CHAPTER 3

241 10 1
                                    

ONE YEAR AGO…

Being with Damon is something that I couldn’t ask for more. Masasabi kong perpekto ang pagsasama namin. Nakikinig kami sa isa’t isa at napag-uusapan namin lahat ng mga bagay na dapat naming pag-usapan talaga.

Sa bawat araw na nagdaan ay hindi niya nakaligtaang iparamdam sa akin kung gaano ako ka-importante sa kan’ya. Ayaw n’yang natatapos ang araw niya nang hindi ako nakikita ngunit minsan ay hindi p’wede sapagkat may pagkakataong magkasalungat ang bakanteng oras namin o pareho talaga kaming busy, kaya hanggang sa telepono lang kami nagkakausap.

Tila gano'n na katagal kaming magkasama kahit pa ay isang taon  at kalahati pa lang naman. We often do things that we both like and we try things that we haven’t tried before. Napakasaya. Sa bawat araw na ‘yon, lalo ko pa siyang minamahal. I can imagine how my future would be with him for the rest of my life.

“Nakapili ka na ba ng gown, Mich?” Jellia, my friend, asked me.

“Yep! Ito s’ya.” Umusog ako sa tabi n’ya at pinakita ko sa kan’ya ang picture ng wedding gown na napili ko mula sa brochure na bigay ng bridal stylist ko.

Napatango naman siya at tila namamangha sa ganda nito. It is an A-line simple wedding gown.
“Naks! Ikakasal na talaga ang kaibigan namin!” It was Hanna who just entered my room.

“Inggit ka na naman! Magluksa ka dahil hanggang ngayon, ‘di ka pa rin gusto ng nagugustuhan mo!” sigaw naman sa kan’ya ni Jellia.

“Ouch, ha?!” Umirap ito saka umupo sa kama ko.

Nasanay na ako sa ingay nila pareho, so, I just shrugged and ignored them. Pinagpatuloy ko ang pagtitingin-tingin sa brochure.

I’m so eager to walk the path to the middle of the altar with my beloved future husband. Ilang araw nang hindi mapakali ang sarili ko kakaisip na ikakasal na ako sa kan’ya. Hindi ko rin maiwasang mag-isip ng advance sa mga mangyayari kapag magkasama na kami. Napakasaya no’n siguro. Seeing myself living with him is my big fantasy, I always dreamed of that, and now, it is happening in few weeks.

The entire weeks is exhausting but exciting. Of course! Sino ba naman ang hindi ma-e-excite kung ikakasal ka na sa taong pinakamamahal mo, hindi ba? Baliwala ang pagod sa gano’n.

“Ma’am, ito pong red velvet cake namin ay isa sa mga bestselling flavor po rito. Pwede n’yo pong ma-try at baka magustuhan n’yo,” ani isang babae mula sa isang pastry shop.

Namimili ako ng cakes para sa kasal ko nang biglang tumunog ang cellphone na nasa handbag ko. I excused myself to them for a while. I quickly took my phone out from the bag at tiningnan kung sino ito habang dumidistansya ng kaunti mula sa mga tao.

Napangiti ako nang mabasa ang pangalan ng tumawag at agad sinagot. It was Damon.

“How’s my future wife doing?” a sweet manly voice from the line asked.

Ahh, ang ganda sa feeling tawagin sa gano’n.

“Doing great. Namimili ako ng cake ngayon. Any suggestion for the flavor?”

“Since my favorite flavor is chocolate, I’ll go for it. But, baby, you love mocha, right?”

Kilalang-kilala niya nga ako. “It’s fine. Two flavors na lang!” I decided.

Wife Series: Playful Revenge Of YesterdayWhere stories live. Discover now