Kabanata 54: Wedding
"Okay na ba suot ko?"
"Isa pang satsat mo, Cianelle!"
Naitikom ko ang aking bibig. "Kasi-"
"Sino ba ang bride? Siya o ikaw? Bakit sobra kang nag-aayos?" Asik ni Karina. Nilapitan niya pa ako upang lakihan ng mata.
"Ate Karina, she should be! Ganda-ganda nga ng Ate ko ngayon e," si Shine. Nakaupo siya sa kama ko at tinitignan ang mga damit na nasa aparador. Ang mga damit ko noon na itinago sa akin.
Nasa kwarto ko kasi kami, nagpatulong ako kay Karina ng susuotin ko ngayon sa kasal ni Khilan. Syempre, gusto ko naman maging maayos ako. I mean, maayos naman ako, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ba ako sobrang nag aayos.
"Mana 'yan sa'kin e," Saad ni Karina. Inirapan pa ako, "Lumarga ka na, epal na Zhilan 'yon hindi ako inimbita."
Natawa ako, "Kakaunti lang kasi ang tanging gusto ng babae na makasaksi sa kasal nila ni Zhilan,"
"Oo nga pala, hindi ko man lang siya nakita o nakilala."
"Hindi naman kasi sa'tin ipinakilala ni Zhilan."
"Tama ka d'yan! Iyang lalaking 'yan talaga napaka sikreto!" Ang boses niya ay parang isa sa chismosa baranggay.
-
"You may now kiss the bride."
I smiled. Finally, they are married. Nakisabay ako sa mga nagpalakpak na imbitado sa kasal nang halikan ni Zhilan si Jheyda. Ang bride.
Sa reception ay nakisama nalang ako sa isang table kung saan naroon si Khilan.
"Sa tingin mo ba gusto ni Kuya si Jheyda?" Tanong niya kaagad nang makaupo ako.
"Ha?" Nangunot ang noo ko. "Anong klaseng tanong 'yan?"
"Si Jheyda-"
"Ate. Mag-Ate ka nga Khilan, asawa na siya ng Kuya mo oh."
Napabuntong-hininga lang siya.
"Alam mo, kung may tampo ka sa Kuya mo dahil hindi niya nasabi sa'yo na may girlfriend na siya dati pa. Huwag mo na ituloy kasi wala naman ng magagawa 'yang tampo mo. Kasal na sila."
"Opo, Ate."
Matapos ang speech from their relatives, there will be cake cutting, toasts, a tea ceremony, and now, they're dancing.
"From this moment, life has begun
From this moment, you are the one
Right beside you is where I belong
From this moment on...""Charles?" Nangunot ang noo ko nang masilayan si Charles Kevin sa kabilang table. Salubong ang kilay habang nakatingin sa newlyweds.
Ano na naman ang problema ng Santiago'ng 'to? At saka, invited ba siya?
"I give my hand to you with all my heart
I can't wait to live my life with you, I can't wait to start
You and I will never be apart
My dreams came true because of you...""Congratulations, Zhi!" Masayang saad ko at nakipagkamay sa kaniya. Ang akala ko ay makikipagkamay na rin siya pero hindi, kasi ang kasunod niyon ay ang pagyakap niya sa akin.
Natulala ako at hindi nakagalaw. Nakatingin sa'min si Jheyda. Ang ipinagtataka ko ay nakangiti siya. Oo at hindi masama ang ngumiti kasi alam naman na siguro na kaibigan lang naman kami ni Zhi at isa pa, kasal na sila. But there is something different about her smile.
Kumalas ako sa yakap at tinapik ang balikat niya habang nakatingin pa rin kay Jheyda.
"Thanks, Cian." Saad niya kaya napatingin na ako sa kaniya. Tumango ako at nagpaalam na sa kaniya na kahit halatang gusto niya pa akong makausap.
"Sandali!" Napatigil ako. Paglingon ko ay isang sintu-sinto ang nakita ko.
"Pati ba naman rito ay sinusundan mo'ko?"
Napataas naman ang kilay niya. "Excuse me? Alam kong maganda ka pero 'wag mong araw-arawin ang pagiging assumera."
Napaawang ang labi ko dahil sa naging sagot niya. "Hoy! Ang kap-"
"Pre!"
Ngumisi si Charles. Kumaway siya sa kung sino man ang nasa likuran ko. Mahina niya pang nasagi ang balikat ko.
"Pre! Invited ka rin pala?"
"Hindi, isinama lang ako ni Mama."
Masama ang mukha na napalingon ako sa aking likuran. Mas lalo lang akong nainis nang makita ang labi niyang nakangisi.
Napapadyak ako sa inis pero agad ring nagsisi nang muntik na akong matumba dahil naputol ang takong nito! Sinubukan kong ipantay pero mas lalo lang akong nawala sa balanse.
Napasigaw ako pero agad na napatigil nang may braso ang pumulupot sa bewang ko. I looked up and saw the worried face of Charles.
"A-Ayos ka lang?" He asked.
Is he concern?
Ano pa sa tingin mo, Cianelle?
Maayos niya akong naitayo. Napayuko ako nang may mga ilan-ilang bisita ang napapatingin sa amin.
Tumango ako at tinanggal ang kamay niyang hindi ko namalayan na nakahawak na pala sa braso ko. "I-I'm okay."
"Cianelle?" Napaangat ako nang tingin nang may hindi pamilyar na boses ang tumawag sa akin.
Kilala niya ako?
Ito ang lalaking kausap ni Charles kanina.
"A-Ang ganda m-" Tinakpan ni Charles ang bibig ng kaibigan.
"Umuwi ka na, wala ng pagkain rito. Ako lang dapat ang nagsasabi niyan sa kaniya." May ibinulong pa siya.
"Hindi naman pagkain hanap ko rito," Saad pa ng lalaki.
"Chix na naman. Lumayas ka nga sa harap ko, allergic ako sa mga babaero." Asik ni Charles.
Napangisi naman ang lalaki. "Nagbago ka na nga talaga. Maganda 'yan." Lumingon siya sa'kin. "..pati ikaw."
"Aba! Humihirit pa! Tadyakan kaya kita?!"
Naitikom ko ang aking bibig at umalis na doon. Pinapahiya nila ako. Ang lakas pa ng boses ni Charles!
"Hoy!"
Napatigil ako sa paglalakad at napakamot sa leeg. Ano na naman ba ang gusto nito.
"Linayasan mo lang ang pinaka gwapo sa lugar na 'yon!"
"Ano bang problema mo?"
"Math, hirap i-solve e,"
"Anong connect ng math rito? Nag-aaral ka pa ba?"
"Oo, nag-aaral ako kung pano mo ako mamahalin ulit."
Napangiwi ako at tumalikod pero ngumiti rin kalaunan.
Siraulo.
"Sino may sabing mamahalin kita ulit?" Tanong ko. Humarap ako sa kaniya para makita ang reaksyon niya.
"Puso ko." Napahawak siya sa bandang dibdib. "Nararamdaman ko na mamahalin mo'ko ulit." Naging seryoso ang mukha niya kaya napatitig ako sa kaniya.
Ang mukha niyang nanakit sa akin. Ang mukhang walang pigil na tumango at sinabing pinagpustahan lang ako.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Huminga ako ng malalim para pigilan ang emosyon at seryosong tumitig sa kaniya.
"Wala ka nang matatanggap na pagmamahal mula sa'kin, Charles. Tigilan mo na ako."
YOU ARE READING
The Unwanted [Under Editing]
Lãng mạnCianelle Trillanes, ang babaeng may pangarap na gustong maabot. Sino nga naman ba ang walang pangarap? At ang tanong, mayroon nga bang taong susuporta sa iyo sa pag-abot ng pangarap mo? Paano kung ang mismong Nanay mo ang mag-down sa'yo? Ang hindi m...