Kabanata 52

73 3 1
                                    

Kabanata 52: Asawa.

"Ma'am!"

Napaangat ako ng tingin sa tumawag sa akin. Si Jen. "Yes?"

"Bulaklak raw po para sa'yo," Aniya, inilabas ang isang bungkos ng rosas galing sa pagkakatago.

Tumayo ako at sinalubong siya. "Kanino galing? Kay Zhi?" Tanong ko pa nang mahawakan ito.

Minsan kasi ay pinapadalhan ako ng lalaking 'yon ng bulaklak. Alam ko kung para saan kaya nga sinabi ko na siyang itigil na dahil kaibigan nga lang ang turing ko sa kaniya. Iyon lang, at wala ng hihigit pa.

Akma kong babasahin ang nakasulat sa card nang makarinig ako ng hakbang. Napaangat ako ng tingin.

Siya ulit.

Ilang araw ko rin siyang hindi nakita.

"Akin 'yan galing, anong Zhi? E kung Zhi-pain ko siya?" He glared at me.

Ano na naman ang kasalanan ko, Santiago.

"What are you doing here, Mr. Santiago?" I asked. Sino nagsabing pwede siyang pumasok sa opisina ko?

"Binibisita ang asawa ko."

Napatitig ako sa kaniya, pero ako rin ang kusang umiwas nang manghina ang tuhod ko. Napakurap-kurap ako at napalunok.

May asawa na pala siya...

Bakit narito pa siya, at sinasabing para sa akin ang bulaklak na 'to? Gago ba siya? May asawa na pala siya, pero binigyan pa ako ng bulaklak?

Napakatanga, Santiago.

Asawa naman pala niya ang ipinunta niya rito bakit ako ang pinadadalhan niya ng bulaklak? Gago pala siya e.

Napalingon ako sa basurahan na nasa tabi ni Jen. Hindi pa rin siya umaalis at alam kong nakikinig siya sa pinag uusapan namin.

Dahan-dahan akong naglakad roon, rinig ko pa ang lagatok ng takong na suot kong heels. I press the garbage can using my heels and dropped the flowers there.

Hindi ako lumingon sa pwesto ni Charles. Kalmado lang akong naglakad patungo sa table ko. Umupo ako at tinitigan si Charles.

"Get out." Malamig kong sambit at ipinagpatuloy ang ginagawa bago siya dumating kanina, ang pagpirma ng mga papeles.

Maya-maya pa'y narinig ko ang pagbukas ng pinto. Umangat ako ng tingin at muling narinig ang pagbukas ng pinto.

"Si Charles na 'yon?" Mabilis na lumapit sa'kin si Karina. Nanlalaki pa ang mga mata niya habang papalapit sa akin.

Tumayo ako, "Oo, bakit?"

"Bakit umiiyak 'yon?"

Nangunot ang noo ko. Anong umiiyak? Iniiyakan niya asawa niya kasi wala pala rito sa kompanya ko?

"Anong umiiyak?"

Ngumuso ang buntis, "Gwapo-gwapo e, gusto ko kurutin 'yong mukha niya Cianelle! Sige na magbalikan na kayo! Nasa ex pala ang trulab!"

"Anong trulab ka d'yan, baka trauma, kasi uulit ka na naman."

Napa eh naman siya. Inilibot niya ang kaniyang tingin at nakita niya ang bulaklak na para sa asawa ni Charles Kevin.

Nakakaasar.

"Galing sa kaniya 'to?" Tanong niya. Lumapit na naman sa akin matapos kunin ang bulaklak.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now