12RealityCheck

21 3 2
                                    

Ang tagal bago ko nakumbinsi si Jeron na pumasok. Ayaw daw niya makita si Bea, di pa daw niya kayang harapin to, nahihiya daw siya. Pero in the end napapasok ko din at ngayon on the way na kami sa Half-Blood High. si Jeron habang ako, hawak hawak ko yung lunch box namin. Sa sobrang bangag niya hindi na niya nakuha yung lunch box. Nung tinanong ako ni mamsi sabi ko na lang madami kaming assignment eh nahuli ng gawa si Jeron. Di kasi kami masyadong open pagdating sa mga ganung sitwasyon kila mamsi at papsi.

"Jerina, una ka na sa school. Bibili lang ako jan sa tindahan ni Aling Lumeng."

"Hindi Jeron. Kilala kita, pag depressed ka nagbubulakbol ka. Hoy papasok na tayo. Halika na!"

Hiniklat ko na siya papasok sa school. Anak ng nanay ni Bea nga naman kasi eh!! Humanda talaga yang babaeng yan. Kakaiba ako gumanti. tatawagin ko sila ayesha, Angela at Queli at aming reresbakan yung si bea para kay Jeron bwahahahaha at hula ko mangunguna si queli dahil crush niya dati si Jeron na secret namin syempre.

Nakapasok na kami sa room at nahalata ng lahat na iba ang aura ni Jeron. Si bea, wala yun dito, second year lang yun. Third year na kami. Sabi sa inyo talandi yun eh. Nung second year nga ako wala akong jinowa tapos siya ang alam ko pang 12 na yung jowa niya ngayon, yung ipinalit sa pogi kog kakambal. 

Umupo na si Jeron. Tahimik na tahamik samantalang dati siya nagsisimula ng gulo sa room at kasama niya sila Jupiter, adrian at kiko sa gulo. Umupo na din ako sa tabi niya. Pwede naman kahit saan umupo dito eh.

"Tol, ayos ka lang?" tanong ni Adrian kay Jeron

Sumenyas naman ako na wag muna kaya lumayo na ito. Dumaan na ang mga subjects na ok naman. Nasagot si jeron sa recitation, nakakuha ng mataas na score sa quiz pero malungkot parin siya. Buti na lang weekend na bukas kaya makakapag pahinga siya o kaya aayain ko siya bukas na mamasyal outside Olympus para naman madivert yung attention niya (A.N. Olympus po yung village hahahaha fan po talaga ako ng percy jackson at greek mythology eksdi.) 

At dahil jan, lunch na. Nakain kami sa parang maga shed sa labas ng room namin, basta yung may upuan at mga lamesa ganun at kasama namin ngayon si Jeron kasi pag hindi ko yan isinabay, di yan kakain kaya andami namin sa lamesa ngayon. kaming apat na babae, si jeron, adrian, jupiter at Kiko. Bilib ako sa mga kabarkada ni Jeron, alam nila na kailangan sila ni Jeron ngayon kaya hindi nila iniiwan kahit anong mangyari.

After nila kumain, pumunta na yung mga boys sa room at naiwan kaming mga babae kasi magchichikahan pa kami at manlalait ng mga nadaan pero di kami mean ha, pag napagtripan lang talaga namin hahahahaha pero erase muna ngayon dahil may plano ako.

"Guys, may ikukwento ako sa inyo" and as if on cue, lumapit silang tatlo hahahahaha

"Ganto kasi yan, tanda niyo yung haliparot na si Bea, binasted si Jeron at kung hindi ko narinig ang balibagan kagabi, malamang eh may nakaburol na sa amin ngayon at dahil jan lalong kumulo ang dugo ko sa bea na yun."

"so, anong gagawin natin?"- Ayesha

"Patayin!!!" sigaw ni queli

"Hoy! nyeta Queli wag naman! Jerina, may naiisip ako." sabi ni Angela

At dun ay ipinaliwanag na niya ang gagawin naming hakbang. Ps. Di po kami masasamang nilalang, ganyan lang talaga pag may naargabyado sa tropahan, barkadahan at kapatiran namin. Walang kakalas. Go team!

____________________________________

Tapos na ang klase namin at iniintay na lang namin na matapos yung klase ng 2nd year at andito kami sa third floor kasi dito yung room namin. at pagdaan nung ek ek na Bea na yun ay babatuhin namin siya ng bola ng jackstone. tig-iisa kami hahahahahaha. Nandito kami sa may hagdan, at narinig na namin ang bell ng scond years. Isa isa nang bumababa ang mga second year at na ispatan ko na si Bea, kasama yung bestfriend niya na si Olly at kita ko sa mukha ni Bea yung sobrang saya. Yung ngiti na nakikita ko kay Piter dati at yung ngiti ko tuwing kakausapin ako ni Piter and then I realized it was not her fault at di din gawa ni Jeron kasi mahal lang talaga siya ni Jeron at mahal lang talaga niya si Olly. 

"Ano Jerina, ready na kami." - Angela

"wag na girls."

"Ha?!"- sila

"Wag na... hayaan niyo na siya, masaya na yan."

"Pano si Jeron?"- Ayesha

"Ako na bahala saka baka mas magalit yun pag sinaktan natin si bea mas magpakarebelde yun"

"Sige ikaw bahala"- Queli

at tinignan ko ulit si Bea, ngiting ngiti pa rin siya.

and then a part of my brain told me, Good job! You made the right choice.

___________________________________

palakpakan si Jerina!! hahahahahahahahaahahahhaa eksdi!

Reality CheckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon