CHAPTER 8

213 10 0
                                    

Tulala ako habang nakatingin sa kawalan mula sa terrace ng kwarto namin ni Damon. Dalawang araw na ang lumipas ngunit wala pa rin siya. Hindi na nga ako pumapasok sa trabaho upang abangan siya kapag umuwi na siya, I just made an excuse for my absences. Kung no'ng nakaraang gabi ay nagriring pa kapag tinatawagan siya, pero magmula kahapon ay out of reach na. Lowbat siguro o naka-off ang phone niya.

Sinabihan ko na rin si Mommy tungkol sa nangyari at nag-aalala na rin siya pati sa akin. Gusto niya nga akong puntahan ngunit sabi ko naman ay okay lang ako at h'wag na siyang mag-abala pa. Hindi rin ako nakatanggap ng tawag mula kay Luke kaya baka hindi niya rin macontact. Tumawag rin ako ulit sa opisina ngunit hindi naman daw pumapasok si Damon.

Samu't sari ang naiisip ko tungkol sa kan'ya. Parang sasabog ang utak ko sa rami ng negatibong bagay na pumapasok sa isip ko.

Paano kung mayroon talagang nangyaring masama sa kan'ya? Diyos ko, h'wag naman sana.

Tumunog ang cellphone ko at dali-dali ko naman itong tiningan, naghahangad na si Damon na iyon, ngunit si Chin lang pala.

Lumaylay ang balikat ko at sinagot iyon. "Hello, Mich! May ginagawa ka ba?"

Iniisip ko na baka magyayaya lang ito sa labas at makipag-usap. Wala akong gana para do'n at hindi ako aalis sa bahay hangga't wala pa ang asawa ko. "Ah, oo. Busy ako rito sa bahay, e. Nag-aayos kami ng mga gamit ni Damon rito," pagdadahilan ko.

"Ah, okay? Ano, yayayain sana kitang pumunta sa birthday party ng kapatid ko. Pumayag na sina Jellia at Hanna. Kung gusto mo, isama mo pati asawa mo."

"Tingnan ko. Kailan ba 'yun?" walang gana kong tanong.

"Sa Sabado pa naman, dito lang sa bahay. . . Kumusta ka?"

Hindi ako okay. "Okay lang naman, humihinga pa," biro ko ngunit matamlay ang emosyon ko.

"Ikaw talaga!"

Tipid akong ngumiti na alam kong hindi niya makikita. "'Yun lang ba ang sadya mo?"

"Ay, oo. Oh, sige na. Mukhang marami ka pang gagawin d'yan. Papaalam na ako, bye!"

Binaba ko na agad ang cellphone, sakto namang narinig ko ang tunog ng pinipihit na doorknob kaya agad kong nilingon ang pintuan ng kwarto. Iniluwa roon ang matangkad na bulto ni Damon. Oo, si Damon na nga!

Mabilis akong tumakbo papunta sa kan'ya at niyakap siya ng mahigpit na halos mangiyak-ngiyak na. Sobrang miss na miss ko na siya.

"Oh, my God, you're here! Thanks, God! Love, where have you been? Nag-alala ako ng husto," ani ko at pinunasan ang iilang patak ng luha ko.

Ikinalas niya ang mga braso kong nakayapos sa kan'ya na ipinagtataka ko. 'Di niya ba ako namiss?

"H'wag ngayon, Mich. Pagod ako," maikli niyang tugon at tinungo ang banyo.

Naiwan naman akong takang-taka. Is he working too much para maubos ang kan'yang enerhiya sa katawan? I think, he's drowning himself in working with his business. Ngunit sabi ni Gian ay hindi nga ito pumasok sa dalawang araw na 'yun. Baka may importante lang siyang ginawa. Di bale, ang mahalaga ay nakauwi na siya.

Pinaghanda ko siya ng damit na susuotin niya pagkatapos maligo at masuyo ko siyang hinintay na lumabas mula sa banyo. Nang makalabas siya ay agad kong iniabot sa kan'ya ang mga damit. Tutulungan ko pa sana siyang isuot ang sando ngunit pinigilan niya ako.

"I can do it alone, Mich. D'yan ka na lang."

Nagmatigas pa ako, "Dali na, ginagawa ko rin naman sa 'yo 'to–"

Wife Series: Playful Revenge Of YesterdayWhere stories live. Discover now