Kabanata 18

55 3 0
                                    

Kabanata 18: His kagwapuhan.

"Kaya... Mas gusto kong kasama ka habang naglalakad."

Sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako. Kumakabog ang dibdib ko habang nakatingin sa mga palad naming magkasaklop. Ang lambot ng mga palad niya. Ang ga-ganda ng mga kuko sa daliri at medyo maugat ang kanyang kamay.

Bago pa man kami umabot sa may classroom ay bumitaw na ako sa kamay niya. Napatingin naman siya sa'kin, nakangiti.

"Hindi ako magsasawang hawakan palagi ang kamay mo," Aniya.

I smiled. "Gano'n din ako Charles Kevin, kahit na ngayon mo pa lang nahawakan ang kamay ko. Hindi rin ako magsasawang hawakan palagi ang kamay mo."

Nag-iwas siya ng tingin habang napakagat sa ibabang labi, pinipigilan na naman ang ngumiti.

"Miss."

Itinaas ko ang aking dalawang kilay, nagtatanong.

"Your hair..." Naitikom niya ang kanyang bibig. "Magulo, pero bakit ang ganda mo pa rin?"

Namula ang pisngi ko, napayuko ako bago napahawak dito. Hindi siya pumapalyang pakiligin ako. Walang araw na hindi niya ako sinasabihan na maganda ako.

Kinuha ko ang suklay sa bag ko at akmang isusuklay nang kunin ni Charles Kevin sa akin ang suklay.

"Let me..." Aniya, he started to comb my hair.

Pagkatapos ng klase kanina ay hindi ko nakita si Charles Kevin sa labas ng classroom. Nagtataka man ay bumaba na lang ako ng hagdan at naisipan na umuwi na.

Nakakapagtaka na hindi n'ya ako sinundo ngayon, may problema kaya? Sana ay ayos lang siya.

Malapit na akong makarating sa bahay nang may nakita akong matangkad na anino sa may parte ng bahay na pinaghintuan namin ni Charles Kevin kahapon. Lumabas ang naroon at kitang-kita ko na s'ya dahil sa nagmumulang liwanag na nanggagaling sa street light. Ginabi ako ng uwi dahil hinintay ko pa si Shine pero nang malaman kong 5:30 na ng hapon ay nakauwi na siguro si Shine. Hindi naman inaabot ng alas sinco ang klase ni Shine.

"Miss mo'ko?" Napatingala ako sa lalaking nasa harapan ko na ngayon at nakangiti.

"Charles Kevin, a-akala ko ay—"

"Shh..." Inilagay n'ya ang daliri sa labi ko upang matahimik. "Kahit na marami akong ginagawa hindi parin kita hahayaan na umuwi mag-isa. Kaya asahan mo na kapag wala ako sa tabi mo kapag uwian ay narito lang ako sa paligid, nagmamasid sa'yo."

Hinampas ko s'ya kahit ang seryoso ng mukha niya. "Para ka namang holdaper d'yan 'e!"

"Aray Miss, ha."

"Umayos ka nga, Charles Kevin. Nakakatakot ka kaya kapag nasa dilim."

"Pero kapag lumabas ako sa dilim ay matutulala ka dahil sa kagwapuhan ko."

Napasimangot ako dahil sa kayabangan n'ya. Palagi n'yang sinasabi ang kagwapuhan niya kahit na totoo naman, gwapo siya at kung sino man yata ang itapat sa kanya ay manliliit.

"Uuwi na ako."

"Ihahatid kita," Aniya, nagsimula na s'yang maglakad na para bang alam na alam niya ang daan. Napaka yabang akala mo talaga ay alam niya. Tignan natin.

Hindi ako sumunod sakanya bagkus ay pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad. Maya-maya pa'y may tumahol kaya napangisi ako, lagot ka Charles Kevin.

"Miss!" Tawag niya sa'kin nang makitang hindi pala ako nakasunod sakanya. Tumatahol ang mga aso, hindi makagalaw si Charles Kevin. Ayan kasi, ang yabang. Natatawa akong naglakad palapit sakanya. Kay laking tao pero takot sa aso.

Nagtataka akong nakatingin sakanya. Nasa loob naman ng Gate 'yong mga aso pero para s'yang tuod na nakatayo lang doon at nakatingin sa'kin.

"Hoy!" Tumawa ako nang makita ang itsura niya.

Namumula ang leeg niya at pinanatiling matigas ang ekspresyon. Animo'y hindi natakot kanina sa mga aso.

"M-Miss naman! Bakit hindi mo sinabi na may aso pala rito?" Tanong niya. Nagmamaktol na parang bata.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ka naman nagtanong 'e."

"Kahit na..." Ngumuso siya kaya pinigilan ko ang mangiti.

Ano pa bang iningingiti ko rito dapat ay umuwi na ako baka kasi hinahanap na ako ni Mama, tiyak na mapapagalitan na naman ako nito.

"Uuwi na ako, Charles Kevin."

"Hatid nga kita, Miss. Kahapon ay hindi mo naman sinabi sa'kin kung saan ka nakatira, paano kita haharanahin niyan? Sayang naman ang kagwapuhan ko kung hindi masisilayan ng mga kapitbahay niyo."

Here we go again. His kagwapuhan... Gwapo siya, oo. Inuulit-ulit niya 'yon na para bang hindi ko dapat makalimutan na gwapo siya.

Gwapo naman talaga siya, palagi...

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now