CHAPTER 6

221 8 0
                                    

“SO, TELL us, kumusta ang buhay may asawa?” tanong ni Chin habang sinisimsim ang kan’yang kape.

Sa aming apat ay ako ang unang ikinasal. Hindi namin alam at baka si Chin naman ang sumunod. May long time boyfriend na s’ya mula pa noong second year college kami at matatag pa rin naman sila hanggang ngayon.

Narito kami ngayon sa coffee shop na paborito naming pagtambayan ng mga kaibigan ko. Mahigit isang linggo rin bago kami ulit magkita simula no’ng kasal ko. Bumalik na rin ako sa trabaho ilang araw na ang lumipas at naka-off duty na ako ngayon kaya’t may oras akong makipagkita sa kanila.

“Magk’wento ka!” segunda naman ni Hanna.

Suminghap ako. “Okay lang,” maikli kong sagot.

Sa totoo lang, napakaganda ng unang linggo ng pagsasama namin ni Damon at umaasa akong hindi na iyon magbabago hanggang dulo. He’s way too perfect for being a man and my husband. At hindi sapat ang ‘okay lang’ na sagot para ilarawan kung gaano ako kasaya sa pagsasama namin ngayon bilang mag-asawa, sinabi ko lang ‘yun nang hindi na humaba pa ang usapan tungkol ro’n.

“Ay, cold! Hindi ka ba pinapainit ni Damo--,” sambit ni Hanna na hindi natapos nang biglang takpan ni Jellia ang bibig niya.

Sa aming apat, si Hanna talaga ang may walang prenong bibig. In short, maingay at madaldal.

Napailing naman ako sa tinutukoy niya at pabiro siyang pinandilatan. Natatawa na rin si Chin sa tabi ko dahil sa sinambit ni Hanna.

Hindi ko rin magagawang ikuwento sa kanila na simula no’ng kasal namin ay hindi pa talaga kami nakapagtalik ni Damon. It is because of what he had said the first night we spent as husband and wife, that he’ll give me time to adjust. Nakakahiya rin naman siguro kung sasabihin ko sa kanila na wala pang nagyari sa amin dahil naiilang pa ako.

“Ikaw talaga! Sa kanila na ‘yon. Labas ka na sa usapang gano’n, tutal, ‘di mo rin naman mararanasan ang gano’ng bagay,” asar sa kan’ya ni Jellia.

Heto na naman sila. Parang aso’t pusa talaga ‘tong dalawa ‘pag magkasama. Walang pinipiling lugar.

Kumalas naman si Hanna sa pagkakahawak sa kan’ya ni Jellia at dinuro ito. “Hoy, ‘wag kang papakasiguro, magiging kami rin! Baka bukas o makalawa, magulat ka na lang, kami na,” pagtataray niya.

“Oh, talaga ba? Eh, hindi mo nga magawang umamin ro’n!” ani Jellia na naging dahilan ng pagtawa namin ni Chin.

“Bahala ka. Ikaw rin, tatanda ka n’yang dalaga,” biro naman sa kan’ya ni Chin.

Napanguso naman siya at pinag-ekis ang mga braso. “Nakakainis kayo! Kaibigan ko ba talaga kayo?!”

“Okay lang ‘yan, Han, bawi ka na lang next life. Doon, landiin mo na siya ng todo nang mahulog na sa ‘yo!” buwelo ni Jellia habang natatawa.

College pa lang kami ay may nagugustuhan na siya at hanggang ngayon ay hindi niya makuhang umamin sa takot na baka mareject. Hindi ko nga alam kung bakit hindi niya magawang gumusto ng iba gayong marami naman ang nanliligaw sa kan’ya. Siguro, mahal niya lang talaga ‘yung tao.

Marami pa kaming napag-usapan bago nagkapaalaman.

Habang minamaneho ko ang kotse ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kapatid ko na agad ko namang sinagot.

Walong taon ang tanda ko sa kapatid kong si Mya ngunit napakalapit namin sa isa’t isa. Gusto ko rin kasing punan ang mga bagay na kulang at wala sa kan’ya, at ‘yung mga bagay na hindi niya naranasan sa pamilya namin habang lumalaki kaming dalawa.

“Oh, Mya, ba’t napatawag ka?” Agad akong natigilan nang marinig siyang humihikbi sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko, “Mya? Umiiyak ka ba? Ano ang nangyari?” nag-aalala kong tanong.

Wife Series: Playful Revenge Of YesterdayWhere stories live. Discover now