Kabanata 32

48 3 0
                                    

Kabanata 32: Terrified.

Abala ako sa pagbibilang ng barya na isinukli sa akin ng tindera malapit sa bahay namin. Sa tingin ko ay kulang. Magkano ba lahat ng nabili ko?

Binilang ko ang presyo ng mga pinamili ko. Sakto naman, lutang lang talaga ako kanina. Paano 'e madami akong ginagawang research. Mga susulatin na kailangan pang i-report bukas.

Akma na akong maglalakad ulit nang mapatingin ako sa tapat ng bahay. Iyong bahay nila Zhilan. Sobrang laki pero kakaunti lang siguro silang nandyaan. Sa sobrang curious ko na tignan kung gaano kalaki at kaganda ang bahay na mukha ng mansyon ay lumapit ako sa bukas na gate. Wala yata iyong nagbabantay.

Napanganga ako nang makita ang mga bulaklak sa garden na may fountain sa gitna. Madaming halaman na nakahilera at maganda tignan. Iba't iba ang kulay at iba't ibang klase.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Iniiwasan kong mapunta sa main door. Nakakahiya kung mahuli nila ako doon, sabihin ay magnanakaw ako. Nakarinig ako ng malakas na tugtog. May sariling utak yata ang mga paa ko at basta nalang naglakad patungo kung saan nanggagaling ang tunog.

"You said it again, my heart in motion... Every words feels like a shooting star... And then my edge in my emotions, watching a shadows burning in the dark..."

Natuod ako nang makita sa aking harap ang isang taong kumakanta. Hawak ang mic at napatingin sa'kin. Hindi pala iyon basta-basta tunog dahil may kumakanta... At iyon ay si Zhilan. Dito pala ako napadpad sa pool area.

"And I, I, I'm inlove... And I, I, I'm terrified... For the first time in a last time, In my only life..."

Hindi ko alam kung bakit hindi maalis ang titig ko sakanya, gano'n din siya sa akin. May kinang akong nakikita sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. At hindi ko alam ang ibig sabihin niyon.

"Oh!" Naputol ang titigan namin ni Zhilan nang maramdamang may humawak sa braso ko. Napatingin ako rito.

"Bakit ka nandito? Hay naku, walang duda, may gusto ka talaga sa Kuya ko. Mommy!"

Nanlaki ang mata ko, hindi dahil sa sinabi niya na may gusto ako sa Kuya niya kun'di dahil sa tinawag niya ang Mommy niya. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang makitang papalapit na ang isang babae, magandang babae. Kamukha niya si Khilan. Nakangiti ito habang diretso ang tingin sa'kin.

"You must be Cianelle."

Napamaang ako nang bigkasin niya ang pangalan ko. Kilala niya ba ako?

Magalang akong tumango bago tipid na ngumiti sa kanya. Nahagip pa ng paningin ko si Zhilan na binitawan ang mic at tamad na lumapit sa amin. Blangko ang mukha, hindi man lang makikitaan kahit na tipid na ngiti.

"Palagi kang ikini-kwento sa akin ni Lan."

Bahagyang kumunot ang noo ko. Lan? Sinong Lan? Dalawa silang magkapatid. Zhilan at Khilan. Madalas ba nila akong i'kwento sa Mommy nila? Hindi naman kami nagkakasama ng matagal 'e.

"Sino pong Lan?" Akma siyang sasagot pero sumingit sa gitna namin si Zhilan. Napakawalang galang! Nag-uusap kami dito ng Mommy niya 'e.

"Stop it, Mom. We're leaving." Sa sinabi ni Zhilan ay napatingin ako sa kanya.

"Oh? May pupuntahan kayo?" Napatingin naman ako sa Mommy ni Zhilan.

"Sama ako!"

Ang bata ay basta na lamang gumitna. Sabi na nga ba at parehas sila ng ugali ng Kuya niya.

Zhilan sighed. "Tsk." Iyon lang ang sinabi niya at basta nalang ako hinila paalis doon. Humahabol pa si Khilan pero sinuway siya ni Mommy niya. Nakanguso siya habang pinapanood kaming palayo sa kanila.

"What are you doing here?" Pagkalabas ng Gate ay tinanong niya kaagad ako.

Napanguso ako bago umiwas ng tingin. "N-Napadaan lang." Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng bahay. Sobrang laki pala talaga nito.

"Obviously." He said as he glanced at my hand, carrying a plastic bag. Nakakahiya naman at nakita niya ito, parang tuloy pagkatapos kong bumili ay sinadya kong pumunta sa bahay nila.

Tumikhim ako bago napayuko. "Ano... Dito ba talaga kayo nakatira?"

"Nope,"

Mabilis akong napaangat ng tingin. "Ha?"

Tinignan niya ako ng ilang segundo bago nag-iwas ng tingin. "Bingi."

Namula ang mukha ko dahil sa hiya. Ano ba naman Cianelle? Nakakahiya, gusto ko nalang lamunin ng lupa.

"Cute..." He chuckled. "Umuwi kana Cianelle, hinahanap kana sa inyo."

"O-Okay lang, malapit lang naman bahay namin. So... Ano nga? Dito talaga kayo nakatira simula una?" Naitikom ko ang aking bibig. Bakit ang daldal ko ngayon? Kasalanan 'to ni Karina, nahahawa na ako sa kaniya.

"No. We just moved here last year, why?" Lumapit siya sa'kin kaya umatras ako. Iniharang ko pa ang dala ko para lang mapanatili ang pagitan naming dalawa.

Kung tititigan siya ng matagal ay kamukhang-kamukha niya talaga si Khilan. "Kambal ba kayo?" I unconsciously said.

Nangunot ang noo niya. "Ha?"

My turn. "Bingi." Pagkatapos ay tumawa ako. Akala niya siya lang? Bingi rin pala siya 'e. Tumatawa akong tinalikuran siya at naglakad na para makarating sa bahay. Nagtaka pa ako na nakatulala lang siya roon habang nakaawang ang labi. Napailing ako.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now