CHAPTER 17

283 10 3
                                    

FIVE years later. . .

Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Damien habang kalaro si Reese. Narito kami ngayon sa park dahil off ni Reese sa trabaho kaya't nagyaya siyang mamasyal.

"Tito Reese, look!" sambit ni Damien kay Reese habang tinuturo ang isang stall na nagbebenta ng cotton candy. "Can I have some?"

Lumuhod si Reese sa harap niya. "Go ask your mom first," aniya habang nakangiting nakatanaw sa akin.

Agad namang tumakbo si Damien papalapit sa isang bench na inuupuan ko at yumakap sa akin.

"Mom, can we buy it?" Tinuro niya ang stall.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa ka-cute-an niya. He's a bit chubby kaya mas tumatambok ang pisngi niya kapag nakangiti at sumisingkit ang mga mata niya. Maputi ang balat niya at bagay sa kan'ya ang gupit ng buhok niya.

"It's too sweet, baby. It's bad for your teeth," I said, trying to convince him.

"Just once, please?"

Wala na. Ginamitan na ako ng magic word. Marupok si Mommy kay Baby Damien ko, e.

Nanggigil akong ginulo ang buhok niya. "Fine. But you need to kiss Mommy muna," ani ko at inilapit sa kan'ya ang mukha ko.

Ngumisi naman siya at mabilis akong k-in-iss sa pisngi ng tatlong beses.

"Alright, pwede ka nang kumain no'n."

"Yey!" Tumalon-talon pa siya at bumalik sa kinaroroonan ni Reese na nakangiti pa rin. "Mommy said yes, Tito!"

Kinarga naman siya ni Reese at naglakad ito papunta sa tindahan at binilhan na siya.

Pagkatapos nilang bumili ay bumalik na rin sila.  Tumayo naman ako nang malapit na sila sa harapan ko saka ko hinalikan sa pisngi si Damien na takam na takam sa kinakaing cotton candy na may kulay ng rainbow.

Tumambay muna kami saglit ro'n bago pumunta sa mall para mamili ng pwedeng maging pasalubong kina Mommy at sa mga kaibigan ko pag-uwi namin ng Pilipinas sa susunod na linggo.

I think I'm ready. I'm ready to face everything I left in the Philippines, including Damon. I need to fix something between us. Isang bagay na dapat 'di ko na pinatagal pa.

I never heard something about him, even a single update on his life since I went here. Hindi ko na alam kung sila na ba talaga ni April o may iba na siyang kinakasama, o baka may anak na siya sa Pilipinas.

"Kumusta ka d'yan?" Chin asked over a phone call.

"I'm beyond blessed and happy," I honestly said.

"How about your baby?"

"Heto, lumalaking good boy." I chuckled. "Ang bilis ngang lumaki, e."

"Eh, kayo ni Reese? May improvement ba?" rinig kong sigaw ni Hanna na kasama ni Chin at Jellia ngayon.

"Hoy, sira ka! Wala kang aasahan, okay? Hanggang magkaibigan lang kami. Period!" mabilis kong sagot.

Kahit ano'ng gawin ko naman kasi, hindi ko pa rin kayang magmahal ng iba. I tried, but nothing happened.

"May tanong rin ako, Mich. . . Ayaw mo bang malaman kung kumusta na si Damon magmula no'ng iniwan mo siya?" It's Jellia's voice.

May parte sa isip at puso ko na may gusto, pero pinigilan ko ang sarili. Paano ko siya makakalimutan kung patuloy akong makikibalita tungkol sa kan'ya?

Humugot ako ng lakas ng loob. "No, thanks. Ayaw kong makarinig ng kung ano tungkol sa kan'ya. Not even his name."

Iniwas ko ang sarili ko sa gano'ng bagay para makalimot agad sa kan'ya pero wala pa rin talaga. Walang nagbago. Siya pa rin talaga. But one thing I knew in myself, ayaw ko na. Mahal na mahal ko pa rin siya pero hindi ibig sabihin no'n, gusto ko pa siyang makasama.

Wife Series: Playful Revenge Of YesterdayWhere stories live. Discover now