Kabanata 53

97 2 0
                                    

Kabanata 53: Invitation.

"Asawa ko!"

At nand'yan na naman po siya.

Hinarap ko siya at pinameywangan. "Pwede ba, Santiago, bumalik ka na sa kompanya mo! Hindi ko alam na may sintu-sinto palang C.E.O ang Cianvin company."

"Sa'yo lang." Kumindat pa siya. Kulit talaga.

"Alam mo, kung ako sa'yo umuwi ka na, wala kang mapapala sa'kin. Sakit lang dadanasin mo." Katulad ng pag-iyak mo sa opisina ko.

"Okay lang, sarap naman ang kasunod no'n,"

Nagsalubong ang kilay ko, "Bastos!"

Iniwan ko na siya ro'n at pumasok sa opisina ko. Simula kahapon na pagpunta niya rito ay kinukulit niya na ako. Hindi ba siya napapagod sa paghahabol sa akin? Nasa'n ang asawa niya? Bakit hindi nalang iyon ang habulin niya?!

"Kay aga-aga ang sungit ng mukha mo."

Napalingon ako sa table ko. Nakaupo roon si Zhilan. "Do you have a problem?" He asked.

Pinameywangan ko siya. "Ako dapat ang nagtatanong niyan Zhilan. May problema ka ba?"

Tumayo siya at umiling. Hawak ang kung anong nasa kamay niya ay lumapit siya sa'kin. Hinalikan niya pa ako sa noo bago iabot sa akin ang hawak niya.

Hindi doon natuon ang atensyon ko, kun'di doon sa halik niyang matagal, madiin at ramdam ko ang pagmamahal.

Ilang segundo pa akong natulala sa kaniya bago tinignan ang ibinigay niya sa akin. Envelope or should I say, an invitation card.

Jheyda
and
Zhilan

WOULD LOVE YOUR PRESENCE IN CELEBRATING THEIR MARRIAGE.

SATURDAY|OCTOBER 25
TEN O'CLOCK, AM

Totoo nga, ikakasal na nga talaga siya.

I smiled. Sa wakas, may natagpuan rin siyang babaeng magmamahal sa kaniya. Hindi katulad ko na hanggang kaibigan lang ang turing sa kaniya.

Ang iniisip ko ay wala naman siyang naipakilala sa akin na may girlfriend siya tapos ngayon, ikakasal na siya.

"Inaasahan kita ro'n." Saad niya.

I looked at him. "Pupunta ako, aba, gusto ko rin makita magiging asawa mo!"

Ngumiti siya. "Of course..." Salitang naiusal niya.

"Bakit parang hindi ka masaya?" Tanong ko. Ang tamlay ng mukha niya.

Huminga siya ng malalim. "Honestly, hindi siya ang babaeng gusto kong pakasalan." Tumitig siya sa'kin. Huli na nang napagtanto kong hawak niya ang kamay ko. "Ikaw 'yon, Cian."

Napabitiw ako sa kaniya at napaatras. "Hindi," umiling ako. "Naguguluhan ka lang Zhi. Hindi ako ang dapat na para sa'yo, alam mo kung ano ang turing ko—"

"Kaibigan. Hanggang doon nalang ba talaga 'yon?" Nanghihina niyang saad, napatingin siya sa kaniyang gilid.

"Zhilan. Noon pa man ay sinabi ko na sa'yo na kaibigan lang kita. Wala ng hihigit pa ro'n. Ikakasal ka na ngayon, pumayag ka pero bakit parang ang isip mo ay nasa akin pa rin?"

Dahan-dahan siyang napalingon sa'kin. "Dahil ikaw naman talaga. Ikaw lang, noon pa." Pinasadahan niya ang kaniyang buhok gamit ang kaliwang kamay. "Why can't you love me?"

"Zhi. Mahal kita," Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Pero bilang kaibigan lang.

"Mahal mo naman pala ako e," Huminga  siya ng malalim, pinipigilan ang maluha. "B-Bakit hindi nalang ako? B-Bakit hindi nalang ako ang piliin mo?"

