Kabanata 15

54 3 0
                                    

Kabanata 15: Palagi.

Matapos ang pictorial kanina ay dumiretso kami ni Charles Kevin sa lomihan. This time ay nagbayad kami. Nakakahiya narin kasi kung palagi kami naro'n at kumakain ng hindi nagbabayad.

"Miss."

Nang lingunin ko si Charles Kevin ay nakanguso na siyang nakatingin sa'kin.

"B-Bakit?"

Yumuko siya. "Nagtatampo na ako ha. Kanina mo pa iniisip yung pangit na 'yon."

"Ha?" Naiusal ko. Hindi ko alam na gano'n pala ang iniisip niya habang ako ay tahimik na kumakain. Hindi ko naman iniisip yung photographer ah? Baliw talaga 'to si Charles Kevin.

"Hatdog," Napasighal siya. "Mas gwapo naman ako do'n." Tumingin siya sa gilid niya at may ibinulong.

"O-Oo nga.. pero hindi naman 'yon ang iniisip ko 'e."

"Ano?"

"Anong, ano? Sino!"

Ngumuso siya, "Sino?"

"Ikaw." Sa pagkasabi kong 'yon ay kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya. Nakagat niya ang ibabang labi bago nag-iwas ng tingin.

He smiled at me. "Pinapakilig mo na ako, Miss ah. Sino ba talaga ang nanliligaw dito?"

"Ikaw? Bakit?"

"Ako naman pala 'e, dapat ikaw yung panapakilig, hindi ako."

"Kasalanan ko bang napangiti kita?"

"Nevermind. Anyway, ang ganda mo,"

Naitikom ko ang bibig ko para pigilan ang pag-ngiti. Ano bang pinagsasabi niya? Nahihiya na tuloy akong tumingin sakanya.

"Palagi..."

Kinabukasan ay nakasalubong ko si Ate sa sala. Nakasuot na ako ng uniform at papunta na sa school. Hindi ko na naisama si Shine dahil marami pa kaming gagawing project. Ihahatid na lang siguro siya ni Mama.

"Cianelle." Napatigil ako sa paglalakad nang tawagin niya ako. Pumihit ako paharap sakanya kahit na medyo kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Dahil ba ngayon ay nasa harap ko na si Ate at kinakausap ako? Paano kung masabi ko sakanya ang nangyari nung... Nung narito sila ng mga classmate niya.

I shook my head. "B-Bakit po?"

"Iniiwasan mo ba ako? Ilang buwan na pero ganyan ka parin? May galit ka ba sa'kin? Ha Cianelle?!" Dinuro niya ako. "Wala kang karapatan magalit!"

I bit my lower lip. "H-Hindi naman po ako galit---"

"Eh bakit iniiwasan mo'ko ha?! Ni hindi ka nga makatingin sa'kin! May ginawa ka bang hindi ko alam, Cianelle?!"

Ang classmate mo po Ate ang may ginawa na 'di mo alam.

Napaatras ako nang lumapit siya sa'kin. Gustuhin ko mang umalis na ay hindi pwede dahil baka mas kwestyunin niya kung bakit nga ba ako umiiwas.

"Aray, Ate. Masakit po," usal ko nang hawakan niya ang braso ko. Sa sobrang higpit no'n ay alam kong mag-iiwan ng marka 'yon.

"Masakit talaga, Cianelle kapag hindi mo sinabi ang totoo! May ginawa ka bang hindi ko alam?" Tanong niya. Nang-gigigil itong nakatingin sa'kin.

"W-Wala po—aray!" Napasunod ako sakanya dahil hawak niya ng mahigpit ang buhok ko.

"Nasa'n na ang alak dito?" Tanong niya. Masama parin ang tingin sa'kin.

"T-Tinapon na p-po ni M-Mama." Sa nanginginig na labi ay sumagot ako. Hindi ako umiyak kahit na sobrang sakit na ng pagkakahawak niya. Na para bang mahihiwalay na ang buhok ko sa aking ulo.

"Lintek!" Binitawan niya ang buhok ko kaya napaatras ako bago patakbong lumabas ng bahay. Doon... doon ay tumulo ang luha ko.

Sa mga nagdaang buwan ay palagi ko parin naitatanong sa sarili na kung bakit ganito ang nangyayari sa'kin, na palaging nangyayari sa'kin. Walang araw na hindi ako sinigawan ni Mama. Kada sigaw niya sa'kin ay sumasakit ang puso ko na parang pinagpipiraso ito.

Kahit nga hindi ako magsalita ay sisigawan at sisigawan niya parin ako. Walang paawat. Hindi nalang ako umiimik at tinatanggap ang mga masasamang salita na binabato nila sa'kin. Dumagdag pa ang mga classmate ko na ayaw ng tumabi sa'kin dahil nga sa nangyari sa nakalipas na buwan. Iyong sinasabunutan ko ang aking sarili habang umiiyak.

Iniisip nilang baliw ako...

Pinatahan ko ang aking sarili dahil baka makita ako ni Charles Kevin na ganito ang itsura. Baka mag-alala pa iyon at paulanan ako ng maraming tanong.

Kahit na anong tatago ko sa braso ko na ngayon nga ay may pasa ay hindi ko magawa. Ang kailangan ko nalang ay humawak rito magdamag para lang walang makakita.

Masakit sa dibdib na ginaganon ka ng pamilya mo. Na sila pa mismo ang nag da-down sayo. Na sila pa mismo ang hindi sumusupurta sayo.

Kailanman ay hindi ako susuko. Ano mang mangyari ay hinding-hindi susuko si Bria Cianelle.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now