Part 3

608 23 15
                                    

Tahimik lang kami kumakain wala kahit isang nagsasalita, gutom na gutom na din kasi talaga ako di ako nag agahan dahil late nako nagising.. Pero habang kumakain kami ay may mukong na lumapit sa amin at biglang hinampas ng kamay nya ang lamesa at napatingin naman kaming tatlo..

"Hello magandang binibini!  Babe bakit di mo sinabi sa'kin na nag lunch ka na pala sana sinamahan kitaaniya at nag init naman ang tenga sa narinig ko "babe amp" ano dw?

" Hoy mukong kumakain kami dito wag kang manggulo, umalis ka nga dito.."  at tiningnan ko sya ng masama sabay subo ulit sa pagkain ko.. Nag salita naman ulit cya..

"Babe di naman mukong ang pangalan ko ehh, Robin.. Robin Padilla ang iyong iniirogsabay abot ng kamay nya at akmang hahawakan ang aking kamay.. Kaya mabilis ko iniwas ang kamay ko at nag salita.. This time tumaas na ang boses ko..

"HOY!! UNANG-UNA SA LAHAT WALANG AKONG PAKE SA PANGALAN MO DAHIL DI NAMAN KITA TINATANONG!! AT ISA PA WAG MO AKONG MATAWAG-TAWAG NA BABE DAHIL HINDI KITA JOWA!!" inis kung sambit sa kanya at tumayo...

" yun lang ba? Edi jojowain kitaaniya sabay kindat

"ABA!! INUUBOS MO TALAGA ANG PASENYA KO AHH!!"  at hinawakan ko sya sa kanyang kwelyo

"Sara relax... Let him go!!  Don't mind him, nagpapansin lang yan sayosabi pa ni Sandro at tumayo na rin

"Robin umalis ka na kasi dito, wag kang mag umpisa ng gulo.."  pag awat naman ni bong

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ako sinasagot ng magandang binibining ito..sagot niya pa ky bong

This time hindi ko na napigilan ang sarili ko hinigpitan ko ang hawak ko sa kwelyo nya at sinuntok ko sya, kaya naman bulagta sya sa sahig.. Napahawak naman sya sa kanyang bibig dahil dumugo ang labi nito..

Kita ko naman ang pagka gulat ni Bong at Sandro sa ginawa kung pag suntok ky Robin.. Bigla naman lumapit si Bong at hinawakan ang kamay ko sabay tingin kung ayos lang ba ang kamay ko.. Habang hawak niya ang aking kamay nakaramdam ako ng kakaiba, bumilis ang tibok ng puso ko at parang nag slowmo ang lahat..

Para bang kami lang ang tao dito kitang-kita ko sa mga mata ni Bong ang pag-aalala, napa tingin ako sa mga mata nyang mapungay ang ilong nya na matangos at ang kanyang labi na para bang ky lambot.. 

Di ko namalayan na matagal na pala akong naka titig sa mukha ni Bong "ang gwapo niya"  sambit ko sa sarili ko habang patuloy siya tinitingnan...

Bumalik na lang ako sa aking wesyo ng alog-alogin niya ako..

"Sara... Sara!!  Hey!! Are you okay??  Does it hurts?  Let's go to infirmary to check your hands..

Ohh.. Yes!! Yes!  I'm fine... Nevermind im good.."  sambit ko

Pero hindi nakinig c Bong hinila niya ako papuntang infirmary, hindi na ako naka pag salita dahil sa biglaang pag hawak sa akin ni Bong..

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang sasabog na, sa lahat ng nakilala ko si Bong lang ang sobrang nag aalala sa akin ng ganito..

Hindi ko ma-intindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon, hindi ko na rin napansin na naiwan pala namin c Sandro at Robin sa cafeteria sa bilis ng pangyayari..

Ng makarating kami sa infirmary agad akong pina upo ni bong sa higaan at hinanap ang nurse... Kaso parang walang tao, ilang beses na si Bong pa labas pasok para i.check kung nasaan ang nurse ngunit mukhang naka break ata..

I'm Yours (Book 1)Where stories live. Discover now