Part 40

412 27 66
                                    

Meanwhile in Switzerland

Sara's pov

"Saraaaaaaaaaa gising!!!"

Rinig kong sigaw ng isang lalaki...

"jusko naman ang aga-aga pa sumisigaw na"  bulong ko sa sarili ko

Pagka pasok nya ng kwarto ko ay bigla nyang hinablot ang kumot na nakatalokbong sa ulo ko..

Then he spoke...

"hoy! Gaga bumangon ka na dyan.. Babalik na tayo ng Pilipinas.." galit na saad nya habang nakapamewang pa

I just look at him and give him my deadly stares..

"Sara tumigil ka dyan sa tingin mong ganyan ha?  Maligo ka na dun ang baho mo na.. At tsaka tingnan mo nga tong kwarto mo puno ng alak at ang kalat.. Juskooo!!" dagdag nya pa

Tiningnan ko lamang sya at hindi ako gumalaw sa kama ko, ng bigla nya akong hilain patayo..

" Sara naman it's been 5 years.. 5 fucking years ganyan pa din ang ginagawa mo.. Inom ka ng inom tapos iiyak ka, tapos mag wawala.. Ano ba!!! "

"please just leave alone.." mahina kong sambit at humiga ulit sa kama

"No! Sara please stop this bullshit!! Limang taon kang nag tiis, nasakatan ka Sara iniwan mo yung taong mahal mo kahit masakit.. 

Sara bumalik kana ng Pilipinas bawiin mo yung dapat ay para sayo at ipag higanti mo yung nangyari sayo lalo na sa inaanak ko.. Bigyan mo sya ng hustisya Sara, you kept your silence for 5 years hindi ka lumaban kahit na kaya mo naman silang labanan..

Mas pinili mong lumayo at sumuko!! Hindi ganyan yung Sara na kilala ko, saan na ba yung tapang mo ha?!

Ilaban mo naman yung mga taong mahal mo, wag mong hayaan na maging masaya yung mga taong nanakit sa inyo..

You should be living your happy life now Sara, but they distroyed you.. Bawiin mo yung dapat ay para sayo at hanapin mo yung mga taong nanakit sayo...

Sara please be brave enough to fight for the person you love the most.. I know you still love him even though you choose to leave him... " mahaba nyang sambit

Lahat ng sinabi nya tagos hanggang buto ko, natamaan ako sa bawat salitang binitawan nya..

Mas pinili kung lumayo at sumuko kahit alam kong kaya ko naman silang labanan....

Naging duwag ako.. To the point na pati si Bong binitawan ko na, dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko nung panahon na yun..

"Sara I will help you with this promise kasama mo ako sa laban mo, sinamahan nga kita dito sa switz magpaka gaga eh.. Dun pa kaya sa Pinas..

"salamat Sandro ha? Thankful ako na nandyan ka nung panahong hindi ko na kaya.. Hindi mo ko iniwan.." sambit ko at tuluyan ng tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan

Niyakap nya naman ako oara pakalmahin..

Sandro know everything about me bago pa kami napadpad dito sa Switzerland..

Unang nya nalaman ay kung ano ba talaga ang totoo kung trabaho.. Dahil nung nag raid kami ay nakita nya akong naka uniporme at may hawak na baril..

Kaya napilitan akong umamin sa kanya mabuti nalang at tahimik lang sya..

Pangalawa kaya kami magkasama dito sa Switzerland ay nung gabi na umalis ako sa bahay nila Bong, pumunta ako sa park para ilabas ang sama ng loob ko..

Di ko alam bakit sya nandoon nung time na yun at sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari sa akin ng ma-kidnap ako..

Sinabi ko sa kanya na gusto kong umalis ng bansa, sakto naman na pupunta sya dito sa switz para mag aral ng arts kaya sumama ako sa kanya..

Si Sandro ang naging sandalan ko nung panahong lugmok ako, sya ang tumulong sakin makalimot sa masakit na nangyari 5 years ago..

May part time job ako dito pero binibili ko lang lahat ng alak, ginawa kung tubig ang alak para matanggal lahat ng sakit..

Sinubokan kong tumalon ng tulay para tapusin ang buhay ko, pero nasundan ako ni Sandro at pinigilan nya ako..

Sa bawat kagagahan ko si Sandro ang nakikinig sa mga rants ko sa buhay, sya ang nag papyansa sakin pag nakulong ako dahil sa pagwawala ko sa mga bar, o kaya ay nagmamaneho akong naka inom..

Si Sandro ang tumayong magulang ko dito, pinapagalitan nya ako lagi....

Minsan nagaglit na ang girlfriend nya dahil mas may oras pa sya sakin kesa sa jowa nya..

Sandro become my bestfriend.. His a good man iniintindi nya ako kahit pagod na pagod na sya kaka-sermon sakin..

Im thankful to him dahil may nakasama ako sa loob ng limang taon ng kabaliwan ko sa oag takas sa problema ko..

After ng lahat ng sinabi ni Sandro ay bumangon na ako at naligo, nag bihis na rin ako at nag linis ng kwarto ko..

Lumabas na ako para kumain dahil may pasok pa ako mamayang hapon..

Pagdating ko sa kusina ay naabutan kung nag hahain na si Sandro ng niluto nya, sya lagi ang nag luluto at nag lilinis ng apartment na tinitirhan namin..

"wow ha? Nakaligo ka rin.. Hahaha" pabirong sambit nya at tumawa

"Mainit eh..

" halika na umupo ka na dito..

"thank you Sanz..

" wala yun.. Sige na..

Tahimik kaming kumakain ng bigla syang mag salita muli..

"Tumawag nga pala and Presidente sayo kanina..

" huh? Paano?

"naka 30 missed calls na sya kaya sinagot ko..

" ahh tapos? Ano sabi?

"umuwi ka na raw dahil approve na ang appointment mo..

" luh? 5 yrs akong nawala tapos i.aappoint na ako?

"aba! Malay ko.. Mas magaling ka raw kasi kesa dun sa mga nka endorse sa kanya.. Ikaw dw gusto nya.. Kaya uuwi tayo next week..

" hmmm..

"wag mo ng pag isipan Sara!! Babatukan kita.. Uuwi ka at lalaban ka.. Gamitin mo yang ibibigay sayong posisyon para mahanap mo yung hustisya na limang taon mong tiniis...

" di ko alam Sanz kung kaya ko pa bang bumalik sa lugar na nagbigay sa akin ng sobrang sakit na karanasan..

" Babalik ka!! Dahil may babalikan ka!! Makinig ka sakin..

Hindi ko na sya kinibo at nagpa tuloy na lang sa pagkain..



"May babalikan pa nga ba ako? Ako pa rin kaya ang mahal nya? Sana ako pa rin.. Sana pwede pa.."

I'm Yours (Book 1)Where stories live. Discover now