Kabanata 9

65 4 0
                                    

Kabanata 9: The Day You Said Goodnight

"From now on, I will court you."

Pagkatapos niyon ay narinig ko ang pangalan niya na tinatawag ng emcee.

Nakangiti siyang tumayo bago pumunta sa unahan, dala ang gitara niya.

Ang mga estudyante ay tumitili habang ako ay heto, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi na mapakali sa inuupuan. Napahawak ako sa dibdib ko habang nakatingin kay Charles Kevin na ngayon ay nag-strum na sa guitar.

"Take me as you are, Push me off the road.. The sadness, I need this time to be with you... I'm freezing in the sun, I'm burning in the rain... The silence, I'm screaming calling out your name."

"And I do, reside in your light... Put out the fire with me and found... Yeah you'll lose inside of your circle... that's what I'll do if we say goodbye."

Bago sa pakiramdam ko ang nangyayari ngayon. Malakas parin ang tibok ng puso ko na para bang gusto nang kumawala nito. Humigpit ang hawak ko sa dibdib ko nang ngumiti siya sa sa'kin.

"To be, is all I gotta be. And all that I see, and all that I need is time... To me, the life you gave me. The day you said goodnight..."

Ikinalma ko ang aking sarili dahil kahit anong paghinga ko ng malalim ay hindi ako napapakali. Kumakabog ang dibdib ko habang nakatingin kay Charles Kevin na hindi humihiwalay ang tingin sa'kin.

"The calmness in your face, that I see through the night. The warmth of your light is pressing unto us... You didn't ask me why, I never would have known. Oblivion is falling down..."

Sa chorus ng kanta ay sumabay ang mga estudyante habang ikinakaway pa ang kamay na para silang nasa isang concert.

"She's already taken. She's already taken. She's already taken me... She's already taken. She's already taken me..."

Habang sinasambit ang bawat liriko ay hindi niya hinihiwalay ang titig sa'kin. Nakangiti siya habang kumakanta. At nalaman ko sa puntong 'yon ay Mahal niya ang pagkanta at pag gi-gitara.

"The day you said goodnight..." Kanta niya sa panghuling liriko. This time ay nakatingin na siya sa mga estudyante.

"Kinikilig ako! Nakita niyo ba 'yon? He's looking at me while singing!" Nangunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Janine, nakaupo lang sila ng mga kaibigan niya sa likuran ng inuupuan namin ni Charles Kevin.

"Nakakakilig naman kayo titigan, Janine! Sana ay makahanap rin ako ng katulad ni Charles. Gwapo na, talented pa, matalino pa."

Narinig ko ang paghampas ng isang kaibigan ni Janine kay Jasmine. "Sino ba ang hindi magkakagusto d'yan kay Charles?"

Sumagot si Jasmine, "Sino nga ba? Pati nga ako ay may gusto d'yan—"

"Excuse me?!" Angal ni Janine. Rinig na rinig ko ang pag-uusap nila. Kahit na ayaw kong makinig ay kusa itong pumapasok sa tainga ko. Na para bang sinasadya ng tadhana na dapat ay marinig ko ang mga pinag-uusapan nila.

"Oops, sorry. A-Ang totoo ay si L-Liam ang gusto ko. Ikaw naman Janine! Alam mo naman 'yon 'di ba?"

"Of course, I know. Don't you dare, Jasmine. Charles Santiago is mine!"

Edi iyo na! Saksak mo sa baga mo!

Napabuntong-hininga ako, grabe nagiging maldita ako nang dahil lang sa inaangkin si Charles Kevin ng iba.

Narinig ko ang pagpalakpak ng isa pang kaibigan ni Janine. "Siyempre 'no! Bagay kaya kayo."

Sumabat si Jasmine, "O-Oo! Bagay na bagay kayo Janine!"

I sighed when I heard the word... Bagay. Bagay din ba sila ni Charles Kevin? Pero ang sabi nung tindera sa lomihan ay mas bagay kami ni Charles Kevin.

"Nakasimangot ka Miss?" Napalingon ako kay Charles Kevin na narito na pala at inayos lang ang pagkakalagay niya ng gitara bago naupo sa tabi ko.

Rinig na rinig ko parin ang tili ni Janine. Dahil ngayon ay nasa harap niya na si Charles Kevin pero nakatalikod naman ito at nakatitig sa'kin.

Napakurap-kurap ako nang hawakan niya ang baba ko at hinarap sakanya. Sobrang gaan ng pagkakahawak niya na para bang kapag nadiinan niya ay masasaktan ako.

"Hmm?" Tumaas ang kilay niya, nagtatanong.

Umiling-iling ako dahil naiilang ako sa mga titig niya. Iba na 'yon ngayon, may laman na. At alam kong hilig niya akong titigan. Iyon na yata ang pinaka natatandaan kong gawain niya kapag hindi ako nakatingin sakanya.. ang titigan ako.

Matapos ang program ay pinauwi rin agad kami kahit na alas tres palang ng hapon. Magkasama kami ni Charles Kevin at dumiretso kami sa lomihan.

"Hello po!" Ani Charles Kevin sa tindera. Nakangiti naman itong lumapit sa'min.

"Oh, nandito na kayo," Tumingin ito sa'kin kaya ngumiti ako sakanya.

"Hindi po, wala pa kami dito," Rinig kong bulong ni Charles Kevin kaya hinampas ko ito sa braso. Nanlalaki naman ang mata niyang tumingin sa'kin. "Nananakit kana Miss ah." Aniya, nakanguso.

"Wag ka kasi gumaganyan. Matanda kaya ang kausap mo. Dapat ay maging mabait ka at 'wag kang bulong ng bulong."

Ngumisi siya. "Himala, hindi ka yata nautal Miss. Hindi na ba ako gwapo sa paningin mo?"

Kailan ba siya hindi naging gwapo sa paningin ko? Kahit nga yata sabuyan mo siya ng putik ay ang gwapo parin ng mukha niya. Imbes na sagutin siya ay bumaling ako sa Ale. "Kakain na po kami,"

Natutuwang ngumiti ang matanda. "Naku! Parang malulugi ako sainyo," diretsyo siyang tumingin kay Charles Kevin.

"O-Oh? Bakit po kayo sa'kin nakatingin?" Taas-noong tanong niya habang nakanguso.

Nagkatinginan kami ng Ale at sabay na natawa. Minsan talaga ay parang isip bata si Charles Kevin. Minsan naman ay seryoso na hindi mo man lang mabibiro.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now