EPILOGUE

356 12 2
                                    

THE world is not cruel, but the man himself. Nasasabi nating hindi pantay ang mundo pero ang totoo niyan ay ang mga tao. Lahat nakakagawa ng mali, pero lahat may pagkakataong itama ang mali nila at magbago. Dahil sa mundong 'to, hindi nauubos ang tyansa. Maaaring hindi sa paraang gusto natin, pero sa ibang pagkakataong gusto ng Diyos para sa atin.

"Are you ready?"

Ngumiti ako kay Mommy na hinahawakan ko.

"Sobra."

Bumukas ang malaki at mataas na pinto ng simbahan kasabay ng pagkanta't pagtugtog ng choirs.

Pinagmasdan ko ang paligid, lahat ng mga taong nakikita ko ay nakalingon sa akin at nakangiti. Hinagilap ko si Damon at naluha ako nang makita siya sa dulo, malapit sa altar. Nakangiting naghihintay sa akin.

Dahan-dahan akong naglakad sa isle papalapit sa kan'ya. Maraming camera ang nakatutok sa akin. Habang humahakbang ako ay humihigpit ang paghawak ko sa bouquet ng bulaklak na hawak ko.

Nakita ko ang mga kaibigan kong nakangiting sinusundan ako ng tingin, naroon rin ang mga dating kasamahan ko sa clinic. Lumingon ako sa kabila at nakita ko naman sina Lola at Mya na masuyo akong tinitingnan.

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko nang tuluyan na akong makarating sa tapat ni Damon. Niyakap niya muna si Mommy samantalang ako ay yumakap rin saglit ni Reese at Luke.

"I'm happy for you, Mich," Reese whispered.

I turned my gaze into Damon. He smiled at me and then offered his hand to me and I gladly took it.

"I love you, Mich," he mouthed.

Iginiya niya ako paupo sa harap ng altar at kaharap na namin ngayon ang pari.

Punong puno ng kasiyahan ang puso ko ngayon. Walang pagsisidlan ang tuwa na nadadarama ko.

Hindi ko maisip na sa kabila ng lahat ng nangyari sa amin ni Damon ay dito pa rin pala kami hahantong.

Ang akala kong wala nang pag-asang relasyon na tuluyan ring matatapos ay muling sumibol para magsimula ng bagong kabanata.

"Love, alam kong napakalaki ng kasalanang nagawa ko, but thank you for giving me a chance to make up with you and my son. . . Thank you for everything, mahal ko. Thank you for accepting me again," sambit niya habang matiim na nakatitig sa mga mata ko.

Ilang beses akong tumango nang dahan-dahan at masuyong pinapakinggan siya.

"I will always regret tying a knot with you for vengeance. But this time, I brought you here once again, to prove my purest love and intention to you. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Thank you, thank you for forgiving me," patuloy niya.

May halong lungkot ang mga ngiti niya. Nakita kong may ilang butil na luha na tumulo sa pisngi niya kaya mabilis ko itong pinunasan gamit ang mga daliri ko.

Isa sa mga na-realize ko ay ang pagpapatawad at pagtanggap talaga ang susi para makalaya sa lahat ng sakit at poot na nadadarama ng isang tao. At masaya akong kapwa naming nagawa ni Damon 'yon.

"This time, I will be a good husband and a father. Dahil Mich Azalei, pinakamamahal ko, ikaw at ang anak natin ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa tanang oras ko rito sa mundo. Kayong dalawa ang lakas at kahinaan ko, ang tahanan, at ang buhay ko. I love you so, Love," pagtatapos ni Damon sa sinabi niya saka niya dahan-dahang isinuot sa akin ang singsing.

Nangingilid ang mga luha sa mata ko habang pinagmamasdan iyon. This is the purest and genuine moment I've ever encountered. Damang-dama ko na katotohanan lang lahat ang mayroon ngayon.

Wife Series: Playful Revenge Of YesterdayWhere stories live. Discover now