5RealityCheck

27 4 0
                                    

Dev, Queli, una na ako sa inyo.

Ha? Teka san ka pupunta? Once in a lifetime opportunity lang to. -queli

May mas importante lang akong pupuntahan.

Mas importante pa sa mga favorite authors mo?-devron

Sorry talaga.

Nanakbo ako dun sa direksyon na nakita ko si piter at yung babae.

Sht! I feel like a creepy stalker.

Nasan na kaya yun sila? Hmmm.

Nag ikot ikot ako

Di ko sure ilang oras o minuto pero medyo matagal.

Hanap

Hanap

Hanap

Ayy! Ayun!!! Papasok ng Max's!

Dahan dahan ako sumunod at naupo dun sa table medyo malapit sa kanila.

May lumapit na waiter sa kanila at malamamang umorder sila -_-

At may lumapit din na waiter sa akin. Ay infairness ang gwapo ni kuya! *0* Jeri! Maghunus dili ka! Anjan ang piter mo! Harapang pagtataksil?! Chos!

Ang epal ng konsensya ko.

Umorder lang ako ng mango shake at nakinig sa kanila.

Grabe ate Krista! Bakit andami mong inorder?

Hay nako Jupiter! Alam ko namang masiba ka no! Saka yung ibang matitira dun, ipapasalubong ko sa iba nating pinsan sa compound.

Ahh ganun? So---.....

Pinatake out ko na lang yung shake! Hmp! Pinsan lang pala! Takte!!! Si imxyrelleann at vvictus!! Baka mahabol ko pa!

Nanakbo ako pabalik sa bookstore na nandun yung book signing nila and... wala na!! Argh!!!

Makauwi na nga! Che!

Pagtingin ko sa oras...

Tae! 7 pm na!! Patay ako kay mamsi!!! Deadbat pa cellphone ko! Sheyts!!!

Sumakay ako ng shuttle ng village.. (nasa loob ng olympus village ang mall) at bumaba sa gate namin. Pagpasok ko ng bahay, nakatayo si mamsi sa may hagdan.

San ka galing?! Alam mo bang kanina pa kita tinatawagan? Ha?! Alalang alala na ako kung san ka nagpunta!!

Mamsi sorry po. Naloba--

Kahit ano pa yang dahilan mo, dapat umuwi ka kaagad o nagpasabi man lang!! Dumaan dito si Queli at Devron sabi humiwalay ka daw sa kanila sa mall. Pinahanap kita kay Jeron dun pero di ka makita! Alalang alala kami sayo ha! Babae ka Jerina! Kung may nangyari sayo, di ko mapapatawad sarili ko!

Sorry mamsi sorry!

Umakyat ka na sa kwarto mo. Magpalit ka ng damit.

Umakyat na ako. Tsk. Tanga tanga ko kasi!! Argh.

Nagpalit na ako ng damit pero di ako lumabas ng kwarto ko. Papalamigin ko muna ulo ni mamsi. Ganun naman lagi tuwing nagagalit sya. Minsan galit din ako hehe, ganun naman talaga diba? O ako lang yun? Pero keri lang. Di naman ako santa para hindi magalit noh! Pero iba ngayon eh. Aminado ako sa kasalanan ko. Minsan lang mangyari yun eh.

*toktok

Clary?

Bakit?

Ok ka lang?

Oo. Pinapalamig ko lang ulo ni mamsi.

San ka ba kasi galing?

Sinundan ko si Piter. May nakita kasi akong babaeng kahawak kamay nya. Pinsan lang pala.

Haay clary, grabe na yan ha! Nagpapakabaliw ka na jan sa piter na yan!

Ok lang naman Jeron, dito ako masaya eh.

Inakbayan nya ako

Alam mo clary, ok lang maging masaya pero sana di naman yung tipong magpapakabaliw ka na kasi minsan masasaktan ka na din kasi akala mo masaya ka jan sa ginagawa mo pero unti- unti ka na pinapatay ng sakit.

Mula saan naman yung sakit?aber?

Jealousy. Expectation. Broken dreams. Pain.

Pano mo nasasabi yan Jeron?

Kasi yan ang nararamdaman ko kay Bea ngayon. By the way, tawag ka ni mamsi sa baba.

____________

[Sino gusto ng special chapter ni Jeron? Hahaha Vote. Comment. Share. Thank you guys!]

Reality CheckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon