Kabanata 22

48 3 0
                                    

Kabanata 22: Alright, love.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Akma akong iikot nang maramdaman kong mabigat na parang may nakadagan.

Napatingin ako sa aking tiyan at sa gulat ko ay naitulak ko ang may-ari ng kamay na nakadantay sa bewang ko. Nahulog siya galing sa kama at sobrang lakas ng impact no'n.

"Aray,"

Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang marinig ang kanyang boses.

Bumangon siya at masama ang tingin sa'kin. "Masakit, Miss." Ngumuso siya.

Natural lang na masakit iyon. Bakit kasi siya nasa tabi ko? At nakadantay pa talaga ang kamay niya sa akin ha.

"B-Bakit ka kasi tumabi sa'kin."

"Eh sa'n ako matutulog? Sa sahig?" Lumapit siya sa'kin at yinakap ako. Humiga siya kaya napahiga rin ako. Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko habang humahalik pa ro'n.

"Inaantok pa ako, love. Give me 5 minutes." Bulong niya at maya maya pa'y bumigat na ang kanyang paghinga, nakatulog na agad. Grabe nga yata ang antok niya.

Para akong tuod na nakatingin lang sa kisame habang siya ay mahimbing ang tulog habang nakayakap pa sa akin. Pinamulahan ako ng pisngi nang maalala ang nangyari kagabi sa dagat, na hindi rin nagtapos ro'n dahil umabot kami sa elevator na isinumpa ko pa kagabi na hinding-hindi ako sasakay ro'n. Hanggang do'n lang 'yon at hindi na sumobra pa. Sabay kaming natulog kagabi pero nagugulat parin ako nang maabutan ko siya kanina na nakayakap sa'kin habang natutulog.

Nang magising siya ay pumunta kami sa baba upang mag-almusal. Hindi niya binitawan ang kamay ko kahit na kumakain kami. Naglakad-lakad rin kami sa buhangin habang pinagmamasdan ang mga taong lumalangoy sa dagat.

"Gusto mo ba munang kumain bago umuwi?" Tanong ni Charles Kevin.

Hapon na nang mapag-desisyunan namin na umuwi na. Tiyak na hinahanap na ako ni Mama, lalo na ng bunso kong kapatid na si Shine. Miss na siguro ako no'n. Gano'n din ako sa kanya.

"Busog pa ako, madami akong nakain kanina." Sagot ko. Nagsimula akong tupiin ang mga damit na ginamit namin sa paglangoy kanina. Pinatuyo ko agad ito para madala na pauwi.

"Ako gutom." Aniya.

Nagsalubong ang kilay ko nang lumakad siya patungo sa pinto. Nagkunwari ako na hindi siya napansin at patuloy sa pagtupi ng damit.

Seriously? Porke busog ako at gutom siya ay iiwanan niya na ako rito? Tapos kakain siya mag-isa? Paano kung may pumasok rito, ano nalang ang mangyayari sa'kin? Kung gutom siya ay dapat kasama niya parin ako. Hindi 'yong iiwan niya lang ako dito tapos—

"Pfft. You're so cute." Napatingala ako sakanya nang makitang nasa harapan ko na siya. Nakatingin siya sa'kin habang pinipigilan ang matawa. Tinabig ko ang kamay n'yang hahawak sana sa pisngi ko. Napaawang ang labi niya bago humalakhak.

"Galit ka na n'yan, Miss?"

Umiwas ako ng tingin. "Hindi ako galit, Charles Kevin."

"Galit ka, Miss."

"Hindi."

"Hindi raw pero ang haba na ng nguso, salubong pa ang kilay."

I glared at him, hinampas ko siya sa braso nang marinig ang bulong n'yang 'yon na sinadya niya talagang iparinig sa akin.

"'Wag na magalit, Miss. Nagbibiro lang ako kanina. Busog talaga ako, gusto lang kitang asarin."

Hinampas ko ulit siya sa braso nang marinig ang rason niya. "Bakit ba lagi mo akong inaasar?"

May napapansin ako sa sarili ko, at alam ko... Alam ko na hindi na ako nauutal kapag kasama siya, kaharap siya at kausap siya. Naging matapang na rin ako na sagutin ang pang-aasar niya sa'kin. Nang dahil sa kanya, mas naging sanay ako sa mga tao.

"You're too cute." He smiled, he hold my both cheeks. "Too cute, Miss."

Inilapit niya ang mukha sa mukha ko pero bago niya pa magawa ang balak niya ay itinulak ko ang mukha niya palayo sa'kin. Nakakainis talaga! Bakit ba siya Miss ng Miss? May pangalan ako Charles Kevin! May endearment tayo!

"Bakit?" Tanong niya. Sapo ang ilong niya na kay tangos. Sana all pinagpala sa ilong. "Masakit Miss, ah. Sinasaktan mo na ako."

Napaawang ang labi ko. What did he just say? Sinasaktan ko siya? Ang hina lang naman no'n. Masyado s'yang O.A.

"Eh bakit ka kasi Miss ng Miss?! Love nga 'e!"

He chuckled. "Alright, love."

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now