Kabanata 46

61 2 0
                                    

Kabanata 46: Graduated

Minsan kailangan mong kilalanin muna ang taong pagkakatiwalaan mo. Sobrang hirap mawalan ng tiwala sa isang tao dahil nakasanayan mo na 'yon. At kapag nawasak ang tiwala mo sa isang tao ay mahirap na itong buoin pa.

Kahit na mag-isa ka sa buhay ay hindi mo masasabing kaya mo dahil mahirap. Mahirap ang mabuhay mag-isa.

May mga bagay na kailangan mong maranasan para matuto ka. Para maging matatag ka. Sinusubok ng tadhana ang kakayahan mo. Para lang masabi mo someday na... Yes, nakayanan ko.

"Ms. Trillanes, darating pa ba ang mga magulang mo?" Tanong ng teacher namin.

Ilang estudyante na lang at ako na ang susunod na tatawagin. Kinakabahan ako, na baka hindi makapunta si Mama. Pero... pupunta pa rin kaya siya kahit na graduation rin nila Ate? Paano na kung hindi siya makapunta? Sino ang aakyat sa'kin sa stage?

"N-Nand'yan na po 'yon." Panay ang lunok ko habang hindi mapakali sa kinatatayuan. Nawawalan na ako ng pag-asa. Tapos na kaya ang graduation nila Ate? Pero sabay-sabay kaming lumabas ng bahay kanina kaya alam kong ganito na rin ang ginagawa sa kanila.

"Santillan, Cassandra Janine G."

I tried to stop crying. But I couldn't. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Ako na ang susunod at hindi ko na kayang maglakad  pa. Nahihiya ako na baka pag tinawag ang pangalan ko ay walang darating na Mama, na walang manood na Charles Kevin at Karina.

Nasaan sila? Tuluyan na nga ba nila akong iniwan?

Napahikbi ako nang maalala si Charles Kevin. Paano kaya kung narito siya? Alam kong pagagaanin niya ang loob ko at papangitiin ako, gano'n rin si Karina.

"Trillanes, Bria Cianelle A."

Hindi ako lumingon, ni hindi ako natinag sa kinatatayuan. Wala... Hindi dumating si Mama at si Charles Kevin na magpapalakas ng loob ko.

Walang pumunta sino man sa kanila...

Huminga ako ng malalim bago punasan ang mga luha sa pisngi. Kung nandito si Charles Kevin ay siya mismo ang magpupunas ng luha ko at magpapa ngiti sa'kin.

Pero ngayon? Wala na, wala na ang taong magpapatahan sa'kin.

Napaangat ako ng tingin nang marinig ang singhap ng mga tao. My eyes widened when I saw the man standing in front of me. Kahit na puno ng luha ang pisngi ko ay nagawa ko pa ring titigan siya.

"Bakit narito si Gov?"

"Kasama niya pa ang anak niyang C.E.O sa Alycia Corp."

Napuno ng bulungan ang paligid. Pati ako ay nagtataka sa nangyayari. Nasa harapan ko si Governor at para akong tuod na nakatayo lang doon. Sa sakit na nararamdaman ko kanina ay pakiramdam ko'y gumaan ito nang makita ko si Gov. na nakatingin sa'kin.

"My angel..." He whispered. Nakaawang ang labi niya at namumula na ang mga mata na para bang pinipigilan ang maiyak.

"Gov..." Naiusal ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

Napapikit siya bago napayuko at umiling. Muli siyang tumingin sa'kin at this time puno na ng pagmamahal 'yon.

"D-Don't call me Gov. It's Dad, I am... your father..."

Napakurap-kurap ako habang nakaawang ang labi. Sa hindi malamang dahilan ay inilibot ko ang aking paningin. Nahagip ng mga mata ko si Tita Nellie. She smiled at me before she nodded. Hindi ko man lang napansin na narito siya sa graduation ko.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now