Kabanata 36

53 3 0
                                    

Kabanata 36: No one.

Sa laro kanina ay nagpaubaya si Hanzen. Sa akin niya ibinigay ang laptop kahit na anong pilit kong ibigay nalang sa kaniya.

"Salamat talaga, Hanz,"

He smiled, "Wala 'yon, mayroon naman kasi akong laptop sa bahay. Iyong isa nga ay hindi ko nagagamit kaya pinapahiram ko kay Karla."

"Bait mo naman,"

Tumaas ang kanang kilay niya, amused. "Sus, maliit na bagay," he smiled.

"Iyong panyo mo, isasauli ko nalang sa isang araw, lalabhan ko lang. Nakakahiya naman k—"

"Sayo na yan,"

"Ha?" Ang tanging naiusal ko.

"Sayo na kako 'yan, madami pa naman akong panyo, si Mama ko ang gumagawa."

I smiled, "Salamat. Sige mauna na kami ni Shine, pakisabi nalang kay Mama na may pupuntahan lang kami,"

"Pwede ba akong sumama?"

Agad akong umiling, "A-Ano, huwag na ang g-gusto ko kasi ay kaming dalawa lang na magkapatid."

Napatango-tango siya. "Okay? Sige, basta mag iingat kayo,"

Ngumiti ako bago pinuntahan si Shine sa kwarto niya rito sa bahay ni Lola. Ang sabi ni Mama ay dito raw muna kami matutulog. Si Ate ay kasama ang boyfriend niyang si Gab at umiinom sila ng iba niyang pinsan.

Mas mabuti nalang na umalis rito kaysa manatili. Kapag kasama si Charles Kevin ay masaya, pero kapag umuwi? Parang pasan ko lahat ng problema sa mundo.

"Let's go, Ate!" Excited na sigaw niya nang makalabas sa kwarto at nakabihis na ng simpleng dress, as usual parehas kami ng suot na doll shoes. Isinama niya rin ang stuffed toy na si Yellow.

Nakangiti kaming lumabas ng bahay. Walang nakakita sa'min dahil lahat sila ay abala. Mabuti nalang at nandiyan si Hanz para sabihin na may pinuntahan lang kami. Ang akala niya ay kaming dalawa lang ni Shine ang lalabas pero ang totoo ay pupunta kami ngayon sa Amusement Park, katulad ng ipinangako ni Charles Kevin.

"Where are you, Love?" Bungad niya nang sagutin ko ang tawag.

"Nasa labas na kami ng bahay, Charles Kevin,"

"Okay, wait me there," Ibinaba niya ang tawag at maya-maya pa'y tanaw ko na ang kotse niya na ginamit niya noong pumunta kami sa Amusement Park.

Tumigil ang sasakyan sa harap namin at lumabas mula roon si Charles Kevin. Lumapit siya sa'kin at yinakap bago ako hinalikan sa noo.

Yumuko siya kay Sunshine na nakangiti na sakanya. "Happy birthday, Shine. Go, look for my gift inside the car," Aniya.

Agad na sumunod si Shine at hindi parin maalis ang ngiti sa kaniyang labi.

Nakangiti kong sinundan ng tingin si Shine na naglakad papunta sa kotse.

Awtomatikong napaharap ang mukha ko kay Charles Kevin nang hawakan niya ang pisngi ko at pinaharap sa kaniya. He gently pulled my waist kaya napahawak ako sa dibdib niya. He looked at my eyes, down at my lips. He looked at my eyes again before he could reach my lips and kissed me passionately.

Nakapikit akong tumugon sa nakakabaliw niyang halik at mahigpit na napahawak sa kaniyang damit.

Tumigil siya sa paghalik at ipinatong ang noo sa noo ko.

"I miss you, love," he whispered then kissed me on my forehead.

"I miss you too, love," I smiled and kissed him on his cheek.

"Ate!! Ang laki ni Yellow!"

Napahiwalay ako kay Charles Kevin nang bigla nalang tumili si Shine. Lumabas siya ng kotse bitbit ang napakalaking stuffed toy na Larva, si Yellow.

Halos kasing laki niya si Yellow. "Ang cute!" Nakangiti kong saad at lumapit sakanya bago nakiyakap sa stuffed toy niya. Ang lambot!

"Wow," hanggang ngayon ay namamangaha parin ako sa lugar na ito. Mas maganda ngayong gabi dahil ang gaganda ng ilaw sa paligid, maraming tao at halos marinig ko ang masayang tawa nila.

"Tara na!" Excited kong sigaw, mas excited pa talaga ako kay Shine na tumakbo na naman kanina papunta sa cotton candy.

Sa unang rides ay katulad nung nakaraan, sumuka na naman si Charles Kevin at halos isumpa na ang rides na iyon. Tinatawanan ko lang siya na ikinasimangot niya.

"Ayoko na talaga!!" Sigaw niya pa ngayong nakasakay kami sa Vikings.

Nang makababa ay ayon, sumuka ulit siya, as usual itinatanggi niya na sumuka siya, guni-guni ko lang daw 'yon.

Pinuntahan namin si Shine na kanina pa nakasakay sa Carousel. Tuwang-tuwa dahil kasama niya pa ang stuffed toy na si Yellow, iyong maliit. Iyong malaki naman na regalo ni Charles Kevin ay nasa kotse.

"Nag-enjoy ka?" Tanong ko kay Charles Kevin.

"Kiss mo'ko," pinahaba niya pa ang nguso niya.

Matapos naming kumain ng ice cream ay dumiretso na kami sa kotse niya. As usual, tulog na naman si Shine sa backseat habang yakap si Yellow.

"Ayoko, nakakarami kana. No'ng nasa bahay nila Lola, you kissed me. Pati na rin no'ng bago tayo sumakay sa Vikings. Tapos nung nasa Ferris wheel  tayo, akala ko ba takot ka do'n?" Humaba ang nguso ko dahil sa pagmamaktol. Nakakailan na siyang kiss sa akin 'e!

"Hindi na, because your kisses is my energy,"

Ngumiwi ako, "Ang korni mo, Charles Kevin."

He chuckled, "Sayo lang, 'e ikaw? Kanino ka lang?" Hinawakan niya ang baba ko at itinaas iyon, pinapatingin niya ako ng diretso sa mga mata niya.

Ngumiti ako, "Sayo lang po," Sayong-sayo lang.

He smiled, inilapit niya ang mukha sa mukha ko at hinalikan ako sa labi. Napapikit ako bago tinugon ang mga halik niya.

Indeed, I really love this man. I really do. No one can ever replace him in my heart. No one.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now