Kabanata 2: Key
Malalim na ang gabi pero heto ako at nakatanaw lang sa langit. Pilit iniisip ang isang taong bumati sa akin. Siya lamang ang bumati sa'kin, kahit inis sakanya ay hindi ko maiwasang ngumiti.
Kailangan kong pahalagahan ang sinabi niya sa'kin dahil siya lamang ang bumati sa'kin. Walang nakaalala sino man na narito sa aming bahay. Masakit syempre, pero wala eh, hindi nga yata ako mahalaga sa kanila. Lalo na kay Mama.
Napabuntong-hininga ako bago napag-desisyunan na humiga sa kama para matulog na. Baka ma-late na naman ako bukas.
"Cianelle!!" Imbes na sa alarm sa cellphone ko ako magising ay boses ni Mama ang nagpabalikwas sa'kin bumangon.
Dali-dali akong bumaba ng hagdan para lang makitang nasa sala siya at inaayusan ng buhok ang bunso kong kapatid.
Si Sunshine ang bunso kong kapatid. Si Ate Giselle ang panganay sa'min at 3rd year college siya. Hindi maganda ang pakikitungo n'ya sa'kin gaya ni Mama. Galit silang dalawa sa'kin, kinamumuhian at pinandidirihan. Dahil anak ako sa labas...
Magkapatid si Shine at Ate Giselle. Kapatid rin naman nila ako pero iba ang ama ko. Dalawang taon lang si Shine nang maaksidente ang tatay nila ni Ate Giselle, do'n nagsimulang magalit sa'kin si Ate Giselle dahil ako ang huling kasama ni Tatay bago siya mawala. Sobrang bait sa'kin ng napangasawa ni Mama na kahit alam n'yang anak ako sa labas ay pantay-pantay parin ang turing at pagmamahal niya sa aming tatlong magkakapatid, na kahit nabuntis si Mama ng ibang lalaki ay tinanggap niya parin ito.
Sa isang iglap ay nawala ang sumusupurta at naniniwala sa kakayahan ko, ang kakampi ko palagi, ang nagparamandam sa'kin na may Ama ako, na may nagmamahal sa'kin.
Napaiwas ako ng tingin nang pandilatan ako ni Mama.
"Bwisit ka talaga! Bakit hindi ka naghugas ng pinggan kagabi?!" Sigaw niya.
Napayuko ako. Nakalimutan ko palang maghugas ng pinggan dahil sa kaiisip sa lalaking iyon. Nakakainis! Bakit ba siya ang iniisip ko? Iyan tuloy ay nakagalitan ako.
"Hindi ka kakain ngayon! Pinaghugas mo pa talaga ang Ate mo! Pag iyon talaga na-late dahil sa katangahan mo, tignan nalang natin." Nang-gigigil itong nakatingin sakin habang dinuduro ako.
"Aakyat na p-po ako," paalam ko bago umakyat ulit sa kwarto para makapag-ayos na makapasok sa eskwelahan.
Nang matapos ay bumaba ulit ako ng sala. Nakita ko ang bunso naming kapatid na naghihintay sa'kin. Ako yata ang maghahatid sakanya.
"Ate..." Usal niya at lumapit sa'kin. Pitong taong gulang pa lamang siya at nasa Grade 2.
"Tara na?" Sinubukan kong ngumiti nang malawak pero hindi ako nagwagi. Tears suddenly fell down on my cheeks. Agad ko iyong pinalis at huminga ng malalim.
"Ayos lang si Ate, wag ka na malungkot. May pera pa ako dito oh, kakain si Ate." Pagpapagaan ko sa loob niya. Hinawakan ko ang kamay niya bago kami lumabas ng bahay.
Nang makarating sa eskwelahan nila ay saka ko lang binitawan ang kamay niya at pinapasok sa loob ng silid nila.
Malilikot ang mga mata niya na hindi makatingin sa akin. "May problema ba Shine?" Tanong ko.
May kinuha siya sa bag niya, nakabalot ito sa art paper na kulay pula. Pahaba at maliit lang. Inilahad niya ito sa'kin kaya kinuha ko. Nang lingunin ko siya ay umiiyak na siya.
"A-Ate..." She cried.
Tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang dalawang kamay, rinig na rinig ko ang paghagulhol niya. Pinagtitinginan kami ng mga classmate niya pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay tanungin siya kung bakit siya umiiyak.
Agad na nanubig ang mata ko dahil hindi ko kinakayang umiiyak ang bunso namin. Ang bata niya pa para sa ganitong bagay. Dapat sakanya ay nag-aaral lang at naglalaro kasama ang mga classmate niya.
