Kabanata 33

46 3 0
                                    

Kabanata 33: Bintang.

"Cianelle, samahan mo nga ako sa Cr," Lumapit sa silya ko si Anna nang matapos akong mag-report at kalalabas lang rin ng teacher namin.

Ang iba kong kaklase ay sa ibang subject naman mag re-report.

Wala akong nagawa kun'di ang tumango saka tumayo para samahan siya.

To be honest, ayaw ko ng mapalapit sa kung sino man na classmate ko. Sa tingin ko kasi ay parang pina-plastik nila ako. Katulad ngayon kay Anna. Isa rin siya sa lumayo sa akin no'ng bigla ko nalang sinabunutan ang sarili ko.

Umiling ako para mawala ang kung ano mang mga tumatakbo sa isip ko.

Habang naghihintay kay Anna sa labas ng cubicle ay sinipat ko ang aking cellphone. I sighed, wala paring text si Charles Kevin. Nami-miss ko na talaga siya. Ang huling kita namin ay 'yong pinilit ko siyang ipasyal ulit kami ni Shine sa Amusement park.

Baka busy lang siya.

Pagbalik namin sa classroom ay sobrang gulo na nila. Nagkalat ang mga libro sa sahig at tumba ang iilan na silya.

"Sinong kumuha ng ire-report namin?! Ilabas niyo!" Sigaw ni Janine na nagpaigtad sa akin. Sobrang lakas ng boses niya kaya lumapit ako sakanya.

"J-Janine, ang lakas ng b-boses mo, baka pagalitan tayo ng teacher sa kabilang section,"

Agad niya akong sinamaan ng tingin. "Pinipigilan mo'ko?! Siguro ikaw 'yong kumuha ano?!"

Nagsalubong ang kilay ko. Kadarating ko lang tapos ako kaagad ang binibintangan niya? "Sandali lang naman Janine. Kung makapagbintang ka ay parang ako ang kumuha."

"Dahil ikaw naman talaga!" Dinuro niya ako kaya napaatras ako.

Lumapit siya sa mga bag ng kaklase ko at isa-isa 'yong hinalungkat. Hindi ba siya pwedeng makausap nalang? Hindi naman mawawala ang ire-report nila kung walang kumuha.

"Sinasabi ko na nga ba!" Napalingon ako kay Jasmine na hawak ang bag ko at inilabaas do'n ang dalawang manila paper.

"Ikaw ang kumuha, Cianelle!" Sigaw naman ni Janine.

Umugong ang bulungan dahil sa nakita nila sa bag ko. Nagsimula silang batuhin ako ng masasamang salita, panghuhusga, at pangbibintang.

Umawang ang labi ko. Teka, paanong napunta 'yan sa bag ko? Napalingon ako kay Anna na kasama ko kanina sa banyo. Umiwas lang siya ng tingin na para bang walang nangyayari sa paligid niya. Kasama ko siya kanina kaya dapat ay ipagtanggol niya ako!

"Kung makapagbintang ka, parang sigurado ka ah? Biktima ka rin lang dito,"

My eyes widened when I heard that voice. Lumapat ang tingin ko sa bukana ng pinto at tama nga ako. Naroon ang lalaking ilang araw ko ng nami-miss.

"C-Charles Kevin.." Umiling ako, "w-wala akong alam sa binibintang nila, h-hindi ako ang kumuha," Yumuko ako. "Hindi.."

Natatakot ako na baka, katulad nila ay pagbingatangan niya rin ako. Ewan ko, natatakot ako.

Ngumiti siya kaya napanatag ako.

Lumapit siya kay Jasmine na may hawak ng bag ko at kinuha iyon, pati na rin ang mga manila paper. "Isa ka pa," Rinig kong bulong niya kay Jasmine.

Nalipat ang tingin ko kay Janine na basta nalang sinigawan si Charles Kevin. "Why are you here, huh?! Ipagtatanggol mo ang walang kwenta mong girl—"

I gasped as I saw Karina slapped Janine hard. Napabaling sa kaliwa ang mukha niya at mabilis na napasapo dito.

Namilog ang bibig ko dahil sa lakas niyon, kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya. Anong ginagawa ni Karina dito? Bigla nalang siyang pumasok sa classroom. Bakit siya nandito?

"Ikaw ang walang kwenta! Ikaw 'yong leader tapos nagawa mong iwala ang ire-report niyo?! Bobo ka pala 'e!" Sigaw pa ni Karina.

Lumapit sa'kin si Charles Kevin at hinalikan ako sa gilid ng ulo. "Are you okay, love?"

Alam kong hindi magandang ngumiti sa sitwasyon ngayon pero kusang kumawala ang ngiti sa labi ko. Nahihiya akong tumango.

He chuckled, pero ng lumapat ang tingin niya kay Janine ay bigla nalang siyang sumeryoso.

Oh, how I miss his laugh.

"Hindi porke nasa bag niya ay siya na agad ang binibintangan mo? May isang tao lang naman ang pinapaikot kayo," He seriously said as he glanced at Anna. "at ikaw 'yon."

Anna's eyes widened, lumingon siya sa'kin. "Ha? A-Ano bang s-sinasabi mo? Kasama ko si Shan kanina, t-tapos pagbalik namin ay nagkakagulo na. 'Diba S-Shan?"

Tumango-tango ako at tumingala kay Charles Kevin. "O-Oo, totoo 'yon Charles Kevin,"

"Totoo." Sang-ayon niya pero agad ring tumingin kay Anna. "Pero hindi ibig sabihin na porke kasama mo si love, ay hindi na ikaw ang may gawa no'n.. Karina," Tawag niya kay Karina na agad namang lumapit sa amin.

Bahagya pa akong nahiya dahil sa pagtawag sa akin ni Charles Kevin na love.

Inirapan niya pa si Janine bago ibinigay sa akin ang kaniyang cellphone.

Kitang-kita dito kung paano kausapin ni Anna si Kyla, ang pinaka tahimik sa aming lahat. May ibinigay siyang manila paper dito na tantya ko ay ang ire-report nila Janine. Lumapit si Anna sa akin at pagkalabas namin ng silid ay tahimik na inilagay ni Kyla ang gamit. Walang nakapansin dahil lahat sila ay tutok sa kani-kanilang cellphone. Bago matapos ang video ay narinig ko pa ang boses ni Karina.

"Lagot kayo kay Charles,"

"Oo! Ako nga ang may gawa. Ano naman ngayon?" Tila ba biglang tumapang ang mukha ni Anna.

"Dadalhin ka na daw sa guidance office," Bored na sagot ni Charles Kevin.

Natawa si Karina, nahawa ako dahil ang kaninang Anna na matapang ay bigla nalang umiyak.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now