Spell Jerina.. B-A-N-G-A-G!
Di husto yung tulog ko, pano ba naman, iniisip ko kung mahal ko na si Jupiter. As in yung mahal na mahal na! yung hindi na joke. Yung hindi may masabi lang. Yung hindi nagpapanggap na gusto mo o mahal mo kasi nakikiuso. Basta ganun! nakakabother lang. Biruin mo 15 palang ako nagmamahal na ako? hahahahaha is that too young or sapat lang? Dapat ko ba sabihin kay Piter na may gusto ako sa kanya o hindi? Paano pag nailang siya? Pag di niya na ako kinausap? So hindi ako aamin? Oo! di ako aamin! Kaso magseselos naman ako pag may lumandi sa kanya? Eh wala naman akong karapatan! Ayan na naman! naloloka na ako.
JERINA! UUNA NA AKO SAYO! AMBAGAL MO! MALELATE NA TAYO! 25 MINUTES NA LANG!!
Huh? Malelate? Ay Thursday lang pala! Shet! di pa ako ligo!! Ayan kasi yang mahal mahal na yan eh!!
Dali dali na akong naligo. isang buhos kuskos tapos!
Bihis... Alis!
Bye mamsi!! sa school na ako kakain! bye love you!
Sigaw ko habang pababa ng hagdan at sabay labas ng bahay! Shet! 5 minutes na lang! Waaaaaah!!!!
Takbo...
Takbo...
Takbo...
*Splofft*
Shet ano yun?!
Takbo...
wait. bakit parang ambaho?
Tinignan ko yung sapatos ko...
Shetee!!!! Anong sumpa ang kumapit sa akin at minalas ako ng ganito?
oo na! wag nyo na akong tawanan. nakatapak ako ng ebak! as in Dilaw at malapot na ebak. Tawa pa! Sige lang!
Hala.. pano ako papasok nito? Nakakahiya!
Baka naman pag umuwi ako pagalitan ako! Hala na! Anong gagawin ko? Tsk. Ngayon pa kasi nangyari to eh!
Di ako makalakad, Futspa naman eh. Pano na to. Nabago ng kumpol ng ebak ang buhay ko. Ipapadala ko tong pangyayaring to kay Mam Charo, masyadong nakakatrauma!
Jerina? Anong ginagawa mo dito? Di ka papasok?
Hala shet ayan na!
Ha-hi Jupiter. Ahh ehh ano. Kasi, ano. Kasi... ano kasi ehhh ano...

BINABASA MO ANG
Reality Check
Fiksi RemajaIsang storya na hindi naniniwala sa forever, umaapaw sa pagkabitter, walang happy ever after pero meron itong moral lesson for you to know better. iAmZeroEight OriginallyNVM2k15