"B-Bakit ka umiiyak ha, b-bunso?" Nanginginig kong tanong. Pinigilan ko ang luha ko kaya suminghap ako at pinakalma ang sarili. I don't know what to do.
Tumingala siya sa'kin na puno ng luha ang pisngi. Suminghot siya at pinunasan ang sariling luha.
"H-Happy Birthday A-Ate, sorry po kung nahuli yung gift ko." She hugged me.
-
Narito ako ngayon sa garden ng school. Lunch break na ngayon pero hindi ko magawang makipagsabayan sa kanila dahil wala naman akong baon. Wala rin akong pera. Nagsinungaling ako kay Shine.
Tulala ako habang hawak ang susi na ibinigay ni Sunshine. Ang regalo niya sa'kin. Sa pagkakaalam ko ay susi ito sa aparador sa kwarto namin. Ano naman ang meron doon? Bakit parang big deal? Hindi naman ito ibibigay sa'kin ni Shine kung hindi importante ang laman niyon.
I sighed. Mabuti na lamang at hindi ako nahuli sa klase kanina. Sakto lamang para makapasok ako.
Tumayo ako sa inuupuan at nagsimulang maglakad. Walang tao rito sa garden dahil nag lunch ang lahat sa canteen, ang iba naman ay nasa classroom lang.
"Ay, counted!" Tumaas ang dalawa kong kilay nang lingunin ang taong tumulak sa'kin gamit ang balikat.
Kahit hindi ako lumingon ay alam ko na kung sino ito. Sino pa ba ang gagawa sa'kin ng gano'n kun'di ang lalaking ito. Ang lalaking madugas pagdating sa fishball.
"Ano ba?" Malumanay kong saad bago ibinulsa ang hawak kong susi. Baka mahulog pa ito at hindi ko mabuksan ang aparador na sinasabi ni Sunshine.
Nagtaka siya sa boses ko pero ngumisi parin siya. "Tamlay mo yata, Miss."
"Pakialam mo ba?"
"Wala naman akong pake, nagtanong lang," nang lingunin ko siya ay nakangisi na. Hobby niya talaga ang mang-asar. Wala ba siyang klase ngayon? Grade 12 student at graduating siya, 'di ba dapat ay busy siya? Bakit siya narito ngayon sa harap ko? Epal.
Inismiran ko siya at naglakad na, naaasiwa ako sa mukha niyang palaging nakangisi. Kahit naman na binati niya ako kahapon ay hindi ko parin maiwasan na mainis sakanya ngayon.
Lumapit pa siya kung wala naman pala siyang pake at nagtatanong lang. Nakakaasar!
"Ayan, salubong na ang kilay mo, Miss." Bahagya siyang lumapit kaya umatras ako. Bakit parang nauulit ang nangyari kahapon?
Gamit ang hintuturo ay inilapat niya iyon sa gitna ng nagsasalubong kong kilay bago hinimas. Bahagya akong napaatras dahil sa ginawa niya.
"Wag ka na magalit, pangit mo kapag magkasalubong ang kilay. Maganda 'pag nakataas lang."
Ngayon ko napagmasdan ang kabuuan ng mukha niya. Itim ang mata niya at makapal ang kilay. Matangos rin ang ilong niya at may perpektong hugis ng labi. Sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay napagtanto kong hanggang baba niya lang ako.
I looked at him. He's smiling like an idiot. "Gwapo ko naman." He bit his lower lip before avoiding my gaze.
Tinulak ko siya kaya napaatras siya. "Sungit, Miss." He chuckled.
Sumimangot ako at naglakad nalang upang makarating na sa classroom dahil alam kong ilang minuto nalang ay magsisimula na ang unang klase sa hapon.
"Saglit lang, Miss." Hinatak niya ang braso ko kaya napaharap ako sakanya. Again, he's smiling like an idiot.
"Bakit?"
"May utang ka sa'king isang piso 'di ba? Kailangan mong bayaran 'yon. Gipit ako ngayon. Sa'n ba ang classroom mo?" Kalmado lang siya habang nagtatanong.
And seriously? Piso lang iyon pero kung singilin niya ako ay ang laki ng utang ko sakanya. Nakatingin lang siya sa'kin nang hindi nawawala ang ngiti sa labi.
Kung siya ay palaging nakangiti, ako naman ay hindi na alam kung paano pa ang ngumiti.
YOU ARE READING
The Unwanted [Under Editing]
RomansaCianelle Trillanes, ang babaeng may pangarap na gustong maabot. Sino nga naman ba ang walang pangarap? At ang tanong, mayroon nga bang taong susuporta sa iyo sa pag-abot ng pangarap mo? Paano kung ang mismong Nanay mo ang mag-down sa'yo? Ang hindi m...