Part 22

482 27 7
                                        

15 years ago in Davao

May mga batang pulubi na nangangalakal ng basura sa park, pero ang isang bata naman ay tulala habang naka tanaw sa batang babae na naka upo sa swing..

Nang makita ng isang batang lalaki ang hitsura nito ay binatukan nya agad..

"ay pesting yawaa.." ani ng batang tulala

"nag lutaw man gud imung huna-huna, nabuang na ba ka? (lumulutang kasi isip mo baliw ka na ba?)" saad nito

"may tinitingnan kasi ako.."

"sino ba?

" yun oh.. Yung batang babae sa swing.. " aniya sabay turo sa direksyon ng batang tinutukoy

" kanina pa sya dyan pansin ko.. Pero ano naman sayo ngayon?

"ang ganda niya kasi tapos parang may hinihintay sya"

"hayaan mo na nga sya, mag halungkat na tayo dahil gutom nako..

" ito bente bila ka pagkain, bibili lang ako ng cotton candy"

"huh? Para saan yung cotton candy?

" bigay ko sa kanya oh.. Parang malungkot sya ehh..

"bahala ka nga dyan.. Akin na yung bente.." saad ng kaibigan ng batang lalaki

Bumili naman ng cotton candy ang batang lalaki, at dahan2x na lumapit sa swing kung saan nandoon ang batang babae na kanina nya pa sinisipat..

" Hi.. Miss gusto mo?" saad ng batang lalaki sabay abot ng cotton candy na binili nya

"hello para sakin ba toh?" sambit ng batang babae

"ahh.. Oo.." aniya at napayuko na lamang dahil nahihiya sya

Ang ganda kasi ng batang babae mestiza, matangkad, matangos ang ilong, tama lang ang haba ng buhok nito, at disenting tingnan..

Hindi naman maarte ang batang babae kaya mas lalong humanga ang batamg lalaki sa kanya..

"may hinihintay ka ba?" aniya

"oo si sungit.. Nangako kasi sya na maglalaro kami ngayon eh.. Pero ilang oras na akong nag hihintay dito wala pa rin sya.." maiyak iyak na sambit ng batang babae

"ahh.. Sungit ba talaga ang pangalan niya?" tanong nito

"haha di naman tawag ko lang yun sa kanya, kasi nung una masungit sya pero hindi naman pala.. Sobrang bait niya at malambing din kaya gusto ko syang kalaro.." pagpapaliwanag nito

"pwede rin ba akong makipag laro sayo?

" oo naman..

"ahh.. Anong pangalan mo miss ganda?

" Sara! Sara ang pangalan ko.. Ikaw ano naman pangalan mo?

"Robin! Robin nga pala..

" ahh robin.. Salamat nga pala dito sa cotton candy na bigay mo ha?

"oo naman.. Ikaw pa malakas ka sakin, pagdating sayo nanginginig pa.. Hahah

" hahaha joker ka pala.. Hahaha"

"so prends na tayo sara?

" oo naman robin.. " at naki pag kamay si sara ky robin habang naka ngiti, kinamayan din naman ito ni robin

" hmm ang labot ng kamay nya.. Para syang Dyosa lalo na pag nka ngiti" bulong nito sa sarili

Simula noon ay lagi na silang magkalaro sa park, lagi din nag bibigay si Robin ng cotton candy ky Sara..

I'm Yours (Book 1)Where stories live. Discover now