Kabanata 16

53 3 0
                                    

Kabanata 16: Car.

"Umuulan..." Usal ko.

"Takbo tayo, wala akong dalang payong 'e." Ani Charles Kevin.

Pumunta siya rito sa classroom namin kanina habang 'di pa umuulan. May klase pa kami no'n at hinintay niya talagang matapos para lang makasama ako.

Pero ngayon nga na umuulan ay wala kaming magagawa kun'di ang umuwi.

"Tabi." Napaatras ako nang sinagi ni Janine ang balikat ko para lang makadaan siya. Nasa gilid naman kami pero sinadya niya talagang lumapit sa'min, pero ako lang yung sinagi niya.

"Excuse me!" Tawag pansin ni Charles Kevin kay Janine. Tumigil ito sa paglalakad at lumingon kay Charles Kevin.

Ngumiti si Janine. "Yes, Charles?"

"Ang lawak ng daan. Papansin ka ba?" Walang mababakas na reaksyon sa mukha ni Charles Kevin habang sinasabi 'yon.

Napasighap naman si Janine habang nakahawak sa bibig. "Excuse me?!"

Tumaas ang kilay ni Charles Kevin. "Dadaan ka?"

Janine glared at him. Pati ako ay nadamay. Padabog siyang umalis sa harap namin kasama ang mga kaibigan niya na pinipigilan lang ang tumawa.

"Tss."

Napatingin ako kay Charles Kevin. "G-Galit ka ba?"

"Oo, Cianelle. Bakit hindi mo sinasabi sa'kin na ginaganyan ka nila?"

Nauna siyang naglakad pababa ng hagdan. Marami nang estudyante roon na naghihintay ng mga sundo nila. Mukhang hindi pa yata ako makakauwi dahil wala naman akong dalang payong.

"H-Hindi naman palagi..." Naiusal ko. Totoo naman, hindi naman nila ako palaging ginaganyan dahil takot narin nila sa mga teacher.

"Kahit na."

Hinubad niya ang kanyang coat at ipinatong 'yon sa ulo ko. Katabi ko siya kaya sakop rin siya.

"Kapag sinabi kong tatlo, tatakbo tayo ha?"

Tumango-tango ako sa sinabi niya. Pero saan kami pupunta?

"Isa... tatlo agad. Takbo!"

Natataranta naman akong sumunod sakanya. Umuulan lang pero hindi naman 'yon gaanong malakas. Huminto kami sa may parking lot. Lumapit kami sa isang kotse at pinasakay niya ako ro'n. Umikot naman siya para pumasok sa driver's seat. Inayos ko ang buhok kong medyo nabasa.

"K-Kanino 'to?" Tanong ko, referring to the car.

"Sa'kin." He started the engine.

May kotse pala siya? Edi ibig sabihin...

Napakurap-kurap ako. Mayaman siya? Mayaman sila ng pamilya niya. Pero bakit ngayon ko lang naman nalaman? Paano niya natitiis na kasama ako? Na maging kasama ang mahirap at walang patutunguhan na babae?

Ang daming pumapasok sa isip ko pero ayaw kong tanungin siya. Baka kapag nalaman niyang mahirap lang kami ay pababain niya ako sa kotse niya.

I looked down, iniiwasan kong magtanong.

"Hindi mo naman a-ako kailangan ihatid." Ayoko talagang malaman niya kung saan ako nakatira. Baka kapag nalaman niya ay iwasan na niya ako. Ayoko... Si Charles Kevin nalang ang nagparamanmdam sa'kin ng ganito. At aminin ko man o hindi ay ayaw ko na siyang mawala pa sa buhay ko.

"Ihahatid kita, masigurong ligtas ka lang."

I slowly looked at him. Saglit niya akong sinulyapan bago tumingin ulit ng diretso sa daan. Madulas ang daan kaya mahina lang din ang pagpapa-andar niya ng kotse.

"D-Dito na lang." Saad ko. Wala pa sa bahay namin. Tumitila narin naman ang ulan 'e.

"Dito na ba ang bahay niyo?" Tanong niya. Bahagyang sinisipat ang bahay na hinintuan namin.

Umiling ako. "Hindi. M-Malapit naman na yun dito."

Lumingon siya sa'kin. "Bakit hindi na lang i-diretso?"

Mabilis akong napailing. "H-Hindi... ano, malapit lang talaga. At saka w-wala ng ulan."

"You sure?"

"O-Oo."

"Alright." Inalis niya ang seatbelt at lumabas ng kotse.

Bubuksan ko na rin sana ang pinto sa tabi ko pero naunahan na ako ni Charles Kevin.

"Let me." Aniya at hinawakan pa ako sa kamay para lang makalabas ng maayos.

Ang sarap sa pakiramdam nang ganito. Yung pakiramdam mo, importante ka at may nagmamahal sayo.

"Take care, Miss."

"Mag-iingat ka rin Charles Kevin." I smiled at him. Lumabas ang dimple niya dahil sa pag-ngiti.

"Para sayo, Miss." Kumindat siya bago pumasok muli ng kotse. Pagkatapos ay binuksan niya ang bintana ng nasa inuupuan ko kanina.

"Gotta go, mag-iingat ka ha. Magkikita pa tayo bukas." Aniya.

Muli ay ngumiti ako bago tumango. Nakangiti naman siyang isinara ang bintana bago bumusina at paandarin palayo ang kotse.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now