Hindi ako nakasagot. Kahit na piliin ko siya ay iba naman ang tinitibok ng puso ko.

"Siya pa rin ba?" Seryoso niyang tanong nang lingunin ko, mapula ang kaniyang mata, pinipigilan ang maiyak.

I'm sorry, Zhi. Siya naman palagi.

"Siya pa nga," Pumatak ang luha niya pero nakayanan niya pa ring ngumiti. Tinapik niya ang ulo ko. "It's fine. I'm fine. Don't worry, just forget what I've said. Sorry kung nagulo ko pa ang isip mo, gusto ko lang na klarado ang lahat bago matuloy ang kasal. Aasahan kitang pupunta sa sabado ah." He came closer, "Gusto kitang masilayan, Cian."

-

Nakaalis na si Zhilan pero ako, nakaupo pa rin sa table ko at tulala. Sineryoso niya nga talaga ang pagkagusto niya sa akin.

Hindi kaya ito ang ikinagagalit ni Khilan nang minsang bisitahin namin siya? Ayaw niya ba sa babaeng pakakasalan ng Kuya niya?

Ikakasal na siya sa sabado. Kailangan ko ng magandang regalo.

Napag-isipan kong bumili na dahil malapit naman na 'yon, dalawang araw nalang. Biglaan talaga nangyari 'to. O baka pinagplanuhan na nila noon pa. Hindi lang ako nasabihan ni Zhilan dahil na rin siguro sa ayaw niyang tanggapin ang magiging kapalaran niya.

Pagbukas ko ng pinto ng opisina ay may napahiga sa sahig.

"Charles?!" Bulalas ko.

"Aray ko," Masama ang tingin sa'kin ay tumayo siya. "Kumatok ka muna dapat!" Asik niya pa.

Tumaas ang kilay ko. Bakit namumugto ang mga mata niya? Umiyak ba siya?

"Oh? Galit ka kaya niyan? Dati kasi kapag nakataas ang kilay mo ay galit ka—"

"For your information Mr. Santiago, opisina ko ito, palabas ako kaya hindi talaga ako kakatok! Ano ba kasi ang ginagawa mo d'yan sa sahig?"

"Nag ma-mop gamit ang damit ko. Mukha kasi akong basahan sa buhay mo."

Napapikit ako. Ano na namang kalokohan 'to Santiago?!

"Pwede ba? Umalis ka sa harap ko at nagmamadali ako. Bakit hindi ka na lang makiharutan sa Asawa mo." Ibinulong ko pa ang huling mga salita.

"Ginagawa ko na nga e," Saad niya, lumapit siya sa'kin at humawak sa beywang ko. "Asawa ko nagtatampo."

"Tang—"

Sumipol-sipol siya nang malagyan niya ng chubby na chocolate ang bibig ko. Nangyayari na naman.

Akma ko itong idudura nang dumukwang siya sa'kin at humalik sa labi ko. Nanlaki ang mata ko. "What the fu—" Muli ay sinalpakan niya ng chubby ang bibig ko.

Sa inis ko ay dinuro ko siya. "Huwag kang susunod!" Sigaw ko at lumapit sa malapit na basurahan. Idinura ko ang tsokolate at pinunasan ang labi.

Nakakainis!

"Hindi masarap?" Tanong niya pa.

Sinabi ng 'wag susunod!

Hinarap ko siya. "Ikaw! Ano bang problema mo? Mugto na nga 'yang mata mo na hindi ko alam ang dahilan tapos may gana ka pa talagang mang-asar?!"

"E sinabi mo kasing mahal mo siya e, sinong hindi iiyak do'n." Ngumuso pa siya. "Pero no, no, pakialam ko kung mahal mo siya, mas mahal naman kita. At wala akong pakialam kung ilang beses pa akong masaktan at umiyak. Kahit umiyak pa ako ng dugo, hindi kita titigilan."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Mga words."

Napapikit ako. "Inamo, Santiago."

Kumindat siya. "Inamo na rin, Hernandez."

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now