16RealityCheck

20 4 0
                                    

Monday...

Papasok ba ako?

Baka masaktan ang ako pag nakita ko si Jupiter tapos maaalala ko yung nakita ko this weekend.. Grabe eh! di pa nakuntento na isang beses ko lang nakita na may kasama siyang chiwariwap. Talagang basag trip at basag puso kung ganun eh.. 

Pero no choice, second week pa lang ng school, dapat magsipag naman ako no? Di man ako yung pinakamatalino sa atin, real talk guys, may kaboboklogan at katamarang taglay din naman ang mga nilalang na tulad ko... Reality Check, di ako henyo...

So ayun, nag ayos na ako, pero mas maayos ako. Kailangan kong maging maganda. Di ako katulad ng iba na heart broken tapos face broken pa, aba, wasak na puso mo eh i lift mo naman mukha para di ka mukhang pinagsaluban ng langit at lupa. Hahahahah nababaliw nanaman ako, parang kanina lang super  lungkot ko tapos ngayn ansaya ko uli... weird talaga ako sorry

"Jeron!!" sigaw ko sabay katok sa pinto niya

"Oo anjan na wait lang!!!"

tapos bumukas na 

"Tae Jeron, antapang ng pabango mo.. saka parang ang ayos ng buhok mo ngayon ah?"

"Ahhh hehehe may pinopormahan akong bago eh ^-^v kailangan ko mag move on"

"User ka!! nangrerebound!" 

"Hoy hindi ah! Ang ganda kasi lang talaga niya."

Umupo na kami sa hapag at nag breakfast..

"Kilala ko ba ito?"

"Yep kilala mo."

"Langya ka baka si Bea nanaman ha! Kakalbuhin kita Jeron Clarrvet!"

"Hoy hindi na! Natuto na ako, yung isa lang talaga jan ang hindi natututo ehh, nasasaktan nat lahat di pa tumitigil eh!"

"Hoy ano yang mga nasasaktan na naririnig ko? Jerina, Jeron? Pumapag ibig kayo ha! aral muna!"

"Opo mamsi..."

Binilisan na namin ang kain at naglakad na papunta sa school.

"Jerina, anong balak mo mamaya?"

"Huh?"

"Makikita mo si Jupiter, anong gagawin mo?"

"Wala normal lang. Di naman kami kaya walang sense pagseselos ko eh"

"Basta ngumiti ka na ha?"

"opo"

Pagdating namin sa school, nandun na halos lahat ng kaklase namin. Si jeron nagpunta na kila adrian tapos ako, umupo ako saupuan ko, wala pa yung tatlo eh. Nagdoodle muna ako.

"Yow!" Napaangat ang ulo ko. Pumasok na si Jupiter at umupo siya kasama sila Jeron.

Nakatingin lang ako sa kanya. Matapos yung break up nila ni Micha ngayon ko lang uli siya nakitang nakangiti ng ganyan, parang ang saya saya niya. 

Pero teka, wala pa palang isang buwan yung break up nila, nakikipag date na siya?

Di ba niya alam yung 1 month rule? Ayyy hayaan mo siya. 

Tinuloy ko yungh pagdoodoodle ko at di ko namalayan anjan na pala yung tatlo pero di nila ako ginugulo. lalapit na sana ako sa kanila nang biglang dumating si Ma'am katatonya

"Class, I would like to inform you na nag drop out na si Miss Micha Andres since lilipat na sila sa New Jersey, so let's get on to  our lesson..."

Baka dahil dun kaya sila naghiwalay? Pero pwede naman ang LDR ah? Tamo mga tao ngayon, ang aarte na talaga. 

Nakinig na ako sa lesson...

................................................................................

Dumaan ang maghapon, di ako pinapansin ni Jupiter... Nag eexpect kasi ako na papansinin niya ako kasi diba 'friends' na daw kami? 

I was expecting na ikukwento niya kuno yung nagyari sa kanila nung Gennica na yun na kahit masakit sa akin na makinig eh papakinggan ko siya... pero wala.

Last Subject na.

Nagdi discuss si Sir. Marco about sa madugong Physics na yan. Ansakit sa ulo!!

wala akong maintindihan sa speed na yan at sa lintek na mga formula.

Bakit pag nanakbo ba ako iisipin ko pa yung speed ko at imemesure ko pa yung distance tapos ano checheckan? argh nakakainis


WALANG PUMAPASOK SA ISIP KO!!!! 


*Kriiiiiiiiiing

Yes!! Uwian na!

"Jerina, di ako sasabay sayo ha? May lakad kami nila Adrian." - Jeron

"Ok, ingat"

Tumango siya at lumabas na.

Wala nanaman akong kasabay!

Si Jaqueline may lakad sila nung mommy niya, si angela, may meeting ang mga officers ng dance club at lokang yun prisidinti! Pa nae nae nae nae na lang hahahahaha si Ayesha, maagang uuwi, dumating ate niya galing lungsod. ehem nasa probinsya po kami

Nag ayos na ako ng gamit, yung books ko nilagay ko na sa locker, tapos naglakad na ako palabas.

Tae paulan pa ata. andilim ng langit, 4:30 pm pa lang ah?

Yikeees ayoko talaga ng ulan!! Feeling to ang soggy tapos parang basa lahat ehhh..

Bibilisan ko na lang lakad ko.

Lumabas na ako ng gate ng school at naglakad ng double time

Wala pa ako sa kalahati ng nalalakad eh bumuhos ang malakas na ulan. Arg! bakit ngayon pa!

Nanakbo ako sa pinakamalapit na masisilungan at dun ako napasilong sa isang bahay na may bubong yung gate.

Argh!! Paano ako uuwi nito? Bihira na dumaan sa route na ito yung shuttle ng village.

wala akong payong! 

Aantayin ko na lang tumila ng konti...

Antay...

Anaty...

Antay...

Anak ng pusa! Di naman tumitila eh!

lalo pang lumalakas! 

I need to go home.

Ok it's now or never.

Takbo....

I was expecting Jupiter to be here, ooferan ako na ihatid sa bahay pero naalala ko, wala nga pala ako sa movie, hindi mangyayari yun.

Dumating ako sa bahay na basang basa, nasermonan ng konti at nagpalit na ako ng damit.

Hindi ako pinansin ni Jupiter ngayong araw, ang sakit...

Kinuha ko yung clip na binigay niya sa akin nung naging magpartner kami noon. Hindi ko pa rin ito winawala kasi para sa akin ito ang pinaka mahalagang bagay sa buhay ko, mawala na ang lahat ng damit ko wag lang to... so hubad ako maglalakad? ay ewan ano ba iniisip ko.

"haaay Jupiter, bakit andali sayong magkagusto sa iba? antagal ko na dito oh. Basta tatandaan mo hindi ako mapapagod, Dito lang ako, iintayin kita."

__________________________________

Salamat sa pagbabasa! writers block 99.9% hoooooo

Love you all! -08

Reality CheckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon