CHAPTER 18

297 13 0
                                    

DAMON'S POV

SISING-SISI ako sa lahat ng mga ginawang pagpapahirap ko kay Mich. Huli ko nang napagtanto na mali iyon at hindi ko dapat 'yon ginawa.

Binaliwala ko ang sumisibol kong pagmamahal na nararamdaman ko para sa kan'ya at nagpalamon sa galit. Hindi ko pinansin lahat ng mabubuti niyang ginagawa para sa akin. I was dumb to do it to her when she's clearly innocent. Inosenteng anak ng kriminal na walang ibang ginawa kun'di ang mahalin at tiisin ako sa lahat ng pananakit na ginawa ko sa kan'ya.

Napakalaking tanga ko para gawing miserable ang buhay niya sa piling ko. Sinaktan ko siya sa maraming paraan. I used April to make her jealous and to make her believe that there's something between us to hurt her. I compared her to Ghail and I even hurt her physically. I always lied to her. Add to the fact that I was the one who attempted to kidnap her sister to trigger her. Napakalaking b*bo ko!

Bawat araw na dumadaan magmula no'ng kinompronta ko siya ay tila nakakaramdam na ako ng pagsisisi hanggang sa isang araw, gustong gusto ko na siya kausapin ulit at humingi ng tawad.

Dalawang araw kong hinintay siyang umuwi sa bahay, dalawang araw akong naglalaklak ng alak para kumuha ng lakas ng loob na makausap siya kapag makauwi na siya. Kinabukasan no'n, napansin kong iilan na lang ang mga damit niya na nasa aparador.

Taranta kong tinawagan ang cellphone niya pero hindi na ma-contact, sinubukan ko ring tawagan ang kapatid niya pati ang mommy niya pero pinapatay ang tawag ko.

I went to her friends' houses but they keep saying that they don't know anything. Parang sasabog ang puso ko sa kaba at takot. Paano kung iniwan na ako ni Mich?

Dahil 'di sumasagot ang pamilya niya sa tawag ko, pinuntahan ko na lang rin ang bahay nila. Naka-ilang katok ako sa gate hanggang sa binuksan iyon ng mommy niya.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Damon?" walang emosyon niyang tanong.

"Ma, nasaan si Mich? Please, tell me!" naluluhang pakiusap ko.

She began to cry. "Sinasaktan mo siya sa loob ng ilang taon. . . Tiniis niya lahat dahil mahal ka niya! Nilihim niya lahat sa amin dahil ayaw niyang paglayuin ko kayo! Tapos ngayon, tinatanong mo kung nasaan siya?"

Damang-dama ko ang galit at sakit na nadarama ng isang ina.

"Alam mo ba kung bakit ayaw ka niyang ipakilala sa ama niya? Ha?! Dahil kailan man ay hindi siya tinuring na anak nito! All he cares about is his money and power. Ni hindi niya minahal sina Mich at basta-basta na lang kaming iniwan. Now, tell me! Bakit kailangan mong idamay ang anak ko sa ginawa ng put*nginang ama niya?! Bakit kailangang siya ang makaranas sa matinding galit diyan sa puso mo?"

Napaiyak ako sa sinabi niya.

Marami pa siyang sinabi at kinuwento sa akin na lalong nakakapagsisisi. I realized everything too late.

Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero iniwas niya ito. Humihikbi akong lumuhod sa harap niya at nagmamakaawa para patawarin ako.

"Patawarin niyo po ako. Nagsisisi na po ako. Hindi ko lang po napigilan ang sarili dahil sa galit na bumabalot sa puso ko. Please. . . Please, forgive me."

Pinatayo niya naman ako kaya bahagya akong nagulat.

"Tumayo ka, Damon. Hindi ako ang dapat mong hingan ng tawad, si Mich."

"Nasaan po siya? Nasa loob po ba siya?"

She shook her head. "She's not here. I won't tell you where she is because she needs space from you. Masyado siyang naubos dahil sa pagmamahal niya sa 'yo. Ngayon, kung tingin mong mahal mo rin pala siya, ibigay mo ang distansyang kailangan niya mula sa 'yo. Please, Damon. Don't even try to find her. Fix yourself first and be ready for her come back."

Wife Series: Playful Revenge Of YesterdayWhere stories live. Discover now