CHAPTER 10

238 6 0
                                    

SABADO NGAYON at nakatanggap ako ng text mula kay Chin. Nagremind lang siya na may birthday party ang kapatid niya mamayang gabi at dapat raw na pumunta ako.

I texted her back saying I'm going. Naisip ko kasing wala naman na akong ibang gagawin rito sa bahay, isa pa, nakakabagot rin kasi rito mag-isa. Ilang araw na nga akong hindi umaalis ng bahay at gusto ko namang lumabas minsan.

Naligo na ako at nag-ayos, pababa na ako ng hagdan nang bumukas ang front door ng bahay.

"Oh, love, andito ka na pala," nakangiting sambit ko at hinalikan siya sa pisngi.

Wala naman siyang emosyon at nilampasan na ako. Hindi na bago sa akin ang ganito niyang ugali mula no'ng unti-unti na siyang nagbabago kasabay ng kung paano niya ako pakitunguhan.

Humarap ako ulit sa kan'ya, "Nakahanda na ang dinner, kumain ka na lang d'yan, ah? Aalis na ako."

Akma kong inilapit ang mga labi ko sa labi niya ngunit umiwas siya na ikinadismaya ko.

"At saan ka pupunta?" maawtoridad na tanong niya.

Napatigil ako. "Sa birthday party ng kapatid ni Chin, pinapapunta kasi ako–"

"Walang aalis ng bahay."

"Ano?" hindi makapaniwalang reaksyon ko. Kailan niya pa ako hinigpitan ng ganito?

"Eh, love, nakapagsabi na ako na makakapunta ako. Nakakahiya naman kung paghintayin ko tapos 'di pala ako darating," pagrarason ko pa.

"I said, you'll stay here."

"But, love–"

He looked at me angrily, "Shut up!"

Napaatras ako sa tinuran niya. Ilang beses niya na ba akong sinigawan? Halos walang araw na hindi niya ginagawa iyon na tila ba walang kapaguran niyang napupuna lahat ng ginagawa at gagawin ko.

"Dami mong sinasabi, sabing walang aalis, 'di ba?"

Napatungo na lang ako at akmang babalik na sa kwarto nang may dinagdag siya. "Maglalandi ka lang naman ro'n, ano? Kating kati ka na ba?"

Mabilis akong napalingon sa kan'ya at napakuyom. Bakit parang bumabalik ang Damon na nakausap ko noon sa wedding reception ng anak ng kaibigan ni Mommy?

"Ano'ng sabi mo?"

Nagsisimula nang manikip ang dibdib ko habang pinipigilan ko ang sarili kong sampalin siya. Ayaw kong masaktan ko siya. Ngunit mas lalong nanikip ang dibdib ko sa sumunod na sinabi niya.

"Si Ghail, hindi naman gan'yan dati, e! Dito lang 'yun sa bahay nananatili. Lumalabas lang 'pag kinakailangan. Eh, ikaw? Lalabas kasi makikiparty? Ano ka, dalaga?!"

He just compared me to his first wife. Ang sakit. Ayaw na ayaw kong kinukumpara ako sa kahit na sino, and Damon knows that. Yet, he also did.

I sobbed silently. I didn't say a word and took the stairs to our room. Pagdating ko sa kwarto ay mabilis kong nilapag sa bedside table ang wallet na bitbit ko kanina at dagliang hinubad ang flat shoes ko. I texted Chin na may emergency lang kaya 'di ako makakarating. Hindi na rin ako nagbihis at agad ko na lang binaon ang sarili sa malambot na kama at nagtalukbong.

Tanging pag-iyak na lang ang nagagawa ko dahil ayaw ko nang makipagsagutan pa muli kay Damon kahit pa gaano kasakit ang mga salitang binabato niya sa akin na tila ba lahat ng galaw ko ay mali sa paningin niya. Kinukuha niya pa ang natitirang kalayaan ko sa sarili ko.

But. . . I love him that much. That I can swallow my pride and even hold my anger just to avoid fighting with him. Titiisin ko kahit sobrang sakit. Kahit tila 'di ko na kilala pa ang Damon na minahal ko, patuloy ko siyang iintindihin.

Wife Series: Playful Revenge Of YesterdayWhere stories live. Discover now