CHAPTER 2

283 11 0
                                    

NARITO AKO ngayon sa opisina ni Mommy. Ako muna ang pumalit sa kan’ya ngayong araw pagsamantala dahil sinamahan niya si Lola Vien sa ospital para sa regular checkup nito.

My mother’s personal assistant, Janna, entered my office and told me that I had a visitor. Wala naman akong inaasahang darating na bisita, wala ring sinabi si Mommy na may darating.

“Papasukin mo,” I responded.

Tumango naman siya at muling lumabas. Nang muling bumukas ang pinto ay hindi ko ito nilingon para tingnan kung sino ang pumasok dahil akala ko si Janna lang iyon.

“Janna, sabi ko, papasukin mo na lang agad rito ang bisita,” ani ko habang patuloy na nagpipirma sa papeles at hindi lumilingon.

“Mich. . . It’s me, Damon.”

Awtomatikong umangat ang paningin ko sa nagsalita. Si Damon nga! Napatayo naman ako bigla. “H-Hi. . . Ano’ng ginagawa mo rito?”

Bakit narito siya samantalang ang huling pagkikita lang namin ay no’ng isang araw lang? Ni wala namang pasabi.

Nakangiti siyang naglakad papalapit sa akin habang may dala-dalang box ng pizza. “A box of pizza for my hardworking Mich.”

Inilapag niya iyon sa mesa at naupo sa tapat ko samantalang ako ay hindi pa rin makabawi sa gulat.

M-My Mich? Pag-aari niya ba ako?

Bumalik ako sa pagkakaupo. “Salamat dito,” tukoy ko sa isang kahon ng pizza. “. . . So, ano nga ba’ng ginagawa mo rito? May kailangan ka ba?”

Nagkibit-balikat siya at umiiling-iling. “Gusto lang kitang dalawin.”

Marahan akong tumango-tango. Bigla-bigla na lang siya talagang sumusulpot minsan.

He put effort into me, guarded me, and reminded me of everything, to the point that I began to wonder about it since I seemed to be his responsibility. And it makes me feel this way. . . Na para ba’ng nasisiyahan at kinikilig na lang sa lahat ng ginagawa niya para sa akin hanggang sa namalayan ko na lang na nahuhulog na pala ako sa kan’ya.

Ilang araw nang magulo ang isipan ko. I want to clarify something. Mas mabuti nang malaman ko ng maaga kaysa matagalan pa at mas lumalim pa ang nararamdaman ko sa kan’ya.

“D-Damon. . .”

“Hmm?”

“Can I ask something?” Kinakabahan ako, but I need to ask him. Go on, Mich.

“Go ahead.”

Paano kung taliwas ang nararamdaman ko sa nararamdaman niya?

“Ano kasi. . .”

Paano kung wala lang naman pala sa kan’ya ang lahat nang nangyari  at mga ginagawa niya para sa akin?

“Mich, sige na. H’wag kang mahiya,” aniya habang naghihintay sa sasabihin ko.

Paano ako? Ano’ng mangyayari sa ‘kin at sa nararamdaman ko? Kaya ko bang pangatawanang kalimutan iyon kung sakali?

Huminga ako ng malalim at humugot ng lakas ng loob. ‘Di bale na.

“Damon. . . A-Ano ba tayo?”

“Ano ba sa tingin mo?” Sumilay ang munting ngiti sa labi niya.

“H-Hindi ko alam. You never asked me if you could court me, and I don’t remember telling you that you had a chance,” nahihiya kong sambit.

“Should I ask for a chance to know if your physical responses are enough for me to deduce that you like me as well?” He then smirked.

Parang umurong ang dila ko sa narinig.

“Mich, aren’t these things enough for you to notice how much I like you? Iba na ang panahon ngayon. I bet you get my point,” dagdag niya at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa mesa.

So, this is the feeling? Nakakakaba. He said, he likes me too. Does it mean. . .

“Mich, you know that I don’t waste time, and I don’t want to lose this opportunity. . . Mich, can you be my girlfriend?”

His eyes are full of desire, twinkling like a star, hoping for a bright response from me.

Puno ng samu’t saring isipin ang utak ko ngunit nangingibabaw ang kasagutan ng puso ko sa tanong niya.

Hindi ko maiwasang isipin ang magiging kahihinatnan nito sa huli—na baka masaktan lang ako at maiwan. But I am a risk taker, sinusubukan ko lahat ng gusto kong gawin kahit pa may takot akong nararamdaman sa loob ko.

Damon is such a nice guy. He treats me right and he respects me. He always listened to my side, even if there were times that he had other opinions whenever we talked about some stuff.

I look at our hands, reminiscing everything he had done for me, the memories we had shared, and how I felt about him.

“H-How can I say no?” kabado kong sambit.

He excitedly smiled. “Is that a yes?” He pinched my palm while waiting for my clear answer.

“Y-Yes.”

Mabilis niya akong napalipat sa harap niya habang nakatayo. He cupped my face and then caressed my hair.

“Thank you. . . Sobra mo akong napasaya, Mich!” bulong niya habang magkalapit ang mga mukha namin.

Dahan-dahan niyang mas inilapit ang mukha sa akin hanggang sa mag-isa ang aming mga labi. Hindi siya gumalaw at hinayaan ang aming sarili sa gano’ng posisyon habang kapwa kaming napapikit at dinama ang pagkakataong ‘yon.

“Mich, anak. . . Diyos kong mahabagin!”

Gulat akong humiwalay kay Damon at bahagya siyang tinulak. Nakita ko si Mommy sa tapat ng pintuan na may gulat ring ekspresyon.

Napapikit ako sa hiya. “M-Mommy, ano, tumuloy ka.”

Damon did not move. He remains standing in front of my table. Nilapitan ko ang ina ko at mapaklang ngumiti saka siya iginiya patungo sa mesa ko.

Pinabitaw niya ako nang makaharap niya na si Damon. Kinakabahan naman akong umatras at umupong muli sa swivel chair ko.

Nanlaki ang mata ko ng hawakan ni Mommy ang mga kamay ni Damon at giniya upang makaupo ulit ito sa upuan, gayon din siya na umupo sa tapat nito.

Mom smiled at him. “You must be Damon?”

Napahilot naman ako sa sentido. Nakukuwento ko si Damon minsan sa mommy ko bukod kay Bright at sa mga kaibigan ko. And knowing her, she’s a little bit talkative, naughty, and curious.

“Yes, Ma’am. I am Damon Ferrer, the CEO of D. Ferrer Corporation and the boyfriend of your daughter, Mich,” pormal niyang pagpapakilala at tumingin saglit sa akin.

Oh, my God! Sinabi niya talaga ‘yon?!

Nangingiting tumango ang ina ko. “So, tell me, ba’t kayo magkahalikan kanina?”

“M-Mom, you don’t need to ask about that,” nahihiyang saway ko.

Pinandilatan niya lamang ako at kinumpas ang kaliwang palad upang patahimikin ako.

“I’m so sorry for that, Ma’am. Nadala lang po ako sa emosyon. She just said yes.” Sinsero ang boses ngunit walang anumang mababakas na emosyon sa kaniyang mukha.

Nagpalipat-lipat lamang ang tingin ko sa kanilang dalawa habang nag-uusap na tila nakakalimutan nilang narito ako. Kinukwento rin ng mommy ko ang ibang bagay tungkol sa akin na hindi ko pa nababanggit kay Damon na dumagdag sa hiya ko.

But, I can see how he enjoyed listening to my mom’s story about me. Admiration is visible in his eyes, and I can’t stop thinking about how this man made me fall for him in these ways, effortlessly.

“H’wag mo sanang saktan ang anak ko, hijo,” pakiusap ni Mommy kay Damon.

Tila napawi bigla ang maaliwalas na mukha ni Damon nang itanong ‘yon ng ina ko sa kan’ya. Saglit muna siyang tumingin sa akin at saka bumaling sa muli sa ina ko.

Nagpakawala siya ng tipid na ngiti. “I’ll do anything for her, Ma’am.”

Napangiti naman ako.

“Tita. ‘yan na lang ang itawag mo sa akin.”

“Thanks po, Tita.”

“Uh, Mom, m-may kailangan ka sa akin, ‘di ba?” singit ko nang hindi na lalong humaba ang usapan nila.

“Ay, naku! Wala ‘yon, h’wag na ‘yon, gusto ko lang sanang malaman mong nakabalik na ako. Lalabas na ako at nang makapagpatuloy kayo sa ginagawa n’yo,” nang-aasar niyang sambit saka nagpaalam sa amin ni Damon.

I can’t believe it! Hindi strikta si Mommy pagdating sa gano’n pero hindi ako makapaniwala na gano’n ang magiging reaksyon niya nang magpakilala si Damon sa kan’ya.

Naiwan kaming dalawa sa loob ng kwarto. He turned his gaze at me, “Your mom is such a nice person.” He smiled then mouthed me, “Thank you.”

Nginitian ko rin siya. Napakaganda sa pakiramdam. Ganito pala ang pakiramdam ng nagmamahal ng taong alam mo na gusto ka rin pala.

BAGO MATAPOS ang araw ay inimbitahan ko siyang pumunta sa condo dahil hindi pa siya kailanman nakakapunta ro’n at gusto ko rin siyang ipagluto gaya ng gusto niyang mangyari na agad niya namang sinang-ayunan.

Nang dumating kami sa bahay ay hinayaan ko siyang gawin ang gusto niyang gawin ro’n. Naupo lamang din siya sa dining chair at masuyo niyang sinusundan ng tingin ang bawat galaw ko no’ng naghahanda na ako ng pagkain.

Hindi ko namalayang tumayo pala siya at mmarahag niyapos ng kan’yang mga braso sa baywang ko mula sa likuran at ipinatong ang baba sa balikat ko.

Is he really that sweet?

Napangiti ako. “Gusto mo ba ng maiinom? May soft drinks ako at juice sa ref, wala nga lang akong wine at beers dito kasi hindi naman ako mahilig sa gano’n,” sabi ko habang nakatutok pa rin sa niluluto.

“No, I’m fine. Maybe later,” masuyong sagot niya.

Lumipas ang mahabang katahimikan nang gano’n pa rin ang posisyon namin ay saka siya nagsalita.

“Thank you, Mich.”

Kumalas siya nang makitang pinatay ko na ang apoy.

“Para saan naman?” walang alam kong tugon.

“For giving me the chance to–” Hindi niya tinapos ang sasabihin at umupo ulit siya sa upuan habang hinahain ko sa malalim na plato ang niluto.

“Chance to?”

“Uh, chance. . . Chance to prove my love for you.” He smiled.

Tipid akong ngumiti.

Kung tutuusin, wala naman talaga siyang dapat ipagpasalamat pero hinayaan ko na lamang kung ano man ang pinupunto niya.

We ate the food I made, and he never stopped praising me on how great it was. After that, we converse more until we talked about our future. It feels so good that we can talk about it and know that he’s probably already planning even though we haven’t been lovers yet.

Wife Series: Playful Revenge Of YesterdayWhere stories live. Discover now