Part 4

644 24 8
                                        

Sara's pov

Kinagabihan pagkatapos kung kumain ay nagpag pasyahan ko na pumunta sa isang bar sa BGC, para maka pag relax at mag masid-masid na rin..

Nakarating kasi sa akin na marami dw kabataan ngayon ang pumupunta sa bar hindi dahil para mag saya, kundi dahil talamak ang bentahan ng illegal na druga doon..

Ang mga kabataan ang target nila ngayon dahil madaling maluko, marupok at mapusok..

Kaya naman nag bihis na agad ako, naka tshirt lang, leather jacket, jeans, rubber shoes at sumbrero para hindi ako masyadong ma-mukhaan..

Nag motor lang ako para mabilis at di ma traffic... Pagka lipas lang ng ilang minuto ay nakarating na rin ako sa bar, maraming tao kahit merkules pa naman..

Umupo ako sa counter top ng bar at nag order ng tequilla sa waiter..

Habang umiinom ay nag mamasid-masid ako sa paligid, iniikot ko ang aking mga mata..

Malakas din naman akong uminom kaya hindi ako mabilis malasing, naka apat na shots na ako ng biglang may nahagip ang aking mga mata sa di kalayuan..

Si Robin at ang kanyang grupo, at may mga babae pa.. " bulong ko sa aking sarili

Mayamaya pa ay may lumapit sa grupo nila isang binatilyo, mga nasa 18-22 yrs old kung di ako nagkakamali.. May dala itong pouch, at binigay sa kasama ni robin..

Di ko alam ang pangalan niya pero nakita ko na rin sya sa unibersidad laging kasama ni Robin, maliit may eyeglass at may hitsura din naman..

Habang pasimple akong umiinom at sulyap sa grupo nila, may lumapit na isang lalaki at may inabot na pera sa kasama ni robin..

Hindi yung maliit na lalaki, yung isa nyang kasama na maputi, medyo gwapo rin at matangkad..

Pagka bigay ng pera ay may kinuha naman sa pouch yung maliit na lalaki at binigay ang maliit na supot sa lalaking lumapit sa kanila..

Agad din naman binulsa ng lalaki ang supot, maya-maya pa ay umalis na rin ito..

Sinundan ko ang lalaki kung saan ito patungo, dapat ay maging ma-ingat ako para hindi ako mahalata..

Nakita ko  ang lalaki na pumasok sa isang VIP room kaya agad- agad akong nag tungo doon..

Medyo naka bukas ng kunti ang kanilang pinto tama lang para masilip ko kung ano ang ginawa nila sa loob..

Saktong pagka dungaw ko ay nakita ko ang sachet ng druga na kung tawagin ay ecstasy..

Pa simple ko silang kinuhaan ng picture gamit ang aking cellphone, mabuti nalang at hindi nag flash dahil kung nagka ganon ay siguradong huli ako..

Pagkatapos ay sinend ko sa aking kasamahan at pati na rin ang address ng bar..

Dali-dali akong lumabas ng bar at nag tungo kung saan naka park ang aking motor..

Ng biglang napalingon ako dahil may kumalabit sa likod ko, sa sobrang gulat ko ay muntik ko na syang masapak..

"Oi easy.." aniya habang naka takip sa mukha ang dalawang kamay

"ayy..." sambit ko ng akmang susuntukin ko sana sya..

"Ginoo ko si Sandro man diay ni oi.. Sus! Ma sumbag unta nako (Diyos ko si Sandro pala.. Ma-susuntok ko na sana) bulong ko sa sarili ko..

" nakakatakot ka namang magulat, mananapak ka na agad.. Hahahaha

"ba't ka ba kasi ng gugulat Sandro?  Buti na lang at nakapag pigil pa ako kung hindi.. Robin Padilla 2.0 ka sa'kin..

I'm Yours (Book 1)Where stories live. Discover now