Kabanata 41: CK.
"Happy birthday, Karina!" Nakangiti kong bati at iniharap sakanya ang cake na hawak ko.
Umirap siya. "Hindi ka nakakatuwa, Cianelle."
I chuckled. "Oops, araw nga pala ng mga puso ngayon." Sabi ko pa na parang ngayon ko lang nalaman ang bagay na 'yon. Lumapit sa'kin si Karina at kumuha ng icing saka ipinahid sa mukha ko.
"Ikaw!" Sigaw ko at ibinaba ang cake para kumuha rin ng icing. Tumakbo siya kaya hinabol ko. Hindi ako papayag na ako lang ang may icing sa mukha.
"Huli ka!" Hinawakan ko siya sa braso at ipinahid ang icing sa mukha niya. Napasimangot naman siya dahil do'n.
"Cianelle! Iyong cake, may kumuha!" Agad naman akong napatingin sa table na nilapagan ko ng cake pero nando'n parin naman.
"Wala naman—" pagkaharap ko sakanya ay sakto sa mukha ko ang icing sa kamay niya. "Karina!" Sita ko. Nakalimutan niya yatang nasa coffee shop kami.
Paano na ang mukha kong puro icing?
"Stop it already, Karina." Pamilyar na boses ang aming narinig kaya napatigil sa pagtawa si Karina.
"Charles Kevin.." Usal ko at mabilis na pinahid ang mga icing sa mukha ko. Lumingon ako kay Karina at pinanlakihan siya ng mata. "Kasalanan mo 'to," mariing bulong ko sakanya.
Nakakahiya.
Awtomatiko akong napalingon kay Charles Kevin nang hawakan niya ang pisngi ko at pinaharap sakanya. Doon ko napagtanto na may hawak siyang panyo. Pinahid niya ang mga icing sa mukha ko.
"Epal talaga, Charles. Bestie ko 'yan, maglalaro pa kami. Mamaya na kayo maglambingan." Reklamo ni Karina. Umirap siya sa'min kaya natawa ako.
"Birthday na birthday mo, tapos ang bitter mo," Saad ko. Pati kamay ko ay pinunasan rin ni Charles Kevin.
"E paanong hindi magiging bitter? Kada birthday ko, lahat ng nakikita ko mga couple! Paano naman akong wala? Unfair 'yon! Birthday ko tapos sila yung nagsasaya?" Asik niya at inis na kinuha ang panyo sa bulsa ng suot niyang hoodie. Masama pa ang tingin niya sa'min habang pinapahiran ang sariling mukha.
Matapos ang pagpupunas ng icing sa mukha namin ay naupo na kami sa table namin. Naisipan namin ni Karina na lumabas ngayong birthday niya pero tila hindi siya masaya sa mga nakikita.
Mga couple na ang babae ay may dala-dalang bulaklak o kaya naman malaking stuffed toy. Totoo ngang nakaka inggit kasi hindi ko pa 'yan nararanasan.
Tahimik kaming kumakain pero tila hindi mapakali si Karina. Malilikot ang mata at panay ang kagat sa ibabang-labi. Sinundan ko ang tinitignan niya para lang makita ang lalaking minsa'y nakatrabaho ko.
Kenzo.
Nagkatitigan kami ni Karina na para bang naghihintayan ng sasabihin dahil nahuli ko siyang nakatitig kay Kenzo.
Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magtanong pero bago pa ako makapagsalita ay sinalpakan ni Karina ng tissue ang bibig ko sabay kausap kay Charles Kevin.
"W-Wala ka bang ibibigay kay Cianelle, Charles?" Tanong niya. Pinandilatan ko siya bago tinanggal ang tissue sa bibig ko.
"Ano namang ibibigay niya, e si Ken—" muli ay natigil ako sa pagsasalita nang salpakan niya ulit ng tissue ang bibig ko. Inis kong tinanggal ito at sinamaan na naman siya ng tingin.
