CHAPTER 14

248 7 0
                                    

Napakasakit para sa akin ang nalaman ko mula mismo kay Damon. I can't imagine how deep the wound it caused in my heart would be. Sobrang lalim, sobrang sakit.

Pero. . . Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung paano ko pa rin nagagawang lunukin ang pait at sakit para manatili pa rin sa piling ni Damon at patuloy na ginagampanan ang responsibilidad ko bilang asawa. Siguro ay gano'n ko lang talaga siya kamahal.

I know, everyone will undoubtedly criticize me for staying with him when I have the option to leave in order to protect myself from my abusive husband. Hindi rin naman ako tanga para 'di maisip 'yon. Pero hindi ba pwedeng kahit ganoon ay umaasa pa rin akong maaayos pa kami? Na sa kabila ng lahat ay naghahangad pa rin akong magiging maayos pa ang lahat.

Napapansin ko ring tila hindi na gano'n kaagresibo si Damon tuwing nakikita niya ako ngunit kahit gano'n ay hindi pa rin mawala-wala sa puso ko ang takot na baka anumang oras ay sasaktan niya na naman ako.

BAGO ko binuksan ang mga mata, humugot muna ako ng malalim na hininga. Pagmulat ko ay puting pader at kisame ang nakikita ko. May dextrose ring nakakabit sa kanang kamay ko. Ano ba'ng nangyari sa akin kanina?

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya't napalingon ako ro'n. Iniluwa naman rito ang isang nurse.

"Gising ka na pala, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito.

Sinabi ko naman kung ano ang nararamdaman ng katawan ko. Naikuwento niya ring mga kaibigan ko raw ang nagdala sa akin rito sa ospital at naalala ko ngang magkakasama kami kanina sa bahay ni Hanna.

A few moments later, a doctor came in and talked to me.

"Base sa tests na ginawa ko, nahimatay ka dahil sa sobrang stress. 'Wag mong pababayaan ang sarili mo dahil hindi ito nakakabuti sa batang dinadala mo," aniya na nagpayanig ng buhay ko.

"Ibig mong sabihin. . . buntis ako?" wala sa mundong tanong ko.

Ngumiti siya at tumango, "Yes. You are two months pregnant. Congratulations!"

May paalala pa siyang mga sinabi ngunit hindi na iyon pumasok sa utak ko dahil nakatuon lang ito sa sinabi niyang buntis ako. Nagpaalam na rin siya pagkatapos habang ako ay iniisip kung ano na lang ang mangyayari sa magiging anak ko kung patuloy pa rin akong sasaktan ni Damon.

Dumating naman sina Hanna at dinalhan ako ng pagkain. Kinamusta nila ako at alam na rin pala nila na buntis ako.

They were happy. Of course I am, too. Gusto kong magkaanak kami ni Damon dati pa. Pero ang malaking takot ang kalaban ko. Paano kung saktan niya na naman ako kahit alam niyang buntis ako? Paano kung idamay niya ang anak namin sa galit niya? Hindi ako papayag.

At iyon ang kailangan kong pag-isipan ng mabuti.

"The doctor said you passed out because of stress. Care to tell us kung okay ka lang ba o baka may problema kayo ng asawa mo?" Jellia asked.

"Oo nga. Look oh, you're pale pa," dagdag naman ni Chin.

Ilang tanong pa ang tinanong nila pero wala akong sinagot.

"Salamat sa pag-aalala, ah? Pero pwede bang saka ko na ikuwento sa inyo?" ani ko.

Kailangan ko munang isipin ng mabuti kung dapat ko ba itong ipaalam sa iba at kung paano ko ito ikukuwento ng maayos sa kanila. But as they say, there is no secret that cannot be revealed.

NANG pwede na akong makalabas sa ospital ay hinintay ko na lang sina mama para masundo ako. My friends offered to send me home but I refused. They still have a lot of things to do. Sapat nang dinala nila ako rito sa ospital.

Gulong-gulo ako ngayon at hindi ko alam kung dapat ko na ba talagang sabihin ang lahat sa kanila o panatilihin ko pa rin iyong lihim sa sarili ko.
But they will be even more clueless, especially mom, about what life her daughter has with his own husband if I'll still keep it.

Wife Series: Playful Revenge Of YesterdayWhere stories live. Discover now