CHAPTER 13

262 11 1
                                    

NAGISING akong yapos-yapos ni Damon ang baywang ko habang siya'y tulog pa rin. Napangiti ako ngunit agad ring napawi 'yon.

Tinitigan ko ang mukha niya. "Mahal kita palagi, mahal ko. . . kahit hindi ko alam kung minahal mo rin ba talaga ako," naluluhang bulong ko.

I never heard him saying that he loves me, since day one. At hindi na rin ako umaasang maririnig ko pa 'yon mula sa kan'ya. Basta ako, hangga't buhay ako, hindi ako magsasawang sabihin at iparamdam 'yon sa kan'ya—kahit wala lang iyon para sa kan'ya.

At alam kong sa muling paggising niya, kakumuhian niya na naman ako sa hindi ko malaman-lamang dahilan.

Marahan akong kumawala sa mga bisig niya at nagtungo sa banyo ng kwarto ko para maligo. Pagkatapos kong magbihis ay sinilip kong muli si Damon na tulog pa rin. Nagpakawala ako ng malakas na paghinga bago tahakin ang hagdan pababa.

Katulad ng palagi kong ginagawa, naghanda ako ng pagkain at naglinis na rin. Dahil hindi ako nakapag-dinner kagabi ay kumain na agad ako ng agahan. Dumiretso na rin ako sa likod ng bahay kung saan may maliit na garden na minsang tinatambayan ko para makapagpahinga.

Nang mas suminag na ang araw ay bumalik ako sa loob ng bahay. Pagkapasok ko ay naabutan ko si Damon na nagkakape sa kusina at galit na namang nakatitig sa akin.

At hindi nga ako nagkamali.

"Sa'n ka na naman galing?"

I looked down, playing my fingers because of nervousness. "S-Sa likod lang, nagpaaraw saglit."

"Tch! Papaaraw, papaaraw."

I bit my lower lip. Nanatili akong nakatayo sa hindi naman kalayuang kinaroroonan niya.

"Linisin mo ang sasakyan ko, aalis ako mamaya," kapagkuwang utos niya.

Walang imik akong tumango at sinunod ang gusto niya. Kinuha ko ang basahan at sabon at nagtungo na sa garahe kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Binuksan ko na rin ang faucet na may mahabang hose at sinimulang linisin ang sasakyan.

Tinutuyo ko na ito ng basahan at patapos na ako nang lumabas siya mula sa loob ng bahay.

Sumandal siya sa dingding habang bitbit pa rin ang tasa na may kape at pinapanood ako sa ginagawa ko.

Nang matapos na ako ay iniligpit ko na sa gilid ang mga ginamit ko. Nginitian ko naman siya nang makaharap ko siya.

"Tapos ko nang linisin, Love," I said.

"I'm not blind to not see it, Mich," istrikto at sarkastiko niyang sagot.

Gusto ko namang tampalin ang noo ko. Bakit ko pa nga ba sinabi 'yon? E, alam ko namang nakikita ni Damon 'yon.

Tatalikod na sana ako nang bigla kong maisip ang nais kong itanong sa kan'ya kahapon no'ng makauwi siya.

Nakita ko pa ang mga hickeys sa leeg niya dahil nakasando lang siya ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.

"Saan pala galing 'yang mga pasa mo?"

He firmly looked at me, "Napaaway lang sa pinuntahan ko."

Bumuntong hininga ako, I'm sure he's telling me the truth. Hindi ko na iyon pinahaba pa. Tatalikuran niya na sana ako nang magtanong ako ulit.

"Uh, Love, itatanong ko lang rin sana kung saan ka pala galing nitong mga nakaraang araw?" Kahit kabado ay nairaos ko ang tanong na iyon.

He rolled his eyes. Alam ko na sa mga oras na 'to ay puno na siya dahil sa akin. Oo, gano'n kabilis.

"Alam mo, pakialamera ka talaga kahit kailan, ano? Hindi naman gan'yan si Ghail sa akin dati, e! Why can't you be like her? Ang rami mong tanong," naiiritang aniya at tinungga lahat ng kape sa tasa niya at ibinigay sa akin ang walang lamang tasa. Muntik pa iyong mahulog dahil binitawan niya agad nang hindi ko pa maayos na nahahawakan.

Wife Series: Playful Revenge Of YesterdayWhere stories live. Discover now