CHAPTER 16

283 8 1
                                    

NAGHAHALUNGKAT ako ngayon ng mga gamit ko sa kwarto dahil wala naman akong magawa. Nasa trabaho si Reese at ang kasama ko lang ngayon ay ang tagalinis ng bahay na pumupunta lang tuwing Miyerkules at Sabado. Pero dahil malapit na ang due date ko ay dito niya na muna pinag-stay ang kasambahay hanggang sa manganak na ako.

Hindi ko nga maiwasang kabahan kapag darating na ang oras at manganganak na ako. Palagi namang pinapalakas ni Reese at nina Mommy, na nakakausap ko sa tawag, ang loob ko at sinasabing kaya ko iyong iraos.

Sinasabihan rin ako ni Manang Juliet, kasambahay naming Pilipino rin, kung ano-ano ang dapat kong gawin.

"Kayo ba ni Sir Reese ay may relasyon, Ma'am?"

Bumilog ang mga mata ko at mabilis akong napalingon kay Manang na kasama ko sa paghahalungkat.

"Mon Dieu, Manang! Wala po!" tampal sa noong sagot ko.

Tila nagulat siya sa reaksyon ko kaya't mabilis siyang humingi ng paumanhin dahil raw sa kan'yang pangingialam. Inakala niya lang raw talagang may relasyon na kaming dalawa ni Reese habang tumatagal.

Pinaliwanag ko naman sa kan'ya ang lahat.

"Tinutulungan niya lang po talaga ako at magkaibigan lang talaga kaming dalawa," pagtatapos ko.

"Naku! Pasensya na talaga, Ma'am. Minsan kasi ay walang preno ang aking bibig," paghingi niya ulit ng paumanhin. "Aba'y ang hirap pala nang pinagdaanan mo roon sa asawa mo sa Pilipinas, ano?"

Ngumiti naman ako at bumuntong hininga.

"Pakitulungan na lang po ako rito sa isang karton, 'di ko po kasi kayang buhatin pabalik sa pinagkuhanan ko."

Alam kong napaghahalataan niyang iniiwas ko na ang usaping iyon kaya't tahimik niya lang na kinuha mula sa akin ang karton na naisaayos ko na ulit at ibinalik niya sa lagayan.

Wala naman akong masyadong dalang kung ano-ano no'ng pumunta ako rito sa France. Wala rin akong dalang gamit na kung ano na konektado o magpapaalala sa akin kay Damon.

Bago pa ako pumunta rito ay plinano ko na ang mga gagawin ko. Una, gusto kong ayusin ang sarili ko, gusto kong magkaroon ng peace of mind, at kalayaan sa sarili ko. At sa tingin ko naman ay nakuha ko na ang mga iyon. Pangalawa naman ay ang alagaan at palakihin nang maayos ang anak ko. Pangatlo, mag-ipon ng ibidensya. At panghuli, ang kalimutan ang anumang nararamdaman ko kay Damon. . . na siyang pinakaimposible at pinakamahirap gawin.

"Manang Juliet?" tawag ko sa kan'ya.

"Hmm?"

"Is it possible that I will be freed from the burden of my past? From the man I love the most and from my painful yesterday?"

She sighed and sat beside me on the floor.

"Bien sûr, Madame," she answered yes in French.

Then I began to wonder how.

"Il est facile d'aimer, mais il est vraiment difficile de ne pas aimer les personnes qui comptent le plus pour vous, même si elles vous ont causé tant de peine. . . Mais, il y a toujours un bon moment pour ça, ma chère." It's easy to love, but it's really hard not to love the people who mean the most to you, even though they've caused you so much pain. . . But, there's always a good time for that, my dear.

"Darating ang panahon at makakalaya ka mula sa lahat. Paunti-unti pero sigurado. 'Yon ay kung gugustuhin mo talagang makalaya mula sa taong iyon ng buo," she explained more.

"Hindi ko po alam kung paano. . ."

"Hindi mo kailangang isipin kung ano ang dapat mong gawin. Basta't alam mo lang sa sarili mong gusto mong makalaya ng buo, mangyayari 'yong gusto mo nang hindi mo napapansin. Malalaman mo na lang kapag tapos na ang proseso at handa ka na ulit sa lahat," aniya pa at hinagod ang likod ko. "Narito lang ako tuwing gusto mo ng kausap."

Wife Series: Playful Revenge Of YesterdayWhere stories live. Discover now