Part 46

463 27 13
                                        

****

@ Mindanao

"Ma'am kaya ba natin sila medyo madami sila.." kinakabahang tanong ng isang sundalo

"kaya natin yan.. Wag kayong mag aalala tumawag na ako ng back up, at kung mamatay kayo kasama ako.. Lalaban tayo hanggang dulo.." pagsisigurado ni Sara

Kasalukuyan silang nasa bukid at nakiki pag laban sa mga bandido, wala dapat si Sara doon pero pinili nya samahan ang mga tauhan nya..

" walang susuko hanggang sa huling bala"  pabulong na sambit ni Sara

Nag radyo na sya ng back up nila at siniguro naman na dadating dw..

Nung dumating si Sara sa Mindanao nakita nya kung gaano ka wasak ang mga lugar na nilusob ng mga rebelding grupo, sobrang nanlumo sya sa nangyari dahil ultimo mga bata nadamay sa gulo..

Mga batang dapat sana ay nag-aaral, naglalaro at masayang nkikipag kwentuhan sa iba, pero kabaliktaran ang nangyari ang dating masayang lugar naging ghost town..

Halos lahat ng bahay, hospital, mga tindahan at mall ay winasak ng giyera, ang dating masayang lugar ay nabalot na ngayon ng takot at katahimikan..

Tanging putok ng baril at bomba lang ang maririnig sa lugar, ang dating musika sa kalsada ay napalitan ng hagulgol ng mga kamag anak na namatayan ng minamahal..

Lumipas ang mga araw nakikipag bakbakan pa rin sila Sara sa mga rebelde, alam ni Sara ang lugar dahil minsan na syang napadpad dito..

Nag panggap si Sara noon na kunwari ay naligaw sa lugar at kalaunan ay sumanib sya dito, dahil sa magaling naman mag panggap si Sara at mautak  hindi sya nahuli..

Kaya nalaman nila noon ang lugar ng mga rebelde dahil ky Sara, at ngayon bumalik na naman sya hindi para mag panggap ulit kundi tapusin ang mga sumira sa bayan..

Habang nasa gyera ay isa lang inisip ni Sara ang maka uwi sila ng buhay lahat, kung may sugatan man dapat ay walang mamatay..

Mag dadalawang linggo na sila Sara sa bukid at nagmamasid sa paligid, hindi na abot ng signal ng radyo ang lugar kaya wala na silang balita sa kabihasnan..

Hinati ni Sara ang mga tauhan nya sa magkaibang grupo para sa gayon ay hindi sila basta-bastang mahuhuli..

Alas dos ng madaling araw gising pa rin si Sara isa sya sa mga nakatuka ng oras na iyon, ng biglang may napansin sya sa di kalayuan..

Dahan-dahan nya ginising ang mga kasama para maging alerto, alam ni Sara kung paano gumalaw ang mga kalaban dahil nakasama nya na ito minsan..

Habang nag tatago sila sa damuhan at ang iba naman ay nasa puno, lumapit ang grupo ng mga rebelde na parang may hinahanap..

At dahil madilim na hindi na gaanong kita sila Sara, sniper ang post ni Sara ngayon kylangan nyang maging maiingat dahil isang maling galaw nya palpak ang misyon nila..

Nang matansya na ni Sara ang kalaban isa-isa nya itong binaril, habang ang mga kasama nya ay steady lamang dahil hindi pa nag bibigay ng senyas si Sara..

Ng masipat ni Sara na kunti na lang kalaban saka sya nag bigay ng utos sa grupo nila at nag umpisa na nga ang palitan ng putokan..

Ng marinig sa kabilang lugar ang putukan agad na naging alerto ang ibang kasama ni Sara..

Magdamag ang palitan ng putok ng dalawang grupo hanggang nag umaga, habang ino ubos nila Sara ang kalabang ay umaabante naman sila patungo sa kampo nito..

Halos wala ng buhay ang kasapi ng mga rebelde, pagdating nila sa kampo pinalibutan nila ito at nag masid ulit..

Una lumabas ng kampo ang mga bata at mga babae na may dalang puting bandila, suminyas naman ang isa sa mga sundalo para papuntahin sa gawi nila ang mga bata at mga babae..

I'm Yours (Book 1)Where stories live. Discover now