Nakakatuwa talaga si Bea lalo na nung ngumiti sya kasi di na alam kung paano buuin yung rubix cube.
Haaay ang gwapo talaga ni Piter! Ang ganda ng ngiti nya tapos yung mata nya over!
Tapos nung di nya talaga maayos hinuyag na lang nya para mabuo hahaha
Kelan kaya nya ako mapapansin? Tatlong taon ko na syang gusto or wait mahal ko na ba sya? haay!
Tapos-- hoy Clary! Nakikinig ka ba?
Huh?! Ano yun? Tanong ko
Grabe! Kanina pa ako nagkekwento tapos di ka nakikinig! Sino ba iniisip mo? Si Jupiter nanaman? Nako! Susumbong talaga kita kay mamsi!
Ano ka ba jeron! Maka bintang ha! Saka hoy baka ikaw isumbong ko! Kireng kire ka nanaman jan kay Bea!
Eh ano naman? Pwede akong kumire kase mas matanda ako sayo
Ay wow. Mas matanda ka nga sa akin! Ng 12 minutes!
Mas matanda pa rin!
Ewan ko sayo! Lolo mo kalbo!
Tanga! Lolo ko lolo mo rin! Susumbong kita kay lolo Eddie!
Mas tanga ka! May buhok si lolo Eddie! Si lolo Roncho kaya ang kalbo!
Hala ka talaga Clary! Susumbong talaga kita!!
Argh!
At nagsimula na naman ang habulan naming magkakambal.
Nung napagod na ako. Pumunta na lang ako sa kwarto ko para mag doodle.
Hello mga bata! Hahaha joke!
My name is- - chos! Ano to beauty contest? Chakaness ha!
Eto na papakilala na ako!
I'm Jerina Clarrisse Zulueta Araneta, 15 years old, babae at heart, lalaki gumalaw.
My mother is Jenny Zulueta Araneta, isang teacher and my father is Carlito Gomez Araneta isang doktor. Mayroon ako dalawang kapatid.
Jeron Clarrvet Zulueta Araneta, my twin brother, 12 minutes older than me. Matagal talaga ang palugid. Ang magreklamo magiging panget!
Saka si Jolens Clarion Zulueta Araneta. 8 years ang tanda namin sa kanya. Kami ay nakatira sa munting bahay namin dito sa Olympus Village kung saan umiikot ang mundo ko. Complete package dito eh! May kainan, school of all levels, banko, playground, resort, simbahan at lahat lahat ng kakailanganin ng isang nilalang.
*tok tok
Ate Clary kakain na daw. Sabi ni Jolens pero Klajong tawag namin jan.Sige bababa na ako. Ang bahay kasi namin ay two storey. Si mamsi at papsi sa ground floor tapos si klajong jeron at ako sa 2nd floor.
Pag baba ko, nandun sila Lola Tessi at Lolo Roncho. Paktay! Baka isumbong ako ni Jeron!
Umupo na ako sa hapag para kumain.
Pagtingin ko kay Jeron nakangisi sya. Inirapan ko na lang!
Apo, aba magthi-third year na pala kayo ni Jerina ano?
Opo lola Tess. Sagot ni Jeron
Eh nakabili na ba kayo ng mga gamit? Tanong ni lolo roncho
Bukas pa po lo! Pupunta po kami si SM! Sagot ko
Eh si Klajong ba? Anong gustong shoes? Bibili ka ni Lolo! Sabi ni Lolo
Gusto ko po ng World Balance. Red po! Sagot ni klajong
Aba! May taste ka ha!
At nagkwentuhan lang kami at nagtawanan hanggang sa umuwi na sila lolo at lola.
Nung papanik na ako sa kwarto ko, humarang si Jeron.
Ano?
Pasalamat ka di kita sinumbong!
Edi thank you!
Tss. Pilosopo! Hoy! Sabay tayo bumili bukas ha! Hiwalay tayo kayla mamsi para mas maasikaso si Klajong
Oo na! Basta ibabudget natin yung pera. Nakakahiya naman pag madami tayong binili.
Sige! Matulog ka na Clary ha! Tama na pagbabasa ng libro!
Opo Itay!
Itay ka jan!
Hahaha goodnight na! Love you kakambal kong bakulaw!
Love you too babaeng halimaw!
Ganyan talaga kami. Mag aaway pero pag isa sa amin ang inapi, huh! Super twins ata kami. Hindi pwedeng may umapi sa Araneta siblings no! May resbak na dalawa pag inapi ang isa. Humanda na yung magbabalak jan.
Pero ngayon, matutulog muna ako kasi gabi na! Zzzzzzzzzzzzzz
BINABASA MO ANG
Reality Check
Подростковая литератураIsang storya na hindi naniniwala sa forever, umaapaw sa pagkabitter, walang happy ever after pero meron itong moral lesson for you to know better. iAmZeroEight OriginallyNVM2k15