*********
Nang maka alis na si bong sa bahay nila ay paulit-ulit niyang tinatawagan si sara, ngunit naka patay pa rin ang telepono nito..
Sa sobrang balisa ni bong di nya namalayang naka pambahay lang syang damit ng lumabas sa kanila, naka shorts, tshirt na lose at tsinelas lang..
Pagdating na pagdating niya sa bahay nila sara agad syang bumababa ng sasakyan at nag doorbell ng paulit-ulit, hindi tinigilan ni bong ang pag doorbell hanggat walang lumalabas na tao sa bahay nila sara...
Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas ang kasambahay nila sara at pinag buksan si bong ng gate..
"good evening sir.. Ano pong kylangan niyo?" tanong nito
"ahm manang naka uwi na ba si sara?" nag aalalang tanong ni bong
" ahm S-sir wala pa po.. Bakit po?
" hindi nya kasi sinasagot ang tawag ko nag aalala na ako sa kanya, isang linggo na syang di tumatawag..
"uh sir ano kasi, ahm ang alam ko nasa palawan si ma'am sara.." utal na tugon nito
"sige po.. Pag dumating sya paki sabi tawagan niya ako ha? Salamat manang.." bilin ni bong at umalis na
Hindi na hinintay ni bong na maka sagot pa ang kasambahay..
Nag maneho ulit sya papunta sa condo ni sara, kung saan doon sila natutulog at tumatambay meron naman syang spare key kaya nakaka-pasok siya...
Pagdating ni bong sa condo wala syang naabutan ni anino ni sara, nilibot niya ang bawat sulok ng condo pero wala talaga..
Bumalik sa sasakyan si bong nag iisip kung saan niya hahanapin ang nobya, naiisip niya mag book na ng ticket pa puntang palawan ng biglang...
Manang calling...
[hello bonget nasaan ka?] " bungad nito
[ahh manang may inaasikaso ako ngayon.. Ano bang kylangan mo?]" inis na sambit ni bong
[sunduin mo kami ngayon dito sa airport kakababa lang namin ng eroplano]
[ano? Bakit di ka nagsabi agad? Bakit biglaan naman ata ang pag uwi niyo]" sunod-sunod na tanong ni bong na may halong inis
[sorry na kung biglaan.. Basta pumunta kana dito, mag hihintay kami ni irene.. Bilisan mo bonget..]" saad nito at binababa ang tawag
Hindi na alam ni bong kung anong gagawin niya, balisa na sya nag hahanap ky sara tapos dumating pa ang mga kapatid niya...
Huminto muna si bong sa gilid ng kalsada at nag isip..
Tinawagan niya ulit si sara, ngunit ganon pa rin nakapatay pa rin ang telepono nito...
"PUTANGINA NAMAN SARA MAHAL ASA KANA BA? ANO NA NANGYARI SAYO.. UGGGHHHH!! NAG AALALA NAKO, TUMAWAG KA NAMAN PLEASE.." sigaw ni bong sa sasakyan habang umiiyak
Hinahampas ni bong ang manubela ng saksayan para ilabas ang galit niya, napayuko nalang sya sa sobrang inis at lungkot..
After few minutes bong heads up and he try to calm him self, for him to be able to think good and find a solution to his problem...

YOU ARE READING
I'm Yours (Book 1)
Hayran KurguNote: fictional lang po ang mga character sa istoryang ito, wag masyadong seryusohin.. Hahaha ✌️👊❤️💚 Sana magustuhan nyo.. 😊