CHAPTER 12

241 4 2
                                    

Warning: 🔞
  
 
  
"LOVE?"

Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa nang makita si Damon. Hindi ko inasahang maaga siyang uuwi ngayon.

"Maaga ka yata ngayon?" nakangiti kong tanong. Madalas kasi alas otso na ng gabi hanggang madaling araw na siya umuuwi.

"And?" masungit niyang sambit.

Umawang saglit ang bibig ko ngunit agad naman akong nakabawi at umiling. "Wala lang. Uh, baka gusto mo akong sabayan mag-dinner?"

Walang emosyon lang siyang tumango at sinimulang hubarin ang suit niya. Hinubad niya na rin ang pantalon at nilagay lamang sa sofa. Tanging manipis na puting sando at boxer na lamang ang suot niya ngayon kaya't hindi ko maiwasang pakatitigan siya at humanga na naman sa katawan niya.

Napaiwas naman ako ng tingin nang makita ko ang malaking umbok niya sa gitna na alam kong napansin niya. Mabilis kong pinulot ang mga damit na hinubad niya at nagpaalam na ilalagay lang iyon sa may labahan at sa pagbalik ko ay ihahain ko na ang aming hapunan.

Pagkatapos kong mahanda ang pagkain sa mesa ay tinawag ko na siya. Tahimik lang ako habang kumakain nang basagin niya ang nakakabinging katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.

"About what happened in my office last week. . ."

Tila mas dumiin ang mga karayom na nakatusok na sa puso ko nang ipaalala niya ang nangyari no'ng isang linggo. At dahil hindi ko rin naman siya nakausap tungkol rito dahil lasing siya no'ng umuwi ay mabuti na rin at pinaalala niya.

Ayaw kong sumbatan siya sa ginawa niya, ngunit ayaw ko ring maging kampante siya at isiping 'di ko na siya mahal kaya hinahayaan ko siyang gawin niya ang anumang gusto niyang gawin. Darating ang araw, he'll regret all of it.

"Ano ba kayo ni April?"

If he sounds like apologetic lately, his expression right now isn't. Kunot ang noo at salubong ang kan'yang mga kilay na tila naiinsulto sa tanong ko.

"Why? May mali ba sa tanong ko?" inosente kong dagdag. "You were kissing right in front of your wife and you seemed like disgusted for what I've asked. Bakit? Plano mo na naman bang isagot sa akin na magkaibigan lang kayo?"

Hindi ko na mapigilan ang sarili na kwestiyunin siya. And I guess, this is a wrong move. Hindi na ito masinsinan pa.

Nanlilisik ang mga mata niyang matiim na nakatitig sa akin habang ako naman ay hindi malaman-laman kung saan ako nakakuha ng tapang para labanan ang mga titig niya.

Inambahan niya ang mesa kaya gumalaw ito at nagsitunugan ang mga plato at kutsara ro'n. Saka naman ako nakaramdam ng takot nang bigla niyang hinuli ang ng panga ko at hinawakan iyon ng madiin.

Nangingilid ang mga luha ko na hindi nagtagal ay nagsibagsakan na rin. Nasasaktan ako sa ginagawa niya ngunit hindi ako makapagsalita. Tanging ang pagsubok ko lang para makawala ang magawa ko ngunit hindi nagiging sapat iyon sa higpit ng pagkakahawak niya.

"Asawa lang kita! H'wag na h'wag mo akong iinsultuhin sa kung ano ang mga ginagawa ko!" sigaw niya sa pagmumukha ko.

Asawa lang ako? Ha!

Gusto kong sumagot ngunit nanghihina ako sa sakit na nararamdaman ko.

Marahas niya akong binitawan kaya napaupo ako pabalik sa inupuan ko, hawak-hawak ang panga habang patuloy na tumutulo ang mga likido mula sa mata ko.

Ang kaninang tapang ko ay tila nalunod na sa takot. Ayaw na ayaw kong dumating sa punto na katatakutan ko siya ngunit hindi ko na kayang iwasan lalo pa at ilang beses niya na akong sinaktan.

Wife Series: Playful Revenge Of YesterdayWhere stories live. Discover now