Sunday morning...
Bangag ako. Di ako halos nakatulog kagabi.
Andaming tumatakbo sa isip ko, marathon ata yun. Tulad ng, 'wala kang pag asa' 'di kayo bagay' 'friendzoned' 'di ka mahalaga' 'assuming ka' at alam niyo kung ano or sino ang nag first? edi.. 'hindi kayo kaya wag kang mag inarte jan'
Haiist.
Naalala ko, kinakatok ako ni Jeron at Roby kagabi pero di ko binuksan. Masyado akong lugmok kagabi.
Dahan dahan kong binuksan yung pinto and nagulat ako kasi bigla napahiga si Jeron.
"Huy ginagawa mo jan?" tanong ko sa pupungas pungas na si Jeron
"jerina! Ano ka bang babae ka?! Kagabi pa ako katok ng katok, halos gibain ko na pinto mo di ka pa lumalabas tapos tignan mo nga yang mga mata, maga oh!! Panget ka na pumapanget ka pa! Halika nga dito!" sabi niya sabay higit sa akin tapos niyakap niya ako..
"ano ba kasing nagyari?" tanong niya and mahinahon na this time
Naiiyak na naman ako
"Wala Jeron, siguro masyado lang akong nag assume. Na may something sa amin, na merong kami yun naman pala wala. Ang hirap pala Jeron no? yung hindi ka mahal ng taong mahal mo? Para kang nakakapit sa sa bangkang palubog na pero pilit mong hinihigit paangat para lang masatisfy ka na may bangka ka pang sasakyan.."
"alam mo Jerina, kung hindi ka lang malungkot babatukan kita... napakahugot eh"
"Langya to! Hoy humuhugot ka din kaya nung bh ka kay ----"
"oo na di na kita lolokohin. Kain ka na sa baba. pasalamat ka pinagtakpan kita kay mamsi kagabi"
Bumaba na ako at kumain tapos nagpaalam ako kay mamsi na pupunta ako sa Skoob and Tea para magbasa basa ng libro... parang cafe yun na may mga books tapos pwede kang pumwesto anywhere you want.
Pinayagan naman ako hehehe sa loob lang ng village yun eh..
Naglakad na ako papunta dun tapos pumasok na ako, alangan namang tumambay ako sa labas... pagkamalan pang akong may aning aning dun dahil sa itsura ko nakaka Shet lang hahahaha
"Miss isang Vanilla Frappe 100% sugar, maliit lang yung straw ha! Ito bayad"
"Ok po ma'am, name po?"
"Broken po broken"
"ahhh ehhh hehehe sige..."
Nawirdohan ata sa akin yun...
Pumunta ako dun sa may stairs, sa ilalim kasi nun nakalagay yung mga books, parang library sa ilalim ng hagdan hahahahahaha cute -_-
Kinuha ko yung Finding aden Finding Sierra ni vvictus... yung friend ni Devron na author, ayun ang ganda kasi ng story nito ehhhh (pinopromote ko po yung FAFS ni vvictus, nasa wattpad din po :] )
"Order for miss Broken? ahmm Miss Broken"
Napansin kong nagtinginan yung tao dun sa counter.. tss paki niyo ba? eh broken ako ehh
Kinuha ko na yung frappe tapos umakyat ako... mas maganda kasi dito sa taas, may mga upuan na kakaibabe, basta imaginine niyo na lang yung mga recliner at yung mga nakasabit na parang bilog na ewan.. di ko alam tawag dun.. ayoko muna mag isip BROKEN ako.
Umupo na ako sa nakasabit na ewan na upuan na mukhang ufo na ewan basta yun na yon? at tinry ko magbasa pero argh.. di ako marunong!
DE JOKE!
Wala lang talaga akong ma absorb sa nababasa ko... ambigat pa din ng pakiramdam ko...
Alam niyo kasi yun.. yung antagal mo na siyang kilala, antagal mo na siyang gusto pero kahit kailan di ka niya napansin tapos yung mga taong bagong dating sa buhay niya, andali dali sa kanila na pansinin yun.. sinubukan ko namang kalimutan siya noon. Ilang beses ko sinubukan mag move on... pero iniisip ko pa lang, parang gusto ko nang sumuko. Ang sakit...ang hirap mag let go... hahaha shet parang naging kami eh no?
di ko nga kayang magkacrush sa iba... kasi natatakot ako na baka magising ako na ayaw ko na sa kaniya tapos mafeel niya na iniwan nanaman siya saka nai magine ko na yung future namin.. as in solid, walang mintis walang butas... kaya ang hirap mag isip na wala siya dun sa future ko ... hayst ang drama ko...
"Jerina?"
"Ju-jupiter? anong ginagawa mo dito?"
Shet of all the people, bakit siya pa, tuwing ang sagwa ng sitawasyon ko.... Argh Tartarus.. eat me please? ayyy joke, ayoko pala hohoho
"ahh kasama ko si Gennica, friend ko."
yung kasama niya kahapon...
"ahhh sige."
"Ahhmmm gusto mo sumama sa amin? Pangit kumain .. I mean uminom ng frappe mag isa."
"Di okay lang. Sanay akong mag isa"
"Hugot? hahahah sure ka?"
"Yep mas okay na akong mag isa" kesa makita kang may kasamang iba
Tumalikod na siya at ako, ibinalik ko na lang yung atensiyon ko sa librong binabasa ko pero wala pa rin akong maintindihan kasi pasulyap sulyap ako kay Piter at gennica chuchu na yun...
Alam niyo yung feeling na nasugatan mo yung sarili mo tapos tinotorture mo pa sa pamamagitan ng paglalagay ng alcohol dito? In my case, yung puso ko yung sugat tapos yung dalawang naglalandiang tao yung alcohol...
Pusang ina Jerina, wag mo na tignan!
Ang sakit...
ang sakit nanaman...
Naiiyak na ako...
*snifff
"Jerina ok ka lang?"- Piter
bakit to nandito?
Umiling ako
"Bakit?"
umiling uli ako...
tapos tumayo na ako tapos bumaba na ako tapos umalis na ako sa skoob and tea..
uuwi na ba ako?
pag umuwi ako, makikita nila itsura ko..
ah alam ko na.. maglalayas ako!
hahahaha joke
di. tatambay na lang ako sa sports arena sa may mall, kukuha muna ako ng pang basketball.. I need to release my stress...
______________________________________________
Hahahahaha pasensiya na sa update ko ha....
Malungkot ako ehh hahahahahaha
alam niyo yan guys..
Salamat sa pagbabasa at sana mag vote kayo..
Mahal ko kayo guys
ps. Hoy diamond! ang sakit ha! Humanda ka... pag ako talaga gumanda, who you ka sa akin tapos ako naman hahabulin mo tapos ako naman ang mananakit sayo. sht eh!
hahahahahah OUCH!!

BINABASA MO ANG
Reality Check
Teen FictionIsang storya na hindi naniniwala sa forever, umaapaw sa pagkabitter, walang happy ever after pero meron itong moral lesson for you to know better. iAmZeroEight OriginallyNVM2k15