Bong's pov
It's almost our 4 years anniversary ni Sara, in this past few months meron naman nagbago sa kanya.. Nakikipag usap na sya sa mga kapatid ko at Mommy ko pero ako..
Hindi nya pa rin kinakausap, tanging tango at iling lang ang ginagawa nya kapag kinakausap ko sya..
Nahihirapan na din ako minsan gusto ko ng sumuko nakakapagod na din, pero mahal ko si Sara kylangan kong mag tiis para sa kanya..
Alam ko sa puso ko babalik ang dating Sara na nakilala ko, yung babaeng mahal ko at mahal ako..
Pero hanggang saan nga ba? Hanggang kailan ba ako magtitiis? Kakayanin ko pa ba kahit sobrang sakit na?
Kahit isa sa mga tanong na yan ay wala akong masagot, dahil alam ko sa sarili ko na si Sara lang sagot sa lahat.. Kapag kinausap nya na ako, at bumalik na sya sa dati masasagot lahat ng tanong ko sa puso't isip ko...
Lumipas pa ang mga araw ay ganon pa rin sya, minsan binabangungot at sumisigaw..
Minsan naman bigla nalang syang iiyak at mag kukulong sa kwarto, gusto ko syang yakapin pero pinipigilan nya ako...
Minsan din nagwawala na lang syang bigla binabasag nya lahat ng gamit sa kwarto, at sumisigaw sya na para bang meron syang kaaway..
Habang ako nasa labas ng pinto ng kanyang kwarto pinakikinggan ko lang bawat pag iyak nya at pag sigaw nya.
Sa bawat araw na umiiyak sya kasabay din ng pag durog ng puso ko at iyak ko, hindi ko mawari kung paano sya dadamayan dahil ayaw nya akong lumapit sa kanya..
Tulad ngayon nag wawala na naman sya binabasag nya ang mga gamit sa kwarto at sumisigaw, at heto na naman ako sa may pinto nakikinig sa pag iyak at sigaw nya..
"Love please tama na.. Kausapin mo naman ako.. Dadamayan kita kung ano man yang sakit na nararamdaman mo.. Please love open the door.. Let me in.. Please.." pag mamaka-awa ko sa kanya
Pero imbis na pag buksan nya ako ay binato nya ng vase ang pinto at sumigaw..
" LEAVE ME ALONE!!
Yan ang lagi nyang sinasabi kapag kinakausap ko sya, masakit sobrang sakit pero ayaw ko syang pilitin dahil baka mas lalong makasama sa kanya..
" I miss my Sara.. I miss you so much love.. Miss ko na ang pagiging madaldal mo at pagiging clingy mo mahal.. I love you so much my Sara.." sambit ko habang patuloy na umiiyak sa pinto ng kanyang kwarto
Hindi ko lubos maisip na ganito kalala ang magiging epekto ng pagkawala nya, akala ko ay mabilis nyang malalagpasan ang trauma pero nagkamali pala ako...
Hinayaan ko na lamang sya, hihintayin ko na lang na kumalma sya at saka bubuksan ang pinto at lilinisin ang kalat nya..
Ganyan naman lagi pag nagwala sya hahayaan ko lang, pag alam kong nakatulog na sya saka ko bubuksan ang pinto at mag lilinis ng kalat nya..
Lagi ko syang kinakausap kapag tulog na sya, at pagkatapos ay hinahalikan ko ang kanyang noo..
----
Today is our 4th year anniversary ni Sara nag prepare ako ng dinner for us sa garden, gusto ko syang i.surprise..
Since hindi nya ako kinakausap si manang ang nakiusap sa kanya na mag dinner kami, buti nalang at pumayag sya kaya sobra saya ko..
Mag luluto lang ako ng favorite nyang kare-kare at humba then some desserts..
After noon ay bibigay ko na sa kanya ang surprise ko..
YOU ARE READING
I'm Yours (Book 1)
FanfictionNote: fictional lang po ang mga character sa istoryang ito, wag masyadong seryusohin.. Hahaha ✌️👊❤️💚 Sana magustuhan nyo.. 😊