Kabanata 20

71 3 1
                                    

Kabanata 20: Yes.

"I have the honor to represent to you the graduates of Science, Technology, Engineering and Mathematics."

Iyong bata kanina ay pinaalis ko kahit na nagugulat parin ako sakanya dahil narito na naman siya, kasama ng Kuya n'yang photographer.

Nakapila na sila Charles Kevin at ngayon ay katapat siya ng inuupuan ko. Siya talaga ang nahuhuli sa lahat, pero nangunguna sa puso ko.

Napataas ang kilay ko sa naisip. Ano ba Cianelle? Saan mo ba iyan napupulot na mga pinagsasabi mo? Kilabutan ka nga. Ang korni kaya.

"Ang ganda mo, Miss." Nakangiti na naman si Charles Kevin.

"Alcera, Cristian M. With honors."

Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "T-Thank you, Charles Kevin. Good luck."

He smiled, lumitaw na naman ang dimple niya sa kaliwang pisngi.

Tumango siya bago ako hawakan sa pisngi at hinimas ito. "I love you..."

Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. "C-Charles Kevin..." Iyon lang ang naiusal ko. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko, animo'y may nagkakarerang kabayo rito. Hindi pa ako nakakabawi ay umalis na siya sa harap ko dahil umusad ang pila, ilang segundo na lang at siya na ang susunod na tatawagin.

Three words, I love you... Tatlong salita ang nagpagaan ng damdamin ko. Ang nagpangiti sa puso ko. Ngayon ay nasabi na niya ang salitang inaasahan kong lalabas sa bibig niya pero namangha parin ako nang marinig mismo sa sarili niyang labi. Kaya hindi ako nagsisi sa naging desisyon ko, ang sagutin siya ngayong araw ng graduation niya...

"Santiago, Charles Kevin N. With highest honor."

Nakisabay ako sa palakpak habang naluluha pang nakatingin sakanya. Proud na proud ako sayo Charles Kevin...

Naiiyak ako sa saya, sa saya na nasaksihan ko sa graduation niya. Sana ay ganito rin ang mangyari sa susunod na taon na graduation ko rin.

Padamba s'yang yumakap sa'kin matapos ang event. Gumanti ako ng yakap habang nakangiti. Kumalas siya at tumingin sa mga mata ko. Ngumiti siya, ngiting kay gandang pagmasdan.

"I made it! God, thank you so much." Tumingala siya at muling tumingin sa'kin. "I made it, Miss. I made it!" Tuwang-tuwa siya. Paano pa kaya kung sabihin ko na sakanya ang gusto kong sabihin? Baka magwala na siya sa sobrang saya.

"Sinasagot na kita, Charles Kevin."

Napawi ang ngiti niya at napatulala sa mukha ko. Mabilis na umawang ang labi niya habang nanlalaki ang mga mata, hindi makapaniwala.

Akala ko ay magagalit siya kasi sinira ko ang tuwa niya pero nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang nagtata-talon at parang tangang nakangiti.

Malawak ang ngiti ko habang pinagmamasdan siya, pero agad din iyong napawi nang tumigil siya sa pagtalon at napasapo sa kanyang mukha. Umuuga na ang balikat niya, humihikbi.

"Damn... I'm so happy right now. So damn happy," He cried. Lumapit siya sa'kin at yinakap ako, yinakap niya ako ng mahigpit. "Thank you... Thank you love."

Umalon ang dibdib ko nang marinig ang huling salita. Love...

"I love you," Basa ang balikat ko dahil sa luha niya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Takot na baka malaman ni Mama ang ginagawa kong 'to. Saya dahil ang sarap pala sa pakiramdam na may boyfriend ka na, may karapatan ka na sakanya at may nagmamahal na sa'yo ng buong-buo. Kaba dahil alam kong simula pa lamang 'to, marami pa kaming pagdadaanan at ano man ang mangyari ay hinding-hindi kami susuko. Dahil ngayon, ay mahal na mahal na namin ang isa't isa.

"Shara-pen! Picture-an mo nga kami ng girlfriend ko," Mayabang na tawag ni Charles Kevin kay Shara na busy sa pagtatanggal ng sandals n'yang may takong. Si Karl ay narito kanina pero umalis rin kaagad dahil may celebration daw sa kanilang bahay, inaya pa nga niya kami ni Charles Kevin.

"Ang yabang ah? Parang 'di kita nakita kanina umiiyak ah?" Pang-aasar ni Shara sa kaibigan.

"Shut up, Shara. Pag inggit pikit."

"Inggit? Do you have seen my man? Bakit ako maiinggit kung gayong mas gwapo naman siya sa'yo."

"Correction. Magkamukha po kami, kaya manahimik ka na at kunan mo kami ng litrato." Ani Charles Kevin na nagpasimangot ng mukha ni Shara.

Inis na hinablot ni Shara ang camera at itinutok iyon sa'min. "Isa... dalawa, tatlo, apat—"

"Shara!"

Napatawa kami ni Shara nang sumigaw si Charles Kevin, naaasar dahil sa kakulitan ni Shara. Napailing na lang ako sa magkaibigan, sigurado akong matatag sila at kahit na ano mang gawing paninira ay hindi 'yon paniniwalaan dahil kailanman ay hindi nagkaroon ng malisya ang pagkakaibigan nila. Nasisiguro kong magiging gano'n rin kami ni Charles Kevin. Matatag, at kahit na anong paninira ang gawin ay walang magwawagi kahit sino pa ang magtangka.

Sa anim na buwan ng panliligaw niya ay ngayon sinagot ko siya. I will always remember this day. March 28, in his graduation I gave him my sweetest yes.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now