Kabanata 6

66 4 0
                                    

Kabanata 6: Crush.

Maaga akong nagising kinabukasan. Maaga rin akong pumunta sa school. Tulog pa sila ay papunta na ako sa school. Gusto ko mang hintayin si Shine para sabay kaming pumasok pero hindi pwede. Parang ayoko muna magpakita kay Mama, lalo na kay Ate.

Natatakot akong baka masabi ko sakanila lahat ng nangyari at ang mas ikinakabahala ko ay baka sabihin nilang nagsisinungaling lang ako at gumagawa lang ng kwento.

Nakaupo ako sa bench malapit sa Gate habang hinihintay ang pagdating ni Charles Kevin. Gusto ko siyang makausap at sabihin sa kanya ang lahat ng nangyari kahapon.

Nangunot ang noo ko dahil sa naisip. Bakit ko naman sakanya sasabihin ang nangyari kahapon 'e, ni hindi niya nga ako kaibigan. Pala-isipan sa'kin kung bakit gano'n nalang ang pagkasabik ko na makita siya gayong hindi ko nga siya masyadong kilala at isa pa, parang hindi naman niya ako kaibigan.

Napatayo ako nang makita may pumasok ng Gate pero agad ring napaupo nang mapagtantong hindi ito si Charles Kevin. Dumarami narin ang mga estudyante dahil malapit na mag alas syete.

Nagliwanag ang mukha ko nang masilayan ko siyang papasok ng Gate, nakasuot siya ng uniform habang nakahawak sa magkabilang strap ng bag niya, normal na gawain niya.

Kumaway ako bago siya tinawag. "Charles Kevin!" I shouted, he didn't look at me and patuloy lang siya sa paglalakad na parang walang narinig. Dahan-dahan kong naibaba ang kamay ko. Nakita kong nakaabang sakanya ang dalawang babae at mabilis niyang inakbayan ang mga ito bago sila sabay-sabay na umakyat sa building.

I sighed. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang bumigat ang pakiramdam ko. Masakit... Masakit sa dibdib. Pakiramdam ko ay tinutusok ang puso ko ng libo-libong karayom dahil sa sakit nito.

Hindi ko alam ang pakiramdam na ito. Hindi pamilyar at para sa'kin ay ngayon ko palang ito naramdaman. Ang masaktan dahil sa nakita kani-kanina lang.

Mabigat ang dibdib na pumasok ako ng classroom. Lahat sila ay napatingin sa'kin pero hindi ko na lang sila pinansin at umupo sa sariling silya.

Nakatulala ako sa bintana habang ang subject teacher namin ay nag di-discuss ng lecture. Masyadong malalim ang iniisip ko kaya hindi ako maka pokus sa klase.

Ginugulo ni Charles Kevin ang isip ko. Pilit kong kinukumbinse ang sarili na baka hindi niya lang ako narinig kanina kaya siya nagpatuloy. Kinukumbinse ko ang sarili na kaibigan niya lang ang mga babaeng 'yon at wala ng higit pa.

Napabuntong-hininga ako bago muling naalala ang nangyari kahapon. Kanina ay halos mag-iisang oras na ako sa banyo ka-kakuskos sa leeg ko. Diring-diri ako, kung sana lang na pwedeng ipatanggal ang leeg at palitan ng bago ay ginawa ko na.

I looked at my lap. May mga pasa ito dahil sa panlalaban ko kahapon, pero kung hindi ko iyon ginawa ay baka... Baka nangyari na ang-- paano kung nagawa niya nga iyon? Paano kung naikwento ko 'yon kay Mama at sabihing gumagawa lang ako ng kwento? Paano kung palayasin niya ako? Saan ako pupunta? Ayoko... Ayokong mangyari 'yon, ayaw kong lumayo sa kanila. A-Ayoko...

"Ms. Trillanes! Anong nangyayari?!" Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Ma'am nang tawagin niya ako.

"B-Bakit po?"

"Anong nangyayari sayo?! Bakit mo sinasabunutan ang sarili mo? Bakit umiiyak ka?" Nag-aalala n'yang tanong bago lumapit sa'kin.

Doon ko lang napagtanto na nakahawak ako sa buhok kong ngayon ay magulo na. Basa rin ang pisngi ko dahil sa luha.

Anong... nangyayari?

Matapos ang pangyayari kanina ay ilag na sa'kin ang mga classmate ko. Takot rin sila na dumikit sa'kin kasi iniisip nilang baliw ako...

Hindi ko naman talaga alam ang nangyari kanina. Kahit ako ay nagulat sa ginawa ko. Dahil lang siguro iyon sa sobrang pag-iisip.

Lunch time ay lumabas ako ng classroom at pumunta sa garden. Palagi kong ginagawa kapag wala akong baon na pagkain. Nakakahiya na tumunganga lang ako do'n at tignan ang mga classmate kong kumakain.

Gumuhit lang ako ng kung anong maisipan kong iguhit. Noong bata ako ay mahilig akong gumuhit. Lalo na pagdating sa mga bahay. Nangarap pa ako no'n na guguhit ako ng bahay at ipapagawa ko 'yon. Doon ay gusto kong kompleto kaming pamilya, kahit na hindi ko alam kung sino ba ang pamilya ko.

Napabuntong-hininga ako bago tumayo para makabalik na sa classroom. Malapit na magsimula ang klase kaya binilisan ko ang lakad. Agad din akong napatigil nang makitang papadaan sa direksyon ko si Charles Kevin kasama ang mga kaibigan niya. This time ay mga lalaki na.

Nahigit ko ang aking paghinga nang lagpasan niya ako na parang hangin. Na parang wala ako ro'n sa harap niya.

Napakurap-kurap ako at naramdaman ko na lang na isa-isang tumulo ang luha ko. Kinagat ko ang aking kamay upang hindi kumawala ang hikbi. Ilang minuto lang ay tumahan ako.

"B-Bakit ba ako u-umiiyak?" Pinunasan ko ang aking luha bago inayos ang sarili at patakbong bumalik sa classroom.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Masakit... Mabigat ang dibdib ko na para bang ang hirap huminga, bago sa aking pakiramdam. Hindi pa ako kailanman nakaranas ng ganito. Ang masaktan sa isang lalaki.

"Pass your paper," Ani Ma'am kaya ipinasa ko na ang akin. Biglaan siyang nagpa quiz, mabuti na lang at nakapag-review ako. Sa katunayan nga ay ang mga nagiging lecture namin sa umaga ay pinag-aaralan ko sa gabi.

Nauna akong lumabas ng classroom nang sabihin ni ma'am na pwede ng umuwi. Hapon na at ngayon nga ay kumakalam na naman ang sikmura ko. Sana pagdating ko sa bahay ay may makakain pa ako. Wala talaga akong pera sa ngayon 'e.

"C-Charles Kevin..." Naiusal ko nang makita siyang nasa hagdan at nakatingin sa'kin. Tapos narin yata ang klase nila. Tumalikod siya sa'kin at nagsimulang maglakad.

Sa gulat ko na baka hindi na naman niya ako pansinin ay hinabol ko siya at hinawakan sa braso. Napaigtad siya dahil do'n.

"C-Charles Kevin, g-galit ka ba?" Mahinang tanong ko habang nakatingin sa kanya. Tumaas ang dalawa n'yang kilay, ginagaya ang mukha ko kapag galit.

Napayuko ako dahil sa naging reaksyon niya, galit nga siya. Dahil ba hindi ko siya na-replyan sa mga text niya sa'kin kahapon?

Taka akong napatingin sakanya nang tumawa siya. Ngumisi siya bago tapikin ang ulo ko at ipinantay sa'kin ang mukha niya.

"Miss mo'ko 'no?" Nakangiti siyang bumuntong-hininga bago tumayo ng maayos at tumingin sa'kin. "Gwapo ko naman kasi," Aniya.

Napasimangot ako. Hindi ko naman siya na-miss 'e, hindi lang talaga ako sanay na hindi niya ako pinapansin.

Napadpad kami sa garden at wala na namang tao dito dahil ang iba ay umuwi na. Sa naging desisyon ko kanina na dapat ay sabihin ko sakanya ang nangyari kahapon ay parang biglang umatras ang dila ko.

"May crush ka ba?" Nangunot ang noo ko dahil sa naging tanong niya. Hindi ba muna siya nagtatanong kung bakit ako absent kahapon? Na kung okay lang ako? Sabagay, bakit ba naman niya ako tatanungin ng gano'n.

Umiling ako. "Wala,"

Tumaas ang kilay niya. Hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Wala? Abnormal ka ba? Pati ba sa mga artista ay wala kang crush?"

Umiling uli ako. "Wala nga, porket ba walang crush ay abnormal na?"

Eh siya ba may crush ba siya? Kung wala ay parehas pala kaming abnormal.

"Sige, ganito na lang. Hanapan kita ng crush, para hindi ka na abnormal." Aniya, nakangisi, halatang nang-aasar.

Ngumuso ako bago sundan ng tingin ang tinitignan niya. Mga lalaking nagkukumpulan na kadarating lang rito sa garden.

"Oh!" Pumalatak siya. Nakakunot ang noo kong napatingin sa kanya. "Ayan na siya sa harap mo."

Kasunod niyon ay ang paglipat niya ng pwesto. Nagulat nalang ako nang nasa harapan ko na siya. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

"Ako nalang ang crush mo." He commanded. He bit his lower lip before looking down, pinipigilan ang ngumiti. Namula ang tainga niya kaya napatawa ako.

Sariling banat, siya rin ang kikiligin. Yeah, it's him. Charles Kevin.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now