiisip ko?!
"Clarisse?"
"Ayy tita. He-hello po." Sheet mama niya. Binuksan nya yung gate
"Anong ginagawa mo dito? Hinahanap mo si Caelum? "
"Ah eh... o-opo opo sana"
"Naku eh andun sa kwarto nya, nilalagnat. Naulanan kahapon kasi sinundan nya daw yung new crush nya. Tara daw ata yung pangalan eh ayun bumaliktad payong nya tapos binaheng na. Mahina resistensya nun eh"
"Oo nga daw po"
Hindi pala ako yung crush. Awts
Ayan! Asa pa more
"Pasok ka Anak. Puntahan mo si Caelum sa taas"
Anak daw. Emeged
"Naku tita hindi na po. pakibigay na lang po ito sa kanya."
"Osige. Sigurado kang di ka na papasok?"
"Hindi na po. Sige po, una na po ako saka pakisabi po Ju-- este kay caelum po na pagaling po sya"
"Sige nak, ingat ka. Makakarating kay Caelum. Salamat ha?"
"Welcome po, babye!"
At naglakad na ako pauwi. Kala ko kanina ako yung crush nya
Jerina talaga oh! Masyadong assuming! Kaya nasasaktan eh! Pero si Tara? Bakit yun pa? Bakit hindi na lang ako?
*kung kring*
Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko
From: J♥
'Thank you'
At lahat ng inaalala ko kanina tungkol sa hindi nya ako crush ay nawala.
His appreciation completed my day...
………………
Chanan!!! How is it? Vote and comment! Thank you!! Love you all! -08
BINABASA MO ANG
Reality Check
Teen FictionIsang storya na hindi naniniwala sa forever, umaapaw sa pagkabitter, walang happy ever after pero meron itong moral lesson for you to know better. iAmZeroEight OriginallyNVM2k15