Part 55

432 27 31
                                    

Sara's pov

"I now pronounced you husband and wife,  you may now kiss the bride.."

We're about to kiss pero biglang may malakas na putok ng baril ang bumalot sa buong simbahan..

*bang*bang*bang

Pag lingon ko naka handusay na ang lalaking mahal ko..

,

"Boooooong.... "

----

Bigla akong nagising sa isang panaginip..

"What was that? "  bulas ko habang nag hahabol hininga

Nagtaka ako kung nasaan ako dahil kasalukuyan akong nandito sa isang maliit pero maaliwalas na kwarto,  ramdam ko ang simoy ng hangin na nagmumula sa bintana..

Bigla namang may pumasok na matandang babae sa kwarto may dala itong maliit na palanggana at bimpo, bahagya syang nagulat ng makita nya ako..

"Magandang umaga hija,  kamusta na ang iyong pakiramdam?"  pag aalalang tanong nya sabay ang pag dampi ng kanya palad sa aking noo

"mabuti at wala ka ng lagnat"  dagdag nya pagkatapos hawakan ang aking noo

"Nasaan po ako?  At sino po kayo?  Anong ginagawa ko dito? " sunod2x kung tanong

"Hija ako nga pala si Josie, nandito sa ngayon sa aming maliit na kubo..  Nakita ka kasi ng aking asawa na si Isko sa may ilog duguan ka at walang malay,  kaya dinala ka nya dito para gamutin.. " paliwanag nya

"ganon po ba?  Maraming salamat po..  Ahm may mga gamit po ba ako nung nakita ako ng asawa nyo?" sambit ko

"ay wala naman..  Bakit Hija?"  nagtataka nyang tanong

" ah..  Eh..  Wala po.."  sagot ko naman

Pinilit kong makatayo pero masakit ang aking mga paa, habang pinipilit kong igalaw ay mas lalong sumasakit at kumikirot..

"a-araaayyy!"  sigaw ko

"wag ka munang masayadong gumalaw,  may tama ka ng baril sa binti mo kaya ginamot yan ng aking asawa..," nag aalalang saway nya at ibinalik ako sa pagkakahiga

Bigla namang pumasok ang isang matandang lalaki, tiningnan nya ako at dahan dahang lumapit sakin..

" Hija wag kang gumalaw masyado dahil sariwa pa ang sugat mo,  pag nagpumilit kang gumalaw ay mag durugo yan.."  suway nya

Hindi ako maka imik dahil masakit talaga ang aking paa..

"Hija ano nga pala ang pangalan mo?"  tanong ni Aling Josie

Sandaling akong na tahimik di alam ang isasagot ko, nagdadalawang isip ako kung ano ang aking dapat sabihin.. Pero paglipas ng ilang minuto nag salita na rin ako..


"Yza po..  Yza po ang pangalan ko.."  saad ko

"Ay ganon ba..  Yza may itatanong sana ako sayo.." sambit ni Mang Isko

I'm Yours (Book 1)Where stories live. Discover now