CHAPTER 4

217 11 4
                                    

I REMEMBER the first time I saw his face clearly laying next to me in bed, I can’t stop admiring him. His thick eyebrows and eyelashes, his pointed nose, the sexy and thin pinkish lips, a perfect jawline, adding the fact that he has this well-toned body posture. Walang hindi hahanga sa hitsura niya.

But, leaving him while he’s still asleep was I thought better than to know him more because aside from being embarrassed to myself by giving my virginity to a pure stranger, what had happened to us before that night is clearly a mistake. So, I just chose to leave without a mark.

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Pinagtagpo kaming muli sa wedding reception ng anak ng kaibigan ni Mommy na businesswoman rin. Inaayos ko no’n ang mga bulaklak roon dahil may isang vase sa isang mesa na natumba. Bigla lamang siyang lumapit sa akin na ikinagulat ko. Agad ko rin naman siyang nakilala.

Kaba at hiya ang nararamdaman ko sa mga oras na ‘yun dahil sa nangyari sa amin ilang linggo lang ang nakalipas bago kami magkita ulit sa event na iyon.

Hindi ko naman inaasahan na bastos at walang respeto pala ang lalaking ito. Paano ba naman ay kabastusan ang ipinakita niya sa akin. Kumulo talaga ang dugo ko nang ipamukha niya sa akin ang kasalanang nangyari sa pagitan naming dalawa ng gabing iyon.

“Oh, Damon, fill me with your cock, bury it inside me and make me scream like I’m in hell even if it feels like I’m in heaven.” Ito ang linyang hindi ko makalimutang asar niya habang ginagaya ang mga salitang lumabas sa bibig ko sa pangyayaring iyon habang nakangisi.

Hindi ko lahat matandaan ngunit sigurado akong iyon ang tinutukoy niya. I was so embarrassed! I couldn’t held myself back that time, so, I slapped him hard and then, I walked out.

Wala naman sigurong nakarinig sa sinabi niya kanina sapagkat walang masyadong tao ro’n banda sa likuran. Ngunit hindi ko makuha ang ibig niyang iparating sa oras na ‘yon.

Did he do it to annoy me? O gusto niya lang mamahiya at mambastos?

Nagpapalamig ako sa isang milk tea shop malapit roon nang bigla na naman siyang sumulpot at umupo sa upuang nasa harap ko.

He then asked for an apology for what he have acted lately that moment. I don’t know but even if I feel embarrassed for what he had done, nakuha ko siyang patawarin agad.

Since that day, naging magkaibigan kami. Nagkukuwento siya tungkol sa buhay at napagdaan niya. Namatayan pala siya ng asawa, pinatay ng hindi nakikilang tao, dalawang taon na ang nakalilipas. Naaawa nga ako at magpahanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakukuha ang hinahangad niyang hustisya ngunit sabi niya ay hindi na siya umaasang makakamit niya pa iyon dahil wala pa ring lead ang mga pulis hanggang sa kasalukuyan.

Sa mga sumunod na araw pa ay mas nakikilala na namin ang isa't isa, hindi  na rin namin binalik pa ang nangyari at hindi nagtagal ay nahulog na ang loob ko sa kan’ya. Hindi mahirap mahulog sa lalaking tulad niya. Lingid naman sa kaalaman kong nahuhulog na rin pala siya sa akin. Naging mabilis ang lahat ng pangyayari at tila ay sa isang kislap lang ay umabot na agad kami sa puntong ito. Ikakasal na rin kami.

I never felt this way before. Hindi pa ako nagmahal ng ganito, at hindi pa rin ako minahal ng ganito dati tulad ng ginagawa ngayon sa akin ni Damon.

Walang araw na hindi niya pinaramdam sa akin ang pagmamahal niya. He always check on me and ask how my day was. Pero… may isang bagay akong hinihintay na marinig mula sa kan’ya talaga. Hindi ako kailanman nakatanggap ng salitang ‘mahal kita’ o ‘I love you’ mula sa kan’ya, at ‘yon ang hinihintay ko. Hindi ko naman ito pinapansin at ginagawang big deal talaga kasi pansin ko ay hindi ito ang love language niya, kaya binaliwala ko na lang ang isiping iyon. Naniniwala naman akong mas matimbang ang kilos kaysa sa salita.

TWO DAYS before our wedding, hindi na talaga ako mapakali. Halos mabaliw na ako kakaisip sa mangyayari at hindi ko mapigilang ngumiti mag-isa. Minsan, nakaharap ako sa malaking salamin at aaralin paano maglakad ng dahan-dahan ang isang bride. Normal naman siguro ‘tong nararamdaman ko, hindi ba?

Everything is settled. Naghihintay na lang talaga kaming lahat sa araw na iyon. Tinatawagan rin ako palagi ni Damon para tanungin kung ano ang ginagawa ko o kung kumusta ako. Naitanong niya pa nga kung hindi ba talaga pupunta ang ama ko para makilala niya na sa personal at sinagot ko na lamang siya na ang taong tinutukoy niya ay hindi invited sa kasal ko. Isa pa, hindi niya naman kailangang makilala ang taong ‘yon. And I’m glad that Damon didn’t force me to tell him the whole story.

Palagi kong iniiwasan ang mga usapang may kinalaman sa ama ko, kahit pa sa Damon ang nagtatanong kaya’t ang alam niya lang ay hiwalay si Mommy sa lalaking ‘yon dahil mas pinili niya ang kan’yang negosyo. Hindi ko rin maatim na pag-usapan pa siya dahil sa poot at pagkamuhi ko sa kan’ya simula nang mamulat ako sa mundo.

At hindi pa nga nangyayari ang kasal ay marami na akong natatanggap na greetings mula sa mga kakilala ko. Patuloy pa ang pagbuhos ng mensahe hanggang sa dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko.

Naluluha kong tinitingnan ang sarili sa salamin habang suot-suot ko na ang wedding gown ko. Niyakap ako ng ina ko mula sa likod na tila ay naiiyak rin.

“Ang ganda mo, anak. Bagay na bagay sa iyo ‘tong damit mo… Maging mabuti kang asawa, anak. Ang mga bilin ko, pakakatandaan mo sana palagi,” aniya.

Hinawakan ko naman ang kamay niyang nakayapos pa rin sa akin. “Opo, Mom. Hindi ko po iyon kakalimutan.”

She kissed my cheek. Pagkalabas ko rin ng kwarto ay sinalubong rin ako ng yakap ng lola ko at kapatid. Ang mga kaibigan ko naman na si Jellia, Hanna, at Chin ay nauna na raw sa simbahan at hindi na dumaan rito sa bahay.

Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kaba habang papalapit na ng papalapit ang kotseng sinasakyan ko sa lugar kung saan ako ikakasal. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko ngunit kaligayahan ang nangingibabaw ngayon sa puso ko. Sa wakas ay ikakasal na rin ako sa taong pinakamamahal ko.

Nang makarating ako ro’n ay sumilip ako sa bintana ng sasakyan. Ang lahat ng mga bisita ay nasa loob na at hinihintay na lamang ang pagpasok naming lahat.

Nagsimula na rin ang seremonya maya’t maya. Nang bumukas na muli ang pinto at bumungad sa akin ang lahat ng tao ay mas lalo akong kinabahan, ngunit nang makita ko ang ngiti at paghanga mula sa mga mukha nila ay parang nawala rin ang kaba ko nang pa-unti-unti. Habang naglalakad ako kasama ang aking ina ay hindi ko na napigilan ang mga nagbabadya kong luha lalo na no’ng nakita ko si Damon sa dulo na nakangiting naghihintay sa akin.

Nang makarating kami sa tapat niya ay nagmano muna siya kay Mommy at saka kinuha ang kamay ko at iginiya papunta sa harap ng altar. Nakinig at sinunod namin ang bawat sambit ng pari. We exchanged our vows and from that moment, I realized that I can never see my life without him. Hindi ko man narinig sa kan’ya ang mga katagang hinintay ko, hindi na no’n matutumbasan ang sayang nararamdaman ko ngayon. I am more than blessed to have him.

“Damon and Mich, I now pronounce you husband and wife!” masayang sambit ng pari saka bumaling kay Damon. “You may now kiss the bride!”

Malapad ang ngiti ni Damon nang harapin niya ako. Hinapit niya ang beywang ko gamit ang isang braso habang ang isa niyang kamay naman ay nakahawak sa pisngi ko. Dahan-dahan naming inilapit ang aming mga labi sa isa’t isa hanggang sa mag-isa ang mga iyon. Dinama ko ang pagkakataong iyon habang hiyawan at palakpakan ang naririnig ko sa aming paligid.

“Mabuhay ang bagong kasal!” sigaw ng lahat nang humarap na kami sa kanila habang pinapakita naming dalawa ni Damon ang mga kamay naming may suot na wedding ring dala ang malapad naming ngiti.

Wife Series: Playful Revenge Of YesterdayWhere stories live. Discover now