CHAPTER 5

234 6 9
                                    

HINDI KO masukat ang nararamdaman kong kasiyahan mula sa simbahan hanggang sa reception ng kasal namin ni Damon. Akalain ko ba namang sa ganitong event kami unang pormal na nagkakilala at sa ganitong event rin pala kami hahantong.

Pagkatapos ng event ay nagpaalam kami sa lahat ng mga bisita, gayon na rin sa mga kaibigan at pamilya namin. He took me somewhere, at gano’n na lamang ang pagkasurpresa ko nang bulagain niya ako ng isang bagong gawang bahay. Hindi pa gaanong madilim kaya’t naaaninag ko pa ang hitsura ng bahay mula sa labas.

“This is my gift for you, Mich ko.” He held my hand and caress it with his thumb. “Simula ngayon, dito na tayo titira.”

At dito kami bubuo ng sarili naming pamilya.

Niyakap ko agad siya ng mahigpit. Lord, ano ba ang nagawa ko sa past life ko at bakit mo ako biniyayaan ng isang Damon?

Ako na ata ang pinakamas’werteng babae sa mundo!

“I love you, love!” magiliw na sambit ko at niyakap siya mula sa gilid. Kumalas ako, “But, love, paano na iyong bahay mo? I thought, do'n tayo titira pagkatapos ng kasal?”

Nginitian niya naman ako atsaka hinawi ang buhok na nasa mukha ko. “May care taker na ro'n, bibisita na lang tayo ro'n paminsan-minsan.”

Tumango naman ako.

“Let’s go inside.”

Inilibot niya muna ako sa bahay upang makabisado ko. Hindi ito maliit at hindi rin sobrang laki. Namangha nga ako na kumpleto na lahat ang mga kagamitan roon, titira na lang ang kulang.

Hindi ako makapaniwalang nagpapagawa na agad si Damon ng bahay namin kahit hindi pa namin napagplanuhang magpakasal. Kakaiba rin talaga siya. Tila sigurado sa lahat at hindi mahuli-huli ninuman halos ang iniisip at ginagawa niya.

“My Mich must be tired,” sambit ni Damon na kakalabas lamang sa banyo nang makita akong nakaupo sa upuang kaharap ng salamin habang nagsusuklay ng buhok ko.

Tiningnan ko siya mula sa salamin at mula roon ay kitang kita ko ang matipuno niyang katawan dahil tanging towel lamang ang nakabalot sa kan’ya. Medyo nakakailang dahil hindi naman ako sanay na ganito ngunit kailangan kong labanan iyon dahil asawa ko na siya ngayon. Hindi ko na dapat ginagawang issue o big deal ang mga ganoong bagay, kahit pa iyong nudity niya pa ang makita ko. Kailangan kong masanay dahil normal ito sa mag-asawa.

I smiled while I’m still facing the mirror. “Hindi naman.”

He hugged me from behind and then placed his lips shortly to my head. At heto na naman ang mga paru-parong nagkakagulo sa loob tiyan ko. His simple gestures can make my heart flutter and pound so hard. Minsan nga napapatanong ako, ano ba ang ginawa ng lalaking ito sa akin at bakit hulog na hulog ako?

Kinuha niya mula sa akin ang suklay na hawak ko at siya na ang nagsuklay sa buhok ko.

Lihim naman akong napapangiti sa ginagawa niya. Napakasaya ko at siya ang naging asawa ko.

“Alam mo, magbihis ka muna.”

Tahimik niya naman akong sinunod at tinungo ang closet.

“Baby?” tawag niya sa akin habang naglalakad pabalik sa kinaroroonan ko.

“Hmm?” tugon ko.

“You know what, ang ganda mo kanina. I can’t stop adoring you while you’re walking slowly towards me. Well, palagi kang maganda, Mich ko, but seeing you wearing a wedding gown is different,” sambit niya habang mababakas sa kan’yang tono ang lambing at paghanga.

“Sus, nambola ka pa!” Mahina kong tinampal ng pabiro ang braso niya.

Ngumiti naman siya ay pinatayo ako mula sa upuan makatapos niyang hawiin ang buhok ko at ilagay iyon lahat sa likod ko . Hinila niya ako papunta sa higaan at naupo kaming dalawa ro’n. He then cupped my face and give me a gentle and soft kisses from my forehead down to my lips. Aaah, he is so sweet and romantic.

“Wife?” malambing na aniya habang magkadikit ang mga noo namin.

I was tuned when he called me wife. Napakagat ako sa labi dahil pinipigilan kong mangiti. Kinikilig na naman ako at nagkakagulo na naman ang sistema ko.

“Y-Yes?”

Umupo na siya ng tuwid at hinawakan ang mga kamay ko. “Nothing. Gusto mo bang matulog na?”

“Ikaw ba?” balik na tanong ko.

“Ikaw ang tinatanong ko.” Pinandilatan niya ako kaya ngumisi na lamang ako ng malapad. “Unless, may gusto kang gawin kasama ako?” Kumindat-kindat pa siya pagkatapos sabihin iyon.

Naramdaman ko namang nag-iinit ang pisngi ko nang maintindihan ang ibig niyang sabihin at alam kong sa sandaling ito ay namumula na iyon. Ano ba ‘tong pumasok sa isip niya? Gusto kong tampalin ang noo ko ngunit napayuko na lang ako at hindi na napigilan ang hiya.

Humugot ako ng hininga at iniangat ang tingin sa kan’ya. Umiling-iling ako at pinisil ang magkabila niyang pisngi. “Sira! Magpahinga ka muna ngayon, saka na ‘yang iniisip mo. Tch!”

Mabilis akong humiga sa kama at tumalikod mula sa kan’ya. Hindi ko mapigilan ang ma-ilang sapagkat ito pa lang ang magiging pangalawang beses kung sakaling ibibigay kong muli ang sarili ko sa kan’ya.

Yes, he never took advantage of my body while we’re in a relationship as girlfriend and boyfriend.

Agad naman siyang tumabi sa akin at niyapos ako ng yakap. “Oh, bakit parang naiilang ka? Come on, my Mich, hindi ba’t iyon naman talaga ang ginagawa ng mga bagong kasal?” natatawa niyang tanong.

“Ewan ko sa ‘yo! Ang dami mong alam,” sagot ko, naaasar. Ako lang siguro ang asawang ganito, gusto ko tuloy ipalamon ang sarili ko sa lupa.

“Oo, marami nga, gusto mong malaman kung ano-ano ang mga ‘yon?”

“Oh, ano?” hamon ko.

“Humarap ka.”

Sinunod ko naman siya. Mabilis akong humarap sa kan’ya. Napasinghap pa ako nang mapansin kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa’t isa. Sanay naman ako sa ganito kalapit naming mga mukha dati ngunit iba naman ang nararamdaman ko ngayon sapagkat mag-asawa na kami.

Tila gusto kong umatras nang muli kong makuha ang tinutukoy niya. Ngunit. . . huli na.

Marahan niyang dinampian ng mababaw na halik ang labi ko. Sa sumunod niyang halik ay tumugon ako. Banayad lamang iyon at ramdam na ramdam ko ang init ng labi niya habang marahan namin iyong ginagawa. ‘Di nagtagal ay siya rin ang unang bumitaw.

Tinitigan niya ako sa mga mata ko saka sinserong ngumiti. “I’m just teasing you, wife. Alam kong naiilang ka pa, so, I’ll give you time to adjust. Let’s do this some other time. Let’s have a rest for a while.” Kumindat pa siya pagkatapos niyang sabihin iyon.

Napangiti na rin ako. He’s so adorable. I love it when he understands and respects my side. I’ll keep this man.

“Goodnight, love.”

Hinalikan niya na naman ang noo ko. “Goodnight, wife.”

Niyakap niya ako ng mahigpit. Niyakap ko naman siya pabalik at ipinikit ko na ang aking mga mata.

Nagising ako nang mas maaga kaysa sa kan’ya. Nakayapos pa rin ang braso niya sa akin kaya’t dahan-dahan akong kumalas rito upang hindi ko siya magising. Napangiti naman ako nang masilayan ko ang maamo niyang mukha.

Kakaiba ang nararamdaman ko sa araw na ito. Tila ang gaan ng loob ko nang magising ako na katabi ang asawa ko at hindi na ako makapaghintay na gampanan ang mga bagay na ginagawa ng isang asawa.

Dinampian ko muna ng halik ang pisngi niya bago ako lumabas sa kwarto at nagtungo sa kusina upang maghanda ng agahan para sa aming dalawa.

Wife Series: Playful Revenge Of YesterdayWhere stories live. Discover now