Ano bang problema niya at ayaw niya akong pagsalitain? Akala niya sasabihin ko kay Charles Kevin na nahuli ko siyang nakatitig kay Kenzo? Mas mabuti kung kay Kenzo ko sabihin 'yon.
"Ibibigay na?" Tanong ni Charles Kevin at tumigil sa pagkain bago lumingon sa'kin.
"Sa'kin ka tumingin! Ako kausap mo!" Asik ni Karina kaya natatawa namang lumingon sakanya si Charles Kevin. Nang mapatingin sa'kin si Karina ay dumila ako. Bleh! Pero inirapan niya lang ako.
"Teddy bear, Charles, gano'n! Tignan mo sila oh, ang lalaki ng mga dala." Ani Karina at inilibot pa ang tingin sa loob restaurant. Kunwari pa, gusto lang masilayan si Kenzo e.
"Teddy bear? No. Kapag binigyan ko siya no'n, iyon na ang yayakapin niya gabi-gabi. Paano na ako?"
"Ang o.a mo!"
"Parang ikaw hindi?" Saad ko sakanya. O.a rin naman siya e. Inirapan niya lang ako at muling humarap kay Charles Kevin.
"E, chocolates?" Muling tanong ni Karina.
"Nope, baka sumakit lang ngipin niya."
"Edi wow, sanaol may nag-aalala. Paano naman akong wala?" Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib na parang nasasaktan. "Anyways, flowers kaya? Bigyan mo man lang kahit isa, hindi niya pa kasi nararanasan lahat ng bagay na 'yan e,"
"Para namang ikaw, nakaranas na."
"Hoy! For your information, nakaranas na akong bigyan ng bulaklak no'ng highschool ako!"
"Noon, hindi na ngayon."
"Aba't! Iyang bibig mo, 'di ka naman gan'yan." Naiinis na sabi niya pa sa'kin.
Napanguso ako, "Lahat naman natutunan ko sa'yo,"
"Tigil-tigilan mo na ang pang-i-impluwensiya sa bebelabs ko, Kari. Mag-boyfriend ka na para makatanggap ka ng mga chocolates kapag valentine's." Said Charles Kevin.
"Ayaw ko nga, gusto ko kapag nag-boyfriend na ako, iyon na rin ang pakakasalan ko." Sagot naman ni Karina.
Tuloy ay naalala ko iyong mga sinabi niya sa'kin noong nakaraang buwan na nasa bahay nila ako. Iyong kung magkaka-boyfriend man siya, ang gusto niya ay iyon na rin pakakasalan.
"Anyways, ano namang maibibigay mo kay bestie ko? Hindi ka ba sweet, Charles? Wala, mahina ka pala." Pang-aasar ni Karina.
Napanguso ako. Ano ba pakialam ng kaibigan ko na 'to kung walang ibigay sa akin si Charles Kevin ngayong valentine's? At least ako may regalo ngayong birthday niya. Hay, Karina, bakit kasi Feb. 14 ka pa ipinanganak? Ipinamukha tuloy sa'yo ngayon na wala kang boyfriend.
"This,"
Sabay kaming napalingon ni Karina kay Charles Kevin nang ilabas niya ang maliit na kahita na kulay pula mula sa kaniyang bulsa ng pantalon.
He looked at me intently. "This will be the mark that you're mine." He said seriously. Doon ko nakita ang necklace na may silver pendant na bilog at ang nasa gitna ay initials ng pangalan niya.
CK.
Lumapit sa'kin si Charles Kevin at isinuot sa akin ang kwintas. "Happy valentine's, love." He said as he kisses my forehead. Napangiti ako at napalingon kay Karina na para bang sinasabi ko na talo siya.
"Hala, sige! Ipamukha niyo pa sa'kin na single ako!"
YOU ARE READING
The Unwanted [Under Editing]
RomanceCianelle Trillanes, ang babaeng may pangarap na gustong maabot. Sino nga naman ba ang walang pangarap? At ang tanong, mayroon nga bang taong susuporta sa iyo sa pag-abot ng pangarap mo? Paano kung ang mismong Nanay mo ang mag-down sa'yo? Ang hindi m...