Di ako makakilos.
Hawak ni Micha yung locket.
Bubuksan na nya.
Ayan na!
Micha! Kay Jerina yan!
Ah ganon? Eto oh
Haaay buti na lang.
Thanks aye!
Wala yun friend! Lika na.
Kumain na kami ng lunch at bumalik na sa room.
Pagpasok ko, nakita ko si Piter at Micha dun sa may library corner namin. Nagkukwentuhan, nagtatawanan habang magkahawak ng kamay.
Haaay. Matagal ko nang gusto si Jupiter. Taon na din. Tanda ko pa kung paano kami nagkakilala
8 years old kami ni Jeron nun. Kakapanganak palang ni mamsi kay jolens. Namimili kami nila papsi sa super market ng mga kailangan ni baby. Inaya ko si jeron na kumuha kami ng chocolate pero suplado yun kaya ako na lang mag isa yung kumuha. Dun sa sweets section, may lalaki na kumukuha ng chocolate at tinatago sa bulsa nya. Dahil dakilang intrimitida ako, kinuha ko yung Jaw Breaker tapos binato ko siya sa ulo. Pero lumagpas lang yun sa kanya kasi nakatakbo na. Malakas yung pagkakabato ko nun kaya yung isa pang bata yung natamaan. Humarap sya sa akin at dahil natakot ako na awayin niya ako eh tumakbo ako paalis.
Nung pasukan, grade 3 kami nun. Naging kaklase ko yung lalaking nabato ko. Si Jupiter Caelum Villanueva. Tranferee. Lumipat lang sila sa village. Di ko sya kinakausap nun kasi baka nakilala nya ako. Makakausap ko lang if about school. Nung grade 5, naging mr. And ms. Greece kami nung foundation day, ang gwapo gwapo nya nun. Napakaganda ng ngiti nya. Sa wakas, nagkakwentuhan kami nun. Naging friends. Nagkagusto ako sa kanya nun. Kaso nung grade six na magcoconfess sana ako sa kanya, nagkagirlfriend siya. Si Julia. Yun yung first time na umiyak ako para sa isang lalaki. Nung umuwi ako nun, nakita ako ni jeron. Kala ko aasarin nya ako pero hindi. Niyakap nya ako sabay sabi Hindi ko man palaging pinapakita pero Clary mahal kita ha? Wag ka na umiyak. Ang panget mo na iiyak ka pa, nakakatakot ha! Then ayun, umokey na ako. Dumaan ang taon, madami nang naging gf si Piter. Iniisip ko na lang na wala akong karapatan na magselos at umiyak pag nakikita ko sila.
Tumalikod na ako kila Piter at nagsimula nang magbasa ng libro.
Friend!! Sama ka? Tanong sa akin ni Queli. Isa ko pang bff slash sister
Saan?
Sa mall mamaya. May book signing daw si imxyrelleann at vvictus! Omg!!
Eh? Talaga? Once in a lifetime opportunity yun!!! Ayy kaso baka madaming tao.
Wag ka na mag alala bes, friend ni Devron si vvictus! Maiisingit tayo nun plus makakafes to fes pa natin!!
Ayy sige!!!
______________________
Nagpunta kami sa mall ni Queli at Devron. Si ayesha kasi kasama yung mama nya. Pupunta daw sa ah ewan nalimutan ko.
Jeri! Ayun si imxyrelleann at vvictus oh!!! Sigaw ni queli.
Tena! Lapitan natin. Sabi ni Devron.
Bago kami makalapit, nakita ko si Piter, may kasamang iba. Hhww sila.
Hala..
[Plug!!! @imxyrelleann at @vvictus. Magagaling na writers yan. Bonggang bongga mga story nila.]
BINABASA MO ANG
Reality Check
Teen FictionIsang storya na hindi naniniwala sa forever, umaapaw sa pagkabitter, walang happy ever after pero meron itong moral lesson for you to know better. iAmZeroEight OriginallyNVM2k15