Lumipas ang mga araw, linggo at buwan naging maayos naman ang relasyon nila Sara at Bong..
Tuloy pa rin si Sara sa kanyang trabaho, samantalang si Bong naman ay wala pa ring alam tungkol sa totoong katauhan ni Sara..
Actually nahihirapan na rin si Sara magtago, dahil minsan nakakahalata na si Bong...
Pero tuloy pa rin sya, mas malalaking tao kasi ngayon ang babanggain niya..
Kaya para sa kaligtasan ni Bong hanggat kaya itago ni Sara, gumagawa sya ng paraan para di malaman ni Bong ang totoo...
Habang nag mamaneho si bong nakakita naman si Sara ng playground, pinahinto niya ang saksakyan at bumaba..
Kahit nagtataka si bong kung bakit, di na sya mag tanong at sinundan nalang ang nobya..
Umupo naman si sara sa swing, while she's swinging she remember someone in the past so she whispered..
"sungit asan kana kaya ngayon? Naalala mo pa kaya ako? May boyfriend nako ngayon, gusto ko sana ikaw yun ehh kaso di ka na nagpakita sakin sungit ko.."
Nakatulala lang si sara sa kawalan habang nakaupo sa swing..
Nagtaka naman si bong sa kinilos nito kaya napatanong sya..
" ang lalim naman ng iniisip mo mahal.. Ano ba yun? "
" ahm wala mahal may naalala lang ako, yung dating kalaro.." sagot ni sara
"talaga ba? Sino ba yun?
" hindi ko alam ang totoo niyang pangalan mahal ehh.. "
" nge! Paano mo sya makikilala kung di mo alam pangalan niya.. " tawang sambit ni bong
Tiningnan lang sya ni sara habang nka cross arms..
Napangiti nalang sa bong sa reaksyon ni Sara at nag swing nalang din sya..
*****
*flashback 15 years ago*
"mom can I play in the play ground?" the little boy said
"cge basta wag kang lalayo bong ha?" the mom
"yes po.. Bye!"
Nag tungo na nga sa playground si bong..
Pag dating niya may isang batang babae na umagaw ng atensyon niya, maputi ito, mestiza, masayahin at madaldal..
Naglalaro lang si bong ng lumapit sa kanya ang batang babae na kanina pa niya tinitingnan..
" Hi.. What's your name?" tanong ng batang babae
Pero sa halip na sumagot ay inirapan lang ni bong ang bata at nagpatuloy sa paglalaro..
"hmmp pepe ka ba? Ba't ayaw mong mag salita?" sambit nito
Di pa rin nag salita si bong, ang totoo kasi kinakabahan sya ng lumapit ng ang batang babae...
Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya, bumibilis ang tibok ng kanyang puso na para bang sasabog ito..
Dagdag pa rin ang matamis na ngiti ng batang babae, kaya mas lalong hindi nakapag salita si bong...
"ayaw mo talagang mag salita! Cge sungit nalang ang ipapangalan ko sayo" aniya

YOU ARE READING
I'm Yours (Book 1)
FanfikceNote: fictional lang po ang mga character sa istoryang ito, wag masyadong seryusohin.. Hahaha ✌️👊❤️💚 Sana magustuhan nyo.. 😊