Bumaba ako. Siguro malamig na ulo ni mamsi.
Jerina. Tawag nya sa akin. Lumapit naman ako sa kanya.
Alam mo naman siguro kung bakit kita napagsabihan kanina diba? Ok lang naman sa akin na namamasyal ka pagka awas mo, pero sana alam mo yung limitasyon mo. Kahit naman madaming rumorondang sikyo dito sa village eh kampante na ako. Di parin natin masasabi ang mga pangyayari hindi ba? Naiintindihan mo naman ako diba anak?
Opo ma.
Simula ngayon, itetext mo sa akin o sa papsi mo o kay jeron ang mga pupuntahan mo ha?
Opo mamsi. Sorry po ulit.
Sige. Tulog ka na. May pasok pa bukas.
Umakyat na uli ako at pumasok sa kwarto ko. Ginawa ko na ang ritwal ko gabi gabi at sumalampak na ako sa kama.
Haay, kamusta kaya si piter? Tulog na kaya sya? Naiisip rin kaya nya ako? Kung ganun... ayy!! Kakakilig naman! Kung hindi, sayang.
Pumikit na ako, pero bago man ako makatulog, naramdaman ko si mamsi na yumakap sa akin at nag-i love you.
-----------------------------
Kinabukasan....
Sabay uli kami ni jeron pumasok. Naglakad lang kami. Jahe kasi yung bike lalo na pag naubusan na parking. Chos! Laking sasakyan ah!
So ayun andito na kami sa room. Kung nagtataka kayo kung baket kami magkaklase 'na' ni Jupiter, micha and all, ay dahil isa na lang ang section per year. Onti lang naman estudyante, dadalwahin pa, kawawa naman ang mga teacher. So yun.
Naglesson na ng konti. Medyo kwento kwento lang ganun.
Tapos nung hapon...
Jerina, eram akong phone. Sdbi ni Kiko, katropa ni Piter saka crush ata ni Queli hahaha ✌
Eto oh. *abot
Password?
At tinype ko.
Patingin pictures ha.
Ge. Puro selfie yan hahaha
Pre, ano yan? Teka, boses ni Piter yun ah? Paglingon ko..... SHEEEET OF PAD PAPER!!! LANGIT NA ASUL! LUPANG MADUMI! DANIEL PADILLA! ENRIQUE GIL!!! SHETE!!! SEBENPIPTI!!! ok O.A. na. Tss.
Andito sya!! Malapit sa akin! Ang gwapo naman!!
Wala pre, mga picture lang ng abnoy -kiko
Oy grabe Kiko ha! -ako
Gusto mo tignan? Tanong ni kiko kay piter. Tumalikod ako. Kakahiya kasi eh! Enebenemen!!!
Ahh.. sige.
*blushing... blushing*
Emeged! Mekekete nye mge selpe ke!!!
Napaharap tuloy ako
Pinagmamasdan ko sila. Tawang tawa sila sa mga picture. Nakaka offend man pero nakakatuwa, kasi sa pamamagitan nung mga selfie ko, napapangiti ko si piter. Haay ambabaw ko.
Jeri, may tanong daw si Jupiter. -kiko
H-ha? A-ano yun?
Ahm, nagseselfie ka din ba after mo maligo? -piter
Ha? What the hell?! Hindi ha!
Hahahahahahaha -piter and kiko
Ang defensive hahaha -kiko
Hahahaha -piter
Grabe! Grabe talaga!
Dumaan yung second to the last subject, and wala daw teacher. Sinundan ko si Jeron sa mini garden ng science club at tumambay kami dun, since malapit lang yun sa room and madalas walang tao.
Nagulat ako nung pumunta din dito si Piter!.... ah kasama pala nila kiko, adrian at jeremy. Kaya pala. Kala ko sinundan ako eh. Chos! Asa pa ako.
Jeron, mahilig pala magselpe tong kakambal mo no? -kiko
Nako tol, maghapon magdamag!
Grabe naman ron!
Hahahaha pero Jeri, totoo nga? -jeremy
Na may kras ka daw kay... -adrian
Kanino naman?
Nginuso nila kay piter na nanlaki ng mata.
Ha? Di ah!
Weh?! -sila except jeron and piter
Di nga kasi! Tanong mo pa kay jeron.
Tumingin sila kay jeron na tumingin sa akin na tumingin sa kanila at sa akin uli at sa kanika at sabing..
Di mga brad. Tibo yan!
Wtf!!!
--------------
Author's note
Una sa lahat, salamat sa pagbabasa nito. Sorry sa mga typos at barok na sentence. Sa totoo lang, napakagulo ng plot, pansin nyo? Nung una kasi ok ang plot nya kaso nung sinusulat ko na, naiiba. Nagiging buhay ko. And ayaw ko nun, kasi I don't want to relate sa story ko but you to relate to it kasi nararanasan nyo din yung mga nararanasan ni jerina. So sorry. Sana basahin nyo pa din. Love you all! And sa june na ang mga pasabog ha? Hahahaha
XOXO
08
BINABASA MO ANG
Reality Check
Novela JuvenilIsang storya na hindi naniniwala sa forever, umaapaw sa pagkabitter, walang happy ever after pero meron itong moral lesson for you to know better. iAmZeroEight OriginallyNVM